Hindi siya sumagot agad. He's just staring intently at me using his soulful eyes. Mababasa mo lahat sa mata niya because his eyes are expressive.

"My seniors . . ." he trailed off. "Let's say para silang mga high school students na feeling cool para katakutan. Parang bata mang sabihin pero binu-bully nila ako sa trabaho. They say architecture isn't for me. Wala ako sa linya ng pamilya ko, bakit ko pa raw sinubukan ang arkitektura? Hindi naman daw ako magaling. Bakit daw hindi na lang ako tumulad sa pamilya ko o sumunod sa yapak nila? Maybe in that way, I'll be successful too. Hindi raw ako bagay sa industriya nila. Wala akong puwang."

Habang sinasabi niya 'yon ay ramdam ko ang hinanakit niya . . . it's like I'm feeling his sentiments. Pain was heard in his voice. And even though he's not saying it, I know he's slowly believing his seniors. Pinanghihinaan siya ng loob.

"Do you think I should quit?" He glanced at me.

I shook my head. "Kapag nag-quit ka, para mo na ring pinatunayan sa kanila na hindi ka talaga magaling," sagot ko. "Their words? Make them as your motivation to do better. Nagsisimula ka pa lang, Jai. Hindi madaling makarating sa tuktok. Marami kang pagdaraanan, kasama 'yan sa baitang na dapat mong tapakan. Galingan mo lang lalo sa trabaho mo. You love your profession, right? Then make them see it."

"Sounds easy but it isn't . . ." He chuckled. "Do you know how many projects I lost because they talked a lot of bad things about me to the client? They were big clients, pero sa huli hindi ko nakuha ang loob nila dahil siniraan ako."

Hindi na talaga siguro nawawala sa isang working environment ang ganiyang uri ng mga tao. Parang bata, mahilig manira, mapangmata.

"You know what? Parents mo nga walang nasabi sa napili mong profession tapos sila meron? Sino sila para pakinggan mo, Jai? Your parents are so proud of you."

"I guess you're right." He gave up, and I'm glad he did. "Hindi ko nga dapat silang pakinggan. I should focus on my craft and not on their imbecile remarks."

I smiled at him sweetly. "Just keep believing in yourself that you can do it. Who knows you'll have your own firm one day?"

Nang sabihin ko iyon ay ngumiti na siya. Dahan-dahan siyang tumango saka lumingon sa papalubog na araw. "One day . . ." he whispered. "One step at a time."

Muli kaming natahimik at pinagmasdan lang ang nag-aagawang kulay ng langit . . . saka ko naman naramdaman ang kirot sa puso ko.

He shared and somehow, I want to share mine too.

"Bakit?" tanong niya bigla sa akin kaya napalingon ako sa kaniya.

"Anong bakit?"

"Bakit ka tumahimik?"

Hilaw akong napangiti. "Alam mo maswerte ka pa nga dahil hinayaan ka ng mga magulang mo piliin kung anong gusto mo, that despite being a family of entrepreneurs, they let you be an architect. Hindi ka nila pinigilan."

I saw the sudden realization on his face that made him smile.

"I don't want to compare our parents. Sinusuportahan din naman nila ako sa lahat ng gusto ko. There's this one thing that my dad doesn't want me to pursue," I added.

"What is it?" he asked, curiosity can be seen in his eyes.

"Ayaw niya akong maging katulad niya."

"Katulad niya?"

"He doesn't want me to be an attorney. Simula pa noong maging decided ako na iyon ang gusto ko, ipinipilit ko na 'yon sa kaniya pero ayaw niya."

Hindi siya agad nagsalita. Animo'y pinoproseso niya pa ang sinabi ko. Sa huli ay isang mabagal na tango ang kaniyang ginawa.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now