𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟕

Zacznij od początku
                                    

I regret that they see me like that but I just got scared that she might be in danger if I wasn't there.

____

"Hoy potacca Pj! bakit hindi mo naman blinock! Kung san san kasi natingin, Talo tuloy tayo!" Reklamo ni Kai at hinampas hampas likod ni Pj.

Talo kasi sila, kakampi niya sila Pj at Kev habang kalaban nila yung magkapatid at si Pito.

Kanina pa sila naglalaro ng beach volleyball at inaaya nila ako pero tumatanggi lang ako kaya andito lang ako ngayon sa may gedli at pinapanood sila magpatayan.

Oo patayan, kasi kada makakascore si Pito bigla tatalon si Gav sa likod niya at masayang lulundag lundag tapos sa kabila naman kapag masasave ni Kai yung bola dadaganan siya nila Kev tapos magsisigawan na parang mga baliw.

Ay, mga baliw nga naman pala kami.

Yung BBG andun sa kabilang gilid may mga sariling mundo, paminsan minsan nagugulat sila sa sigawan nung anim tapos madalas naman kaming magtitigan ni mama Zane pero ako din iiwas ng tingin.

Nababacla ako e, bakit ba.

"Pakyu! Bakit ako sinisisi mo? Ikaw libero bakit hindi mo sinave yung bola?" Sagot naman ni Pj at nakipaghampasan na kay Kai.

"Gaga ka ba? eh antaas nga ng nirating nung bola, dapat ikaw yung magb-block nun! Bobo!" Sagot pa ni Kai at ayon na nga nagsakalan na sila, nakisali pa sila kev sakanila habang si Gav tumalon sa mga likod nila. Ampucha.

"Mga gago! magpatayan na lang kaya kayo no?" Sigaw ko naman para kuhanin atensyon nila.

Pero mukhang maling desisyon yon dahil nagsisitakbuhan na sila papunta sa direksyon ko.

"Masteeerrrrrrrrrr!!!!"

Sigaw nila habang palapit na sakin kaya dali dali akong tumayo at tumabo palayo sakanila.

"Hoy masteeerrrrrrrrrr wag ka tumakbooo! Makilaro kana kasi sa aminnnnn!!" Sigaw ni Gav habang hinahabol nila ako.

"Ayoko nga sabi! Bahala kayo magpatayan dun!" Sigaw ko din at tumakbo sa direksyon ng BBG at nagtago sa likod nila sabay sabay pa silang nagulat dahil nauntog ako sa upuan ni Aia.

"What the- Lei! What are you doing there?" Tila nagaalalang tanong ni ma'am Zane pero ngumiti lang ako sakaniya.

"Ma'am tago niyoko may mga baliw na gusto akong kunin." Sagot ko at tinignan sila ng nagmamakaawa.

"MASTEEERRRRRRRRRR LEEEIIGGGHHHHH!!"

"Waaahhh ma'am andiyan na sila, ayoko maglaro masakit ulo ko." Baling ko kay ma'am Zane saka nagpout matapos kong sulyapan yung mga baliw na parang tanga kung tumakbo.

Mga nakataas kamay nila na parang mga multong gusto manguha ng bata tapos sila Gav, Kai at Kev nakangiti na parang ngiti ni momo. Creepy amp.

"Maxileigh~ come to mameeehhh~" parang gagong sabi ni Zev at ginaya pa yung boses ng sikat na horror character.

"Maxileigh~" panggagaya din nila Kai kaya napagakat labi na lang ako para pigilan yung tawa.

Pwede na sila ipasok sa mga asylum.

"You look stupid, Lopez." Biglang sabi ni ma'am Zafira kaya napadiin kagat ko sa labi ko.

"Sino samin ma'am?" Pilosopong sagot ni Zev at Gav, mga siraulo.

"Both of you. Actually, all of you." Sagot naman ni ma'am Azalea sabay turo sakanilang anim kaya napahagalpak na ako ng tawa.

"Mga litsi kayo HAHAHAHAHAHA pwede na kayo magpart time job sa mga hunted asylum HAHAHAHAHAHA." Napaupo na ako sa buhangin kakatawa habang sila masama ang tingin sa akin.

UnexpectedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz