Chapter 39: Ano ba dapat title nito? Pagod na rin ako mag-isip gaya ni Regina

281 14 58
                                    

"Regina naman eh! Listen to me! Huwag mo akong talikuran ng hindi mo naririnig ang explanation ko please."

Tinakbo ni Narda ang pagitan nilang dalawa at niyakap n'ya ito mula sa likod.

"Let me go, Narda! Please! Ayokong magkasakitan pa tayo dito. Paulit-ulit nalang tayo, Narda! Nakakasawa na!"

Sinubukan nitong tanggalin ang pagkakayapos n'ya pero mas hinigpitan lang n'ya ang pagkakayakap dito.

"No! Please listen to me. Kahit ngayon lang."

"Narda!"

"That night, noong nagdadrive ako para sunduin ka sa underground music bar, noong magkausap tayo sa phone, akala ko talaga para kay Noah 'yong mga sinasabi mo. Alam ko kasing lasing ka at mukhang delirious na. Malay ko bang para sa akin lahat ng 'yon? Saka kung alam mo lang kung ano ang nararamdaman ko that time. Sobrang selos, Reg. I was crying while talking to you. Ak-akala ko kasi kahit patay na si Noah mahal mo pa rin s'ya."

Humihikbi na s'ya sa likod nito pero sinusubukan pa rin n'yang pigilan ang pag-iyak.

"A-akala ko kasi kahit na kailan hindi moko minahal. Ang dami kong maling akala, Regi. Pero ang masasabi ko lang sa'yo, I wasn't lying when I told you I love you that night. Ikaw lang kasi talaga kahit noon pa. Kaya nga naging ganito ako at nagkakaganito ako. Kasi nilalamon ako ng sobrang selos. Sobrang mahal kita kaya ako nagseselos ng ganito, Regina."

"Tama na, Narda. Pagod na ako. Pagod na pagod na akong mag-isip. Just let me be. Kailangan ko ng magpahinga. Ikaw rin, Narda, magpahinga ka na."

Tinanaw n'ya nalang ito habang papalayo.

Nanlulumong napabalik nalang s'ya ng bahay.

"Ang gago mo kasi, Narda. Ikaw itong mang-iiwan tapos ikaw itong maghahabol ngayon? Ang tanga mo sobra!" Paninisi pa n'ya sa sarili.

Napaupo nalang s'ya sa garden set.


MGA isang oras din yata s'yang nakatulala sa may garden ng makarinig ng tunog ng fire truck sa 'di kalayuan.

Out of curiosity, tumingala s'ya sa langit at nakita n'ya ang bahagi ng madilim na kalangitan na binabalot na ng liwanag ng apoy at usok na sigurado s'yang nasa malapit lang sa kinaroroonan nila.

Sa bahagi mismo kung nasaan ang nirerentahang cabin nina Dare at Regina.

Wala sa sariling tinalunton n'ya ang daan papunta sa mismong lugar kung nasaan ang sunog.

"No! No! No! Fuck! No!"

Bigla s'yang napatakbo ng makitang ang mismong cabin nina Regina ang nasusunog.

"Regina!"

"Love!"

Tatakbo sana papasok sa cabin si Narda ng hawakan s'ya ng naroong bombero.

"Ma'am, delikado na po sa loob."

"May tao sa loob, sir. Kailangan kong iligtas ang girlfriend ko. Nasa loob s'ya!"

Nagpupumiglas pa s'ya lalo sa pagkakahawak nito ngunit sadyang mas malakas ito kaysa sa kanya.

"Regina!"

"Baby!"

Halos matupok na ang cabin at kokonti nalang ang natira sa estraktura matapos maapula ang apoy.

"Regina!"

Papasok sana s'ya sa loob ng cabin ng mapansin si Regina na nakabalot ng towel at nakaupo sa hindi kalayuan.

"Baby! You're safe. Akala ko..."

Mabilis n'ya itong niyakap. Maluha- luhang mas hinigpitan pa n'ya ang pagkakayapos kay Regina.

AFTER THE MOVIEWhere stories live. Discover now