Chapter 25: Balikan na ba this?

426 20 20
                                    

"Dare?" Tawag n'ya ng makapa n'yang wala sa tabi n'ya si Dare paggising n'ya.

"Hay! Bakit kasi ang aga kong uminom? Nakalimutan ko pang ibilin si Dare kay Aling Tess. Asan na kaya 'yong batang 'yon?"

Tiningnan n'ya sa labas at baka naglalaro lang ito kasama ng ibang bata pero wala.

"Ali. Tama! Si Ali. Baka alam n'ya kung nasaan si Dare since magkasama kami kanina habang umiinom ako."

Nagdial s'ya sa phone at maya-maya ay sumagot na si Ali sa kabilang linya.

"Regi?"

"Kasama mo ba si Dare, Ali? Wala kasi s'ya sa tabi ko paggising ko. Wala din s'ya sa labas."

"Ah eh..."

Naningkit ang mga mata n'ya sa narinig. Mukhang alam na n'ya kung nasaan si Dare.

"Nasa NC Production kayo?"

"Ah oo, Regi. Kasama namin si Doc Luna."

Napahilamos nalang s'ya ng mukha.

"Hintayin mo ako d'yan, Ali. May kalalagyan ka sa 'kin mamaya."

"Eh sorry na, Regi. Nagpipilit kasi si Dare. Sabi n'ya pag 'di ko daw s'ya sinamahan s'ya nalang aalis ng mag-isa. Eh 'di mas lalo naman akong nalagot sa'yo 'pag hinayaan ko s'ya."

"Naku naman, Ali! Bata lang 'yan pero nauto ka pa?"

"Eh ano ba naman ang laban ko? Kung 'di ko daw s'ya pagbibigyan lagot daw ako sa'yo at kay Narda. Nakakatakot kaya kayong mag-asawa."

"Mag-asawa? Para kang si Ding. May anak lang kami, Ali, pero walang kami. O s'ya sige na. Mag-aayos na ako. Hintayin n'yo ako d'yan at ng makurot ko kayong dalawa."

"Regi, naman" Reklamo pa nito pero pinatayan na kaagad n'ya ng tawag.

                     _______________

"Regina, nasa loob sila ng office ni Narda." Kaagad s'yang sinalubong ni Ali pagkababa n'ya ng taxi.

"Bakit mo kasi dinala si Dare dito, Ali?"

"Sorry na."

"At bakit pati si Doc Luna nandito? Ano ba'ng pinaggagawa n'yong tatlo ha?"

"Ah eh." Napakamot ito ng batok. "Alam na ni Narda ang lahat-lahat, Regi. Sinabi na ni Dare tapos si Doc Luna na ang nag-explain para mas malinaw."

"You did what?" Napalakas ang boses n'ya sa pagkabigla.

"Eh kasi naman ang pabebe mo, Regi. Ayan, ang anak mo na 'yong nagsabi para sa'yo."

Naningkit ang mga mata n'yang nakatitig kay Ali. "Ali, naman. I told you, may tamang panahon para sa lahat. Bakit n'yo ba kasi ako pinapangunahan ha?"

"Eh hindi naman ako ang nagsabi ah. Driver slash bodyguard slash yayo slash alalay ng mga alalay lang ako dito. Huwag mo akong sisihin, Regi."

Sinamaan lang n'ya ng tingin si Ali saka nagpatiuna ng naglakad papunta sa office ni Narda.

"Nakauwi na pala si Doc Luna. May biglaang meeting kaya hindi ka na n'ya nahintay. Sabi n'ya daanan n'yo nalang daw s'ya sa clinic minsan."

"Ang sabihin mo ayaw lang din mabugahan ng apoy ng isang 'yon kaya tumakas na."

"Mukha nga." Sabi ni Ali. "Dito lang ako sa labas kung kailangan mo na, Regi." Paalam nito.

Pumasok na s'ya kaagad sa office ni Narda ng hindi na kumakatok pa.

Naabutan n'yang nakakandong si Dare kay Narda at kapwa tulog na ang dalawa habang nakaupo sa couch.

AFTER THE MOVIEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora