Chapter 12: Expect the Unexpected

311 14 36
                                    

"Cut!!!" Malakas na sigaw ng direktor.

"Ano ba naman 'yan, Regina! Sasampalin mo s'ya! Galit ka dito! Hindi ka inlove sa kaeksena mo kaya tigilan mo ang ganyang titig!"

"Sorry, direk!"

"Sorry! Sorry! From the top tayo! Itigil mo 'yan ganyang tingin, Regina. Close up scene 'to kaya bawal ang ganyang titigan. Ikaw din Narda! Tigilan n'yo ako ha? Hindi kayo ang magkalove team dito at hindi love scene ang eksena! Sampalan! Understand? Sampalan! Magkaaway kayo dito!" Inis na bulyaw ng direktor.

"Break muna! I need to smoke." Agad na lumabas ang direktor sa set.

"Hala ka, Regina! Ginalit mo si direk!" Pang-aasar n'ya pa dito.

"Ano'ng ako? Ikaw nga d'yan eh. Ikaw 'yong kanina pa nagpapacute d'yan." Pinisil pa nito ang pisngi n'ya.

"Hoy?! Ano'ng nagpapacute? Eh sa ganito lang talaga ang mukha ko."

Natatawa't naiiling nalang talaga s'ya. Kaya pala kanina pa nila paulit-ulit na tinitake ang eksena.

"Bakit kasi hindi agad sinasabi ni direk eh. Ayan tuloy nakailang take pa tayo."

"Pawis ka na nga oh." Pinunasan nito ang pawis na namuo sa noo n'ya.

"Ako na, Regi." Agad s'yang nagpalinga-linga sa paligid nila at baka may magbigay na naman ng malisya sa closeness nila.

"Eh sa gusto kong punasan 'yong pawis mo eh." Hindi nito hinayaang makuha n'ya ang panyo na ipinampupunas nito sa kanya.

"Please? Baka maissue na naman tayo at lalong magalit si direk. Sa dressing room mo nalang ako punasan."

"Bahala ka." At nagtampo na nga ito.

Tinalikuran s'ya nito at bumalik na sa dressing room.

"Regina, naman." Angal n'ya ng sila nalang dalawa sa kwarto.

"Ikinakahiya mo siguro ako kaya ganoon. Bahala ka!"

"Uy, bebe. Alam mo namang bawal nga tayong makita in public na sweet, 'di ba? 'Di ba nga pinagalitan na ako dati dahil doon? Enough naman na siguro 'yong sweet tayo kapag tayo lang ang magkasama, 'yong magdidate tayo ng palihim ng nakadisguise, 'yong nagpapadala ka ng flowers and chocolates sa work with notes na kahit walang name, alam kong sa'yo galing."

"Fuck work!" Sabi nito na ikinatawa n'ya.

"Regina, para kang bata."

"Nakakainis eh. Sagabal talaga 'tong trabaho sa babe time. Tama ako, 'di ba?"

"Ewan ko sa'yo, bebe."

May kumatok sa dressing room na agad namang pinagbuksan ni Narda.

"Ready na daw po kayo, miss Narda. Kissing scene daw po muna. Mamaya na daw ang sampalan scene with miss Regina."

Regina smirked. "Kung siniswerte ka nga naman."

Naiiling na binalingan n'ya ang staff. "Susunod ako, Maya. Thank you."

"Huwag na kasing magtampo 'yang bebe na 'yan. Parang hindi ka naman nagkalove team dati eh."

"Kahit na! Gusto ko pa rin ako lang ang ikiss mo which is hindi pa nga nangyayar-..."

Bigla n'yang sinapo ang mukha nito binigyan ito ng makapugto-hiningang halik na kaagad naman nitong tinugon.

The kiss was brief but enough to silence Regina.

"Wag na magalit 'yang, bebe, na 'yan ha? Ayan na. I sealed the deal now. You're my exclusively date na."

"Narda..."

AFTER THE MOVIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon