Chapter 6

57 5 0
                                    

"Owen, kaya naman na ng alagad ni Itay yun" pagpapakalma sa akin ni Tide.

Nasa kwarto ko ngayon kaminat ibinalita ko na rin kay mama at papa ang buong nangyari. Katulad ng reaksyon ko ay galit na galit sila sa gumawa nun.

"Oo alam ko Tide pero kapatid natin yun, paano kapag may nangyaring masama sa kanila? Hindi ko mapapatawad an—" naputol ang aking sasabihin dahil sa isang labing dumikit sa aking labi.

"Sasama tayo, wag ka na mag alala" sambit niya na ikinapanatag ko.

"Kaya nga anak, kumalma ka muna" sambit ni papa. "Walang mangyayari kung papairalin mo iyang galit mo Owen" dagdag pa ni mama na sinang ayunan ni Tide.

"Pero mama kinuha nila yung dalawang babaeng pinakamamahal namin!" Hindi napigilang sumigaw.

"Love, ikalma mo please" naiiyak na sambit ni Tide habang hawak ang kamay ko.

"Fine. Kakalma ako ako sa ngayon, pero kapag wala silang nahanap na kahit marka kung saan sila ipinunta ay doon ako magwawala" saad ko saka umupo at isinubsob ang aking muka sa leeg ni Tide.

"Ginagawa po namin ang lahat mama para mahanap si Pearl at si Everest" sambit ni Tide.

"Better be anak kasi kapag wala silang nahanap na marka ay talagang magwawala si Owen, mahal na mahal niya ang kaniyang kapatid kahit ganito ang trato niya sa kanya" sambit ni mama na ikinangiti ni Tide.

"Hindi kami titigil hanggat walang nahahanap, pangako iyan" singit naman ng tatay ni Tide.

"Oho pinapangako namin iyan sa inyo" dagdag pa ng ina ni Tide.

Kompleto kami ngayon sa mansyon namin at naguusap usap kung ano ang mga plano, tutal nagpadala na daw ng mga kawal ang tatay ni Tide para mag hanap ay wag na daw kaming mag alala. Pero sa isip isip ko ay may iba akong plano na alam kong ikakapahamak ko, hindi ko hahayaang tumagal ng ganun ang paghahanap nila.

Sinenyasan ko si Tide na punta muna kami sa kwarto dahil naguusap usap pa ang mga magulang namin. May narinig pa ako na kapag nahanap na daw ang mga nawawalang merple (mermaid people) ay paparusahan daw ito ng tatay ni Tide.

Pagkapasok namin ng kwarto ay itinulak ko siya sa higaan ko at hinalikan siya sa kaniyang mapupulang labi.

"Uhmm" ungol si Tide habang sinasabayan ang bawat daloy ng halik ko.

Pinutol ko ang aming matamis na halikan at humiga ako sa kaniyang dibdib. "Did you just kiss me in front of our parents kanina nung hindi ako kumakalma?" Tanong ko habang hinahimas niya ang aking buhok.

"Yup, tsaka wag kang mahiya. Ginagawa namin yun para kahiy papaano ay kumalma kayo, and alam kong naiintindihan ng mga magulang natin kung bakit ko yun nagawa sayo kanina" sagot niya saka ko siya niyakap.

Habang yakap yakap ko siya ay hinihimas himas niya ang aking buhok, weird pero pakiramdam ko ay ligtas ako kapag kasama ko si Tide. Yung tipong kapag kasama mo siya ay nawawala ang mga problema mo at nalalayo ka sa magulong mundong ito.

Sa sarap ng paghimas ni Tide sa buhok ko ay nakatulog ako, naramdaman ko pang hinalikan niya ako sa noo ko at doon ay nakatulog rin siya.

Akala ko mawawala na ang mga problema ko sa paraan na pagtulog ko ay hindi pala. Akala ko lang talaga yun.

Isang madilim na panaginip ang nagpagising sa akin sa kalagitnaan ng gabi, iminulat ko ang aking mata at napaiyak ako ng nakita kong kasama ko pa pala si Tide. Gumalaw siya at iminulat niya rin ang kaniyang mata, at tulad ko ay ganun din ang kaniyang napaginipan.

"It's very dark" saad ko saka umupo sa dulo ng higaan, ganon din ang ginawa ni Tide na hingal na hingal.

"Nakita mo rin si Everest at Pearl sa panaginip mo hindi ba?" Sambit ni Tide na nakatingin sa akin.

"Yeah, and it looks like may pinapakita siyang lugar kung saan naroroon sila" saad ko na sinang ayunan niya.

"Sa isang isla na kung saan walang tao ang nakatira, isang isla kung saan doon sila nakadaong at nasa loob ng barko ang dalawa. Nakalagay sila sa isang malaging salamin kung saan ay naglalaman ng maraming tubig pero nakatali sila at naka takip ang bibig" sambit niya.

"Alam mo ba kung saan itong isla?" Tanong ko na sumeryoso ang kaniyang titig.

"Alam ko iniisip mo Owen, napakadelekado ng paglalakbay natin. Hayaan na lang natin anf mga kawal ni itay, sabihin na lang natin sa kanila" sambit niya.

Gusto kong magwala ngayon pero wala rin iyong magagawa para maresolba ang aming problema.

"Fine, magdadala tayo ng kasama para puntahan ang islang yon. Payag ka ba?" Usisa ko.

Nanatiling seryoso ang kaniyang titig sa akin sa ilang minuto pero lumambot rin ito.

"Kung iyan ang magpapakalma sayo, sige ngayong gabi aalis na tayo" sambit niya saka tumayo at hinawakan ang aking kamay ng mahigpit. "Ipangako mo lang sa akin na kahit anong mangyari ay hindi mo bibitawan ang aking kamay hanggang sa maibalik natin ang dalawa rito" sambit niya.

"Pangako." Saad ko saka niya ako niyakap ng mahigpit.

"Tara na, mahaba haba pa ang lalakbayin natin at kailangan isekreto natin ito kay Itay. Kapag mat nangyaring masama sa atin maglalabas ako ng makinang na bituin sa langit senyales na kailangan natin ng tulong kung nasaan man tayo" dagdag niya pa habang bumababa sa hagdan.

Pagkababa namin ay dahan dahan kong binuksan ang pintuan para walang marinig na tunog at para na rin hindi namin sila magising.

Nanakbo kami sa labas ng mansyon at tumungo sa dalampasigan kung nasaan may mga kawal si Itay dun.

"Kailangan namin ng inyong tulong mga kawal, alam namin kung saan ang mga nawawalang merple at kailangan tayo lang ang nakakaalam" sambit ni Tide ng makaharap namin ang mga kawal sa dalampasigan.

"Hindi kami tumatanggap ng utos kung hindi galing sa inyong Itay mahal na prinsipe, patawad" sagot ng kawal dahilan para mamuti ang mata ni Tide at simulang kumulog.

"Susunod kayo sa akin o papatayin ko kayo ngayon din" pagbabanta ni Tide.

Nagkatinginan ang mga kawal at walang ano anong sumang ayon.

"Sa isla tayo ng mga pirata, doon sila nakadaong. May dalawang tao sa barko na nagbabantay, isa sa loob at isa sa labas. May mga hawak silang baril kaya mag iingat tayo" sambit niya saka kami naglakad sa tubig.

Pagkapunta namin sa malalim na parte ng dalampasigan ay magtransform na ang paa namin sa isang buntot.

Sea You Soon Where stories live. Discover now