Chapter 1

214 22 2
                                    

Inu-ubo, sinisipon, at nilalagnat yan lamang ang patunay kung bahay nasa bahay ako ngayon na kahit ipagpilitan ko na papasok ako ay wala akong magawa kasi nga "MASAKIT" ako.

Medjo nababad ata ako sa dagat kahapon kaya nagkaka ganito ako.

Naputol ang aking pag iisip nang may kumatok sa aking pintuan.

"Kuya Owen, gising ka na?" Tanong niya.

Narinig kong papabukas na ang pinto kaya nagtaklob ako agad ng kumot para hindi ko mainom ang mapait na gamot na yan.

"Kuya gising na, uminom ka na ng gamot kasi sabi ni mama ang init mo raw" saad niya na hindi ko pinansin.

"Kuya wag mo na akong linlangin sa pagtatago mo sa kumot" saad niya saka tinanggal ang aking kumot.

"Ano ba, inaantok pa ako eh" sabi ko na may paantok effect pa ako.

"Eh sa kailangan mo ito inumin oh" sabi niya saka abot ng gamot na tinabig ko.

"Ayaw ko nga, ang pait pait eh" reklamo ko.

"Kuya ano ba inumin mo na itong-" di natuloy ni Everest ang kanyang sinabi dahil natabig niya ang baso na naglalaman ng tubig.

"Kuya kasi inumin mo na gamot lang naman yan eh" saad niya.

"Mapait ayaw ko" sabi ko na agad akong nagtaklob ng kumot.

"Jusmeyo bahala ka nga diyan" binaba ni Everest ang gamot tsaka lumabas sa kwarto ko.

Agad ko namang tinanggal ang kumot na nakataklob sa muka ko para makita ang karagatan ng bigla kong maalala kagabi

FLASHBACK

"Ano ba ito Owen ang tamis " sabi ni Tide at tsaka niluwa ang ininom na chocolate syrup na ikinatawa ko.

"Para sa pancake kasi yan ito tikman mo" sabay subo ko sa kanya.

"Hmmm.... Masarap pede ko ba yan idala sa ilalim?" Tanong niya na ipinagtaka ko.

"Hindi ba lulutang ito tsaka baka madumihan ang karagatan " sabi ko na ikinangiti niya.

"Hindi ilagay mo sa lalagyan at makikita mo kung lulutang " sabi ni Tide na agad ko namang sinunod .

"Oh ito ingat ka ah" sabi ko bago siya nagpadausdos sa karagatan.

"Bukas ulit dala ka naman ng mas masarap dito" saka siya nagpailalim.

Binantayan ko nga kung may lulutang ba at sa gulat ko wala nga talaga kaya dali dali kong inayos ang pinagkainan namin at pinulot ang basura tsaka ako tumakbo papunta sa bahay.

END OF FLASHBACK

Tumunog ang Cellphone ko dahilan para maputol ang pag - iisip ko

"Tol andito na ako sa harap ng bintana mo" saad ni Jib na agad kong tiningnan sa bintana at kitang kita ang bagong ligong gag*.

Sinenyasan ko siya na maghintay para kunin ang hagdan na nakatago sa ilalim ng aking higaan at dali dali kong ibinaba at itinali para hindi mahulog pagkatapos naman nun ay mabilisang pagligo ang aking ginawa at nagbihis ng civillian kahit lunes ngayon.

Nang makababa sa hagdan ay hinila namin ang hagdan at itinago ito sa makapal na halamanan at pumasok na sa school

"Lika ka na dalian mo, ikaw pag ako napagalitan sayong kumag ka di ko alam gagawin ko sayo" saad niya at hinila ako sa tricycle.

"Sorry na wag ka mag alala gwapo ka naman" sabi ko na ikinangiti niya at pinisil ng husto ang aking pisngi hanggang sa mamula.

"Arayyyy ko Jibb masakit tangna" mura ko pero hindi tumigil hanggang sa makababa kami sa school.

Sea You Soon Where stories live. Discover now