Chapter 3

101 15 0
                                    

BUMUNGAD sa aming dalawa ni Tide ang limang malalaking teddy bear ba malapit sa higaas ko.

Ohh shoot! Bat di ko naalala ito, nakakahiya kay Tide.

Balak ko sana siyang itulak palabas ng aking kwarto pero huli na ang lahat para doon.

Nakita ko na lang siya na hawak hawak ang kamay ng isang pink na teedy bear ko.

"Anong tawag mo dito Owen?" Tanong niya na punong puno ng kuryusidad.

"Teddy Bear ang tawag diyan Tide." Sagot ko.

"Bakit parang kasing laki mo sila?" Tanong niya na ikinatawa ko.

"Human size kasi yan Tide." Saad ko saka siya nilapitan.

Nagmistulang parang isang pelikula ang ginagawa ni Tide sa Teddy bear na kulay pink, katulad ko ay kinakausap niya ito at niyayakap.

"Ayts tama na nga yan." Saad ko saka ko siya binuhat.

"Hindi kinakausap ko pa si Teddy Bear Owen pleaseee." Sumamo niya sa akin ng ilagay ko siya sa higaan.

"Hindi siya nagsasalita Tide, tsaka kung gusto mo ng kayakap ako na lang yakapin mo" seryosong saad ko saka ko ginulo ang buhok niya.

Hihiga na sana ako ng may isang tao ang yumakap sa likod ko.

"Anong ginagawa mo Tide?" Tanong ko.

"Sabi mo wag ko yakapin yung teddy bear at ikaw na lang kaya ito na" sagot niya saka ko tinanggal ang pagkakayakap niya.

Tumayo ako at kinuha ko ang isang hoody ko na kulay white.

"Palit ka ng damit mo Tide" saad ko.

Nagtatanong ang muka na pinapakita niya sa akin pero tinanggal ko na lang ang damit niya na kanina niya pa suot. Pagkatanggal ko ay napatitig ako sa ganda ng katawan niya.

Damn!

"Ah Owen, nilalamigan na ako" sambit niya para matauhan ako.

"Oh pasensya na Tide" saad ko saka dali daling isinuot ito sa kanya.

Pagkasuot ko ng hoddy ko sa kanya ay isinarado ko ang bintana ko na nakabukas kanina pa.

"Hindi ka na ba nilalamig?" Tanong ko sa kanya.

"Ah oo, salamat Owen" sagot niya aaka niya ako binigyan ng matamis na ngiti.

Nahiga na ako sa higaan at tumitig sa kisame.

"May problema ka ba Owen?" Tanong ni Tide.

"Wala naman" Tipid kong sagot.

Ilang oras akong nakatitig sa kisame ng maramdaman ko na may humiga sa dibdib ko.

"Tide?" Pagtatawag ko sa kanya.

"Hmm?" Sagot niya.

"Yakapin mo ako" Saad ko na sinunod niya agad.

Sa yakap niyang yun ay ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Am i inlove? Shit this can't be. Pero nahalikan ko na siya, diba magkaibigan lang kami? Teka nga lang may magkaibigan bang naghahalikan? Stupid!

"Owen inaantok na ako, mauna na ako" sambit niya.

Kinuha ko ang kumot ko at kinumutan ko ang sarili namin.

Rinig kong humihilik na si Tide kaya hindi ko na inabala pa ito kundi hinaplos ko na lang ang kaniyang buhok.

Iniisip ko ang kaniyang mga sinabi na kwento kung paano siya nagkaroon ng paa na katulad ng normal na tao.

Sea You Soon Where stories live. Discover now