15-16

123 10 8
                                    

[PHOENIX POV]

"Why are you wearing a ring, Auston?"

Nabaling ang buong atensyon ng kanyang mga magulang ng nakita nito ang suot niyang singsing. He never wears jewellery and never have a jewellery before at alam iyan ng ama at ina niya.

Lagot na. Anong palusot ang sasabihin niya? "I-I um..."

"Wait. Is that a wedding ring?"

"What on earth is going on, Auston?"

"Ma, Pa, kalma lang po kayo. I can explain it. This... this is," kailangan makaisip siya ng rason agad kundi buking na siya! Bahala na! "It's Henry's!"

Biglang napabuga si Henry sa iniinom nitong wine sa gulat. "Huh?!"

"It's his mother's ring at binigay sa kanya. But! Hear me out! Napilitan lang siya na tanggapin ang singsing dahil pini-pressure na siya na maghanap ng asawa. Hindi ba parehas lang kaming dalawa? Kaya ng sinabi niya ito sa akin at pinakita ang singsing, sinuot ko. It's not that bad, am I right? Bagay ba sa kamay ko?"

Napatunganga lang ang dalawa pati si Henry sa mga pinagsasabi niya. Sana lumusot. Lihim niyang sinenyasan si Henry para may masabi ito. Kung hindi siya nito tutulungan, hindi niya talaga ito bibigyan ng thirteen month pay!

"He-he is right, Sir Valerio. Gusto lang ni Phoenix na suotin muna ang singsing ni Mama kaya pinabayaan ko lang siya."

"Ganoon ba? Pinakaba mo naman kami ng mama mo, hijo. Inisip na naming na ikakasal ka na na hindi naming alam."

"Sorry po." Good at napaniwala na rin sila kaagad.

"Kung meron ka ng natitipuhan o gustong pakasalan, huwag na huwag mo ililihim sa amin ng Mama mo. Ayaw namin ng ganyan. Hindi ibig sabihin na malaki ka na at kaya mo na ang sarili mo sa mga desisyon babalewalain mo na kami. Pinakahihhintay naming iyan ng mama mo."

Heto na. Ito talagang ama niya, hindi na naman mapakali. Alam niya na kapag dumaldal ito, kinakabahan ito. Strikto ito magsalita pero sobrang bait. Akala ng mga anak ng kanyang dalawang kapatid na si Santa Clause ang lolo nila dahil sobrang magiliw ito sa mga bata.

"Siyempre naman po. Sasabihin ko po sa inyo."

"Ako pa ang naging pa-in mo sa mga kalokohan mo, Phoenix. Walang hiya ka talaga." Simpleng pabulong ni Henry sa kanya.

"I had no choice. Kesa naman sasabihin ko ang totoo sa kanila. Mabuti na din ito para walang makakahalata."

"Iyan kasi. Akala mo siguro walang makakapansin sa singsing mo. Papaano kung wala ako ditto? Sasabihin mo na napulot mo lang sa daan at sinuot mo?"

"Ba't ka ba nagagalit diyan? Hindi naman inusisa ng mga magulang ko na gusto na ng mama mo na mag-asawa ka na."

Napahinto ito. "Aha! So it's true!"

"Shut up."

Natawa siya sa hitsura nito. "Bro, hindi lang naman ikaw sa ganyang sitwasyon."

"Isa na lang, Phoenix."

"Fine, fine." Itinaas nito ang kamay niya. "Bagay sa akin, hindi ba?"

"Eat and don't talk to me." Hindi na siya pinansin pa nito at nagpatuloy sa pagkain.

Pero, parang nakaramdam siya ng guilt sa hindi niya pagsabi ng totoo na ikinasal na siya. Ano naman ang sasabihin niya? Na nagpasya siyang magpakasal dahil may gusto siyang bilhin na resort? Dahil nasa kasulatan ng yumaong may-ari sa anak nito na mailipat lang sa pangalan nito ang lupa pag magaasawa ito? Very bad idea pag nagsabi siya ng totoo sa kanyang mga magulang.

Sold Paradise (DREAME/YUGTO APP Teaser Only)Where stories live. Discover now