13-14

91 9 4
                                    

[MARINA POV]

Nang dahil sa kahihiyan na nadanas siya kagabii, hindi niya matitigan ang mukha ni Phoenix pagkaumaga. Alam niya na pinararamdam nito na walang nangyari kagabii dahil ina-accommodate siya nito mula sa kanyang breakfast hanggang sa inihatid siya papauwi sa resort. Hindi na ito sumama pa dahil kakailangan nito dumalo sa isang meeting. Mabuti na rin iyon dahil hindi niya talaga kaya kausapin ito ng harapan dahil sa nangyari kagabi.

"Pasensya ka na talaga hindi na kita masasamahan pa." Paumanhin nito sa kanya.

"Huwag kang mag-sorry. Okay lang at tsaka mas importante naman iyan eh."

"Thank you for your understanding, Marina."

"A-ano nga pala, maraming salamat ah. Nag-enjoy ako kagabi."

Natuwa ito. "Mabuti naman kung ganoon. Hindi pa naman iyon natatapos. Kung may pagkakataon, may gusto pa ako ipapakita sa iyo na mas exciting na lugar."

"Aasahan ko iyan. Um... at sorry din kagabi."

"Naku, naku. Don't be. Please, kalimutan mo na ang nangyari."

"Salamat. Sige, aalis na ako. Salamat ulit, Phoenix. At magiingat ka."

"You too, Marina. Take care."

Sa buong biyahe iyon pa rin ang tumatakbo sa kanyang isip. Ano ba iyong pingkakagawa niya? Nagmamadali lang naman siya para makatulog ng maaga para hindi siya maabutan ni Phoenix sa kwarto. Dahil honeymoon nilang dalawa---

Iyon ba iyon? Dahil hindi niya alam anong gagawin nilang dalawa sa kanilang honeymoon? Hindi ba ang ginagawa ng mag-asawa sa kanilang honeymoon ay mag... nope. She can't say it but she can imagine "that".

Damn. Ang tanga niya. Ang duwag niya. May ikakaharap pa ba siya kay Phoenix kapag magkikita sila muli?

[MARINA POV]

"Nana? Nana? Nandito na po ako."

"Marina? Oh! Bakit nandito ka na?" Salubong ng kanyang Nana sa labas ng gate ng resort.

Nagtaka siya sa sinabi nito. "Uh... dahil umuwi nap o ako?"

"Ano ka ba? Ang ibig kong sabihin bakit umuwi ka na kaagad. Hindi ba honeymoon ninyo ni Phoenix?"

"Meron po kasi siyang trabaho na gagawin at gusto ko na din po umuwi kaya... umuwi na lang po ako."

Napailing ito. "Hindi ko alam kung nagkakahiyaan kayong dalawa o ikaw itong ayaw na makasama mo si Phoenix."

"Hindi naman pos a ganoon, Nana. May nangyari lang po---"

"Ha? Nangyari na ano?"

Patay. Nasabi niya. "Wa-wala naman po. Sige po Nana. Papasok muna po ako sa kwarto. Medyo inaantok pa po kasi ako. Huwag muna po kayo maghanda ng pananghalian. Ako na lang po pagkagising ko." Agad niyang tinungo ang kanyang kwarto.

Wala dapat makaalam nito kundi siya lang. At si Phoenix din. Sana hindi ito magkwento sa iba.

Naku! Pagna-iisip na naman niya iyong nangyari kagabi, para siyang lantang gulay.

"Phoenix, sana huwag kang tsismoso! Ako na ang nahihiya ditto!"

[PHOENIX POV]

"As you can see, 45 percent have been increasing our sales for the second quarter and..."

Pilit niyang fino-focus ang sarili sa lunch meeting pero lumalakbay ang kanyang isip sa nangyari kagabi nilang dalawa ni Marina.

Iniwan lang niya ito sandali sa kwarto dahil sa pangiistorbo ng kanyang secretary sa gitna ng kanyang honeymoon. Nang bumalik na siya, nakita niya ito may kinakalkal sa malaking bag pack nito ng nakatapis lang at basa ang buhok.

Sold Paradise (DREAME/YUGTO APP Teaser Only)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum