7-8

226 17 6
                                    

[MARINA POV]

"Mag-iingat ka sa siyudad,hija. At magpakasaya ka doon." Bilin ng kanyang nana habang hinahatid siya sa labas ng gate. Naroon na din si Phoenix at ang sasakyan nito.

Ngayong araw ang pinagkasunduan nila ni Phoenix para pumunta sa siyudad dahil asikasuhin nilang dalawa ang ang kasal at iba pang mga bagay na kakailanganin. Gusto kasi nito na kahit isa lamang itong "kasal", kailangan pa rin nilang maghanda para walang maghihinala sa kanila na magpapakasal silang dalawa para maipasa na sa kanyang pangalan ang titulo sa lupa ng kanyang ama at maibenta na kay Phoenix.

"Hindi naman po kami mamasyal, Nana. Aasikasuhin lang po namin ang mga papeles sa kasal namin."

"Kahit na. Palagi ka na lang nagmumukmok dito. Basta, kwentukan mo ako pagbalik mo, ah?"

"Opo, Nana."

"Ready, Marina?" Ngiting lumapit sa kanila si Phoenix. Hindi ito nakasuot ng pang-opisina bagkus napaka-presko nitong tignan. Naka t-shirt lang ito at jeans.

"Mister Valerio, ingatan mo ang alaga ko at mag-enjoy kayong dalawa."

"Huwag po kayong mag-alala, Nana, I will make sure mage-enjoy si Marina. Magdadala din po ako ng pasalubong para po sa iyo."

"Naku naman, huwag ka ng mag-abala pa. Oh, sige na umalis na kayong dalawa baka gabihin pa kayo."

Inalalay siya ni Phoenix pagpasok sa sasakyan nito. habang nasa biyahe sila ay maguusap silang dalawa anong uri o tema ng kanilang magiging kasal at napagpasyahan niya na sa huwes sila magpapakasal para madali at wala ng paghahandaan pa. Tanging mga malalapit na kaibigan pati na ang abogado ng kanyang ama ang dadalo para maging saksi sa kanilang pagiisang-dibdib. Pumayag din ito sa kanyang suhestiyon pero, dahil siya ang nagpasya kung saan sila ikakasal, ito na man ay may gusto para sa kanilang kasal.

"Choice what you want, Marina."

"Pe-pero..."

"Sige na. Huwag ka ng mahiya."

Hindi niya kayang tignan ang mga nagkikinangan mga singsingsa na nakahilera sa kanyang harapan. Pilit siyang pinapipili ni Phoenix dito sa loob ng Jewelry Shop para sa kanilang kasal.

"Bakit pa ba kailangan natin ng singsing?"

"Because hindi magiging kasal ang kasal nating kung wala tayong suot na singsing. Hindi ba?"

Naintindihan niya ang sinabi nito pero bakit gusto pa nito na meron pang bagay na nakakapagugnay sa kanilang dalawa? Tatlong buwan lang naman ang kanilang kasal.

"Masyado naman kasi---"

"Hmm?"

Papaano ba niya tatanggihan ang alok nito? "Masyadong mamahalin ang nandito." Darn it! Hindi iyan dapat ang sasabihin ko!

Yumuko ito at mataman siyang tinignan sa mata. "The price doesn't matter, Marina. At kahit na lang tayo magiging mag-asawa, I still want to show how special you are."

Special? Siya?

"And we're friends, right? At ayoko naman magisip ka na wala tayong pinagsamahan."

Oh.

"At kailangan na convincing tayo dahil baka sila na mismo ang magba-back out sa kasal imbes tayo." Biro nito. "Please, pagbigyan mo ako dito. Don't worry, ako naman ang pipili sa isusuot mo."

"Ha? Bakit?" Nagtataka siya sa huling sinabi nito.

He winks at her. "Basta. So, which ring do you like?"

Sold Paradise (DREAME/YUGTO APP Teaser Only)Where stories live. Discover now