56

11 2 0
                                    

"POTA MAUUNA YATA AKONG MATAPOS BAGO KO MATAPOS ITONG ESSAY!" Sinabunutan na ni Alexis ang sarili habang mukhang paiyak na nakatitig sa papel niya na hanggang ngayon ay di pa tapos.

Time passed us by like a blur.

Second sem na agad na we are drowning with schoolworks! Sinasabi ko na lang sa sarili ko na normal ito dahil graduating students kami. Pero minsan ay nakakaubos na.

I literally broke down last time. Umiiyak ako habang nagsusulat dahil wala akong oras para sayangin ang oras ko kakaiyak.

Minsan ay napapansin ko na naaawa na rin sakin ang mga kapatid ko dahil madalas na akong late kumain or walang tulog. Being SC President is also draining all my energy. Tapos magkakaroon pa ng EU TALENT FEST!

"God! Kailangan ko pa kausapin si Ethan." I said while reading through my essay for proofreading. Nang ma-satisfy ay binigay ko iyon kay Will para isabay na niya sa pag-pasa bago ako agad na lumabas. He's probably at the court. Matindi rin ang pagpapratice nila dahil lalaban sila though mostly ang EU Sports ang nananalo. Sa mga performances kami bumabawi.

Ethan won as the treasurer and he performed his duty well. Hindi na rin madalas na nakakapag-usap gaya kung paano niya bwisitin ang araw ko noon. He would just smile and wave at me at iyon na yun. He said that he will reveal something to me kapag nanalo siya pero I didn't dwell on it much.

"Hi, Pressy!" Bati saakin ng isang player. My reputation became much better. Wala na ang mga bulungan and they respect me. Be it because of the title or whatever.

"Where's Reyes?" He looked around and pointed somewhere.

"Busy pa siya kasi captain ball. Pero lapitan mo na lang, Pressy." I smiled and said my thank you.

"Ethan!" Agad ang paglingon niya sakin at ngumiti. Nagpaalam muna siya sa mga kausap bago ako lapitan. Inabot ko sakanya ang papel na hawak at iniscan naman niya ang mga iyon.

"Talent Fest is approaching and we'll be needing a budget report for the team's jersey and also the student body's shirt. Hihingiin ko pa kina Villanueva ang design ng shirt but for the meantime, try to look for any printing companies who will accomodate us." He nodded.

"We can ask for discount dahil mass production ito. I'll also sort this out with our Auditor. Magsimula na rin kami sa collection for Tshirt by next week." He said. He completely got the complete grasp of his job.

"Thank you."

"You don't have to thank me, Pressy. This is my job."

"So? You mean to tell me I should say, 'As you should. That's your job.'?" He looked at me as if pinipigilan niya ang matawa. I never forget to say thank you to my officers atleast. Dahil who to say that they are not busy as well? And they still find time to do what is given to them.

"Cute mo, Pressy." He said and then wave goodbye to me bago tumakbo at lumapit na ulit sa mga kagrupo niya.

"What an ass." I said and left with a smile to my face.

Stardust ( AE SERIES 1 )Where stories live. Discover now