25

19 1 0
                                    

"Saan kayo magcocollege?" William asked habang naka-tambay kami sa field at kumakain ng icepop. Kakatapos lang din ng classes namin at maya-maya ay uuwi na rin. Gawain namin ang mag-palamig at tumambay palagi tuwing stressing ang workloads namin.

"Mag-grade 12 pa lang tayo next year nasa college ka na agad."  Sagot sakanya ni Alexis sakanya sabay kagat sa icepop niya.

"Sinasabi mo bang wala ka pang naiisip na school?" Mabilis ang pag-lingon ni William kay Alexis. Itong dalawa ay madalas mag-bangayan at ako ang mediator ng dalawang ito. I became friends with them since Grade 7. We were paired up in an activity. Nung una ay ayaw ko talaga sakanila dahil napaka-ingay nila.

I prefer peace but the two just decided to walk into my life and have a blast.

"Wala. Tsaka na yan mahaba pa ang panahon."

"Utang na loob wag ka na susunod sakin."

"Aba talaga!"

"Tama na!" Tsaka lang sila natahimik dalawa. Finally!

"Ikaw, Sae?" Nagtaas ako ng kilay bago kainin ang huling laman ng icepop ko.

"Baka mag-acad center na ako. Lilipat din kasi mga kapatid ko roon para sana ay nasa iisang school na lang kami." I realized na maganda pala na nasa iisang school kami lahat para mabilis namin matutulungan ang isa't-isa gaya kanina na nangailangan ng lapis ang kapatid ko.

EU or ELLISON UNIVERSITY have its kinda branches? There's EU MUSIC SCHOOL, ARTS CENTER, ACADEMIC CENTER, SPORTS CENTER, and many more. Lahat ay cinicater ng EU dahil royals ang nagmamanage nito. Lahat din ay nakakapasok kahit ano pa ang Ordo (rank) mo sa caste system.

Acad Center is like the Main Campus and it caters all courses na inoofer din ng Music, Arts, Sports School tho mas tutok talaga ang specialized schools.

I applied at the Music School because I love singing. I also want to learn how to play more instruments kaso ay hindi ko nakikita ang sarili na ipursue ang music sa future. I have what it takes to grow more in the music industry. However, I don't like the pressure that comes with it. Ang praktikal kung tutuusin ang paglipat sa acad center.

"Parang mag-acad center na rin ako, Will."

"Ako rin."

Natawa na lang ako at napailing sa sinabi ng dalawa.

They walked into my life and I am not complaining.

Stardust ( AE SERIES 1 )Where stories live. Discover now