"Let me help you," mungkahi niya.

"No need. I can handle this. Just take a shower and I'll wait for you." Hindi na siya nagpumilit at sinunod na lamang ang sinabi nito.

Nagmamadaling tinungo ni Imari ang kanilang silid at naligo dahil gutom na talaga siya. Kagabi kasi ay hindi niya nakain ang inorder ni Rouge para sa kanya. Hindi niya gusto ang pagkain na inorder nito dahil naamoy niya doon ang peanut butter. Kaya imbes na masayang, ibinigay niya iyon sa tauhan na nasa labas at pinakain sa mga 'to. Pinakiusapan niya lang na huwag sabihin sa boss ng mga 'to upang hindi sila pareho managot.

Rouge immediately said goodbye to her after they had breakfast and left her again with the two men who were outside the door. After Imari cleaned the dining table and washed the dishes she and Rouge had used, she sat on the large sofa in the living room and turned on the television. Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pinapanuod nang biglang bumukas ang pinto at pumasok roon ang isang magandang babae. Dumako ang nag-aalab nitong tingin sa kanya at mabilis siyang nilapitan. Tatayo na sana si Imari nang biglang hilahin nito ang kanyang buhok na ikinaladkad niya paalis sa upuan.

"Bitch! Bumalik ka pa talaga. Sana nanatili ka na lang kung saang impyerno ka man pumunta!" nagagalit nitong hiyaw.

"Uhh...Ouch!" Masyadong mahigpit ang pagkakasabunot nito sa kanya. "Uhh! L-Let me go!" Jesus! Matatanggalan siya ng anit sa ginagawa nito. Napakasakit ng ulo niya.

"Lintik lang ang walang ganti. Gaga ka! Masakit ba, huh?" Pilit niyang inaalis ang kamay nito. Sino ba 'to? Bakit biglang nanunugod at nananabunot? "Kulang pa ang sakit na 'yan sa ginawa mo!"

"I don't know you! Ouch! J-Joric! Help me!" buong lakas niyang sigaw. Bumukas din naman agad ang pinto at nakarinig na lamang sila ng mga pagmumura at yabag ng mga paa'ng papalapit sa kanila.

"Ma'am Reagan!" dinig ni Imari na boses ni Joric at pilit inaalis ang kamay ng babae sa kanya.

"Don't fucking stop me, Joric!" bulyaw ng babae, ayaw magpaawat.

Napapadaing na lamang si Imari sa tuwing nahihila ang kamay ng babae, inaalis sa buhok niya. Gusto niyang maiyak dahil sa pisikal na sakit na nararamdaman sa oras na ito't maging sa sitwasyon niya. Pero may magagawa ba kung iiyak na lang siya? Puwede ba na kahit ngayon lang, huli na 'to dahil nasasaktan lang talaga siya.

"Urgh!" Ramdam ni Imari ang matulis na kuko nito na kumalmot sa kanyang pisngi.

"Tawagan mo si Sir Rouge, Oscar. Bilisan mo! Ma'am Reagan, bitawan niyo na po si Ma'am Amari."

"P-Please, stop it. I didn't do anything to you," nakikiusap aniya kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.

"You're such a good actress, Amari. Nang dahil sayo nabugbog ang kaibigan ko dahil sa pagsumbong mo sa kuya ko na ang akala ay nobyo ko na kasama sa bar na iyon. Punyeta kang babae ka! Na ospital ang kaibigan ko dahil sayo!" It's not me.

"Ma'am, nakikiusap po ako. Nasasaktan niyo na po masyado si Ma'am Amari." Nahihirapang ani Joric sa kapatid ng amo. Hindi nito maawat-awat ang dalaga dahil sa galit sa asawa ng boss nito. Ayaw din naman nitong sapilitan na hilahin ang dalaga dahil parehong masasaktan ang dalawa kapag gagawin nito iyon.

"S-Sorry. Sorry if I did that," paghingi ni Imari ng tawad. Kahit si Amari ang gumawa niyon, kinailangan niya pa rin humingi ng tawad dahil kapatid niya ang may kasalanan. Patulak siyang binitawan nito, na ikinasubsob niya sa sahig.

Tutulungan sana siya ni Joric nang mariing binantaan ito ng babae. "Help her and you will lose your job!"

"What's happening here?" isang malamig at maawtoridad na boses ang narinig nila mula sa pagbukas ng pinto.

"Sir Rouge--"

"What did you do to her, Reagan?!" Mababakas sa boses nito ang pinipigilang galit.

Imari had seen how Rouge could get mad and she herself was a witness to that. But the anger seen on his face right now was different compared to the one he always showed her when he was mad. Pakiramdam ni Imari anumang oras ay makakapanakit ito ng kahit na sino. Kita niya ang pagtiim ng mga bagang nito nang lumipat ang tingin sa kanya. Ibinaba ni Imari ang tingin at pilit itinatayo ang sarili. Hindi pa man ay naramdaman na niya ang mga kamay na humawak sa kanyang braso at maingat siyang inalalayan na makatayo.

Hindi siya makatingin ng deretso kay Rouge dahil sa kahihiyan na nangyari sa pagitan nila ng babae. Hinawi nito ang kanyang mahabang buhok na nakatabon sa kanyang mukha, ngunit iniwasan niya iyon.

"Amari," may pagbabanta anito.

He grabbed her chin and lifted it so he could look at her. Ang kaninang pagtiim lang ng mga bagang nito'y nadagdagan nang dumilim ang mukha nito habang sinusuri ang kanyang mukha. Now she can say that Rouge is dangerous.

"You did this." Hindi patanong iyon at mariin ang pagkakabanggit habang pinanatili ang tingin sa kanyang mukha.

The woman scoffed. "So what? She deserves it," maldita nitong sagot.

Rouge held her chin tighter when the woman said that. "Who told you that you have the right to hurt her?" sabay baling nito sa babae.

"Bakit, kuya? May karapatan din ba siya na pakialaman niya ang buhay ko, huh?" Dinuro siya nito.

"She's your sister-in-law, Reagan! Malamang pakikialaman ka niya dahil nag-aalala lang siya sayo!"

"Oh, that's bullshit!" Namumula ang mukha nito sa galit. "C'mon, kuya, we know what kind of woman you married. Nagpapakatanga ka sa babaeng 'yan, alam mo ba 'yun, huh? Ano pa ang kailangang gawin ni Mama para lang magising ka sa katotohanan. She's a whore!" Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Rouge sa kapatid nito.

Walang nakapagsalita. Walang nakakilos dahil sa biglaang pangyayari. Maging si Imari ay nagulat sa ginawa nito't napamaang.

"She's my wife, Reagan. You should respect her!" Akmang lalapitan nito uli ang kapatid nang maagap na pinigilan ni Imari ang braso nito. Ramdam niya ang tensyon sa katawan nito.

"Stop it, Rouge. You shouldn't have hurt her."

"Huh! Wow! The best actress goes to Amari Montalba! Bravo!" palatak nito habang pumapalakpak. Hindi pa rin nagpatinag ito kahit nasampal na ng kapatid nito.

"Reagan!" Hinigpitan ni Imari ang paghawak sa braso ni Rouge dahil lalapitan na naman sana nito uli ang kapatid.

"Ano? Sasaktan mo ako uli? Sige, kuya! Oh, heto libre pa ang isang pisngi ko. Sige!" nagagalit nitong pagduro sa kaliwang pisngi. "Kahit paulit-ulit mo akong saktan, hindi magbabago ang pagtingin ko sa babaeng iyan! Isa kang peste sa buhay namin, Amari," baling nito sa kanya bago sila tinalikuran at lumabas.

Imari sat on the sofa with trembling knees. She could still feel the pain of her scalp and Reagan's scratch on her face. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Hindi niya lubos maisip na siya ngayon ang tumatanggap ng masasakit na salita at pananakit sa anumang nagawa ng kanyang kapatid.

"I'm sorry, Amari." Umupo si Rouge sa tabi niya at hinawakan ang kanyang dalawang kamay, hinahalikan nito iyon. "I'm sorry, wife. I'm so sorry for what my sister did to you."

Hindi na niya alam kung ano pa ang dapat niyang sasabihin rito. Kung nararapat nga bang humingi ito ng tawad sa ginawa ng kapatid nito o nararapat lang talaga sa kanya ang nangyari? Kung hindi sana siya pumayag sa sinabi ng kanyang ama, 'di sana niya nararanasan ito ngayon. Kung nakontento na lang sana siya sa presensiya at pagmamahal ng kanyang abuelo't abuela, wala sana siya ngayon dito. Kahit tinanggihan niya ang kanyang ama nu'ng una, pero nang gamitin nito ang kanyang kapatid laban sa kanya, may parte sa puso niya ang umaasa na sana sa pamamagitan niyon ay matatanggap rin siya kalaunan.

"Let's treat your wound, hmm?" Paghaplos nito sa kanyang mukha bago tumayo at kumuha ng first aid kit.

What have you done to this family, Amari?

©L A D Y  L E N E

I'm The Substitute Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now