chapter 11 : watch out

2.2K 228 63
                                    


Pagdating namin ni Carri sa cafeteria, nakita naming nakapuwesto na sa isang parihabang mesa sina Blueberry, Jasper, Janus, at pati na rin si Braylee

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

Pagdating namin ni Carri sa cafeteria, nakita naming nakapuwesto na sa isang parihabang mesa sina Blueberry, Jasper, Janus, at pati na rin si Braylee. Dahil dito, pagkatapos bumili ng pagkain, dumiretso na kami sa kanila.

Nakita kong mabilis na kinuha ni Blueberry ang backpack na nakapatong sa bakanteng silyang nasa tabi niya. May patingin-tingin pa siya sa paligid habang may naglalarong ngiti sa labi.

Napahawak ako nang mahigpit sa tray na dala, nagpipigil ng kilig at tawa. 

Uupo sana ako sa tabi Blueberry, pero laking gulat ko nang bigla na lamang akong naunahan ni Carri. Mabilis na napalingon sa akin si Blueberry, kunot-noo at nakalobo ang butas sa mga ilong. Napakibit-balikat na lamang ako. At that point, I had to press my lips together just to stop myself from grinning like a fool.

"Carri, isasakripisyo ko na ang sarili ko. Dito ka na sa tabi ko," biglang anunsiyo ni Jasper sabay turo sa katabi niyang bakanteng upuan.

Braylee, who was sitting at Blueberry's other side, giggled. "Sige na, Ate Ca. Doon ka na kay Kuya Jas. Bawal akong umalis dito sa puwesto ko, e."

Poor Carri was left dumbfounded, while I just stood there still holding my tray, waiting for her to get the memo.

"Upo ka raw sa tabi ng kakambal ko," sabi naman ni Janus habang ngumunguya pa ng kanyang pagkain.

When Carri still didn't get it, ako na lang mismo ang naupo sa tabi ni Jasper. Nakakahiyang manatiling nakatayo habang may dalang tray. May pride pa rin naman ako kahit papaano.

As I arranged my stuff on the table, napansin kong nakatingin na sa akin si Blueberry habang nakasimangot. Napangiti ako at nagkibit-balikat na lamang. 

Blueberry pouted, trying to act all cute and annoyed. As an answer, I crinkled my nose, trying to act disgusted even if his actions made my heart flutter like crazy.

Blueberry lowered his head, trying to give me a cute little evil glare.

"Utang na loob, Bryan! Nakakawala ka ng gana! Palit na nga tayo!" Marahas na binagsak ni Jasper ang kutsara niya sa mesa at agad na tumayo.

Carri, Janus, and Braylee could only look at us. Meanwhile, Blueberry smiled brightly and quickly stood up from his chair.

Nakakaisang hakbang pa lamang si Blueberry nang bigla siyang natapilok. Muntik na siyang bumagsak sa sahig kung hindi lang siya nahawakan kaagad ni Braylee. 

"Shet! Muntik akong mabilaukan don!" Singhap ni Carri.

"He need some milk!" biro naman ni Janus na ginaya pa ang isang viral audio.

Carri and Janus both laughed, Blueberry too. But when I saw the terrified look on Braylee's face . . . I realized that it wasn't a laughing matter. 

"You okay, Man?" Jasper asked. He wasn't laughing too.

The Goodbye GirlOnde as histórias ganham vida. Descobre agora