Patimpalak 5

3 0 0
                                    

"The ultimate victory in competition is derived from the inner satisfaction of knowing that you have done your best and that you have gotten the most out of what you had to give."

-Howard Cosell

RAY'S P.O.V.

May update na sa concerns na ni-raise ko sa organizers ng Tagisang Robotics Competition. Nag-reply na ang organizers ng competition.

"Hi, Ray! You can send the BOT tomorrow to this address for repair," sabi sa e-mail.

Binigay nila ang address kung saan ipapadala ang mobot maging ang pangalan at contact number nila.

Nag-chat ako sa GC namin para sa contest at sinabi ang tungkol sa reply.

Ms. Laurel:
Halaa, nakuu, need na mapadala yan ASAP kasi may bagong task n ulit
Kaya mo b ray dalhin s school ung mobot bukas?
Pakitanong mo n lng kung kelan mababalik ung mobot

Ako:
noted po maam

Nag-send si ma'am ng PDF file para sa mga task na dapat naming i-code.

Ms. Laurel:
Paghandaan niyo iyan ah less than a month na lang ang preparation time niyan.

Ako:
okay na po ma'am
napaghatihatian na po namin lahat ng nasa task
sa challenge po sama-sama po kaming gagawa

Kinabukasan, pumunta ako ng school para ibigay ang sirang mobot. Inuwi ko kasi ang mobot pagkatapos ng unang qualifying heat. Sana naman ay maayos agad ang mobot para may oras pa kami upang ma-test ang ginawa naming code.

***

Bumalik ang mobot namin nang katapusan ng Pebrero. Pagsapit ng Marso ay nagpa-conduct ng training si Ma'am Laurel.

Pagsapit ng Huwebes ay nagkita-kita muli kaming apat na teammates. Hinanda ko ang laptop ko sa computer laboratory at in-upload kaagad ang code sa mobot.

Masaya na naming ginagawa ang code dahil madali na para sa amin ang mga functions na dapat magawa ng mobot.

Muli naming in-upload ang code sa mobot. Nang i-execute ay little to no errors ang nagagawa ng mobot.

May pag-asa na sana akong nararamdaman hanggang sa muli kong mabasa ang instructions na binigay. Kailangan pala naming magamit ang line sensor ng mobot upang gumalaw.

Hmm. Paano ko kaya ilalagay sa code ang line sensors ng mobot? May apat na sensor ang mobot: sa harap, likod, kaliwa, at kanan. Kailangan kong magamit iyon upang ma-navigate ng mobot ang playing field.

Nag-umpisa akong mag-code habang nagse-search kung paano iyon gagawin sa Internet. Pinag-aralan kong mabuti kung paano gumagana ang sensor array ng mobot.

May mga pattern akong nakikita sa behaviour ng sensor array kaya ginawan ko ito ng kung anu-anong if-else at switch statements. Inabot ako ng hapon sa pagko-code at pagta-trial and error. Medyo napapagod na kami sa paulit-ulit na pag-aayos ng code, pag-a-upload, paglalagay ng mobot sa playing field, at pagpalya ng mobot.

Inabot na kami ng alas kuwatro pero palyado pa rin ang resulta ng code.

Nakabalik na sina Ma'am Laurel at Ma'am Del Valle.

"Oh, mga anak, kumusta na ang progress natin?" tanong ni Ma'am Del Valle.

"Ma'am, hindi po namin makuha 'yung gagawin sa sensor ng mobot. Hindi po siya nagra-run nang maayos eh," sabi ko.

D-in-emonstrate ko ang nangyayari sa mobot. Hindi nababasa nang mobot ang line nang maayos. Hindi nito nasusundan ang linya at hindi siya humihinto sa dapat niyang hihintuan.

Buhay Hayskul: HirayaWhere stories live. Discover now