Bakuna

10 0 0
                                    

"Everyone has their own ways of expression. I believe we all have a lot to say, but finding ways to say it is more than half the battle."

-Criss Jami

RAY'S P.O.V.

Huling Biyernes ng Nobyembre, umingay ang GC ng Idiot Council.

Vincent:
@Errick ano schedule niyo ng vaccination

Errick:
sa 29 pre, alas tres
ikaw

Vincent:
3 din HAHAHAHA

Errick:
YAAANNN!!!

Naglabas na kasi ng schedule ang school ng mga babakunahang estudyante. Karamihan sa amin ay naka-schedule nang alas dos at alas tres. Pero hindi lahat ay mababakunahan sa November 29.

Wala pang nilalabas sa amin na schedule kaya medyo kabado at excited ako sa magiging schedule ko.

***

Alas seis ng gabi, nag-chat si Ma'am Azul sa GC namin. Nag-send siya ng listahan ng mga taga-section Probability na naka-schedule na bakunahan bukas. Kasama ako doon at alas tres ang oras ko.

Yes! Makakasabay ko sina Vincent, Errick, Rap-Rap, at JJ.

Hindi na ako makapaghintay na sumapit ang Lunes. Una ay dahil gusto ko nang mabakunahan, at pangalawa ay dahil makikita ko ang mga kaibigan ko nang personal.

***

Linggo ng gabi, may nag-send sa Idiot Council ng listahan ng mga estudyanteng babakunahan bukas sa Valenzuela Astrodome. Dahil umiral na naman ang karupukan ko ay hinanap ko ang pangalan ni Sapphire. Unfortunately, hindi ko nakita ang pangalan niya.

Sayang, makikita ko na sana siya nang personal bukas kung nagkataon.

Binuksan ko na lang ang twitter ko at nag-tweet. "excited pa nmn ako kasi baka makita ko c crush sa astrodome kaso di pala siya nakaschedule bukas pighati :<"

***

Kinabukasan, pumunta kami ni Mama sa venue ng bakunahan. Wala pa akong nakikitang mga pamilyar na mukha maliban sa mga teachers. Nakita ako ni Ma'am San Pedro. Kumaway siya sa akin. Kinawayan ko siya pabalik.

Nandoon din sa venue si Ma'am Soledad. Pati ang principal ay naroroon din. Matagal ko rin silang hindi nakita.

Habang naghihintay sa pila ay nagsidatingan na ang mga pamilyar na mukha. Una kong nakita si Vincent. Sunod naman ay si Samuel at si Errick. Panay ako tingin sa kanila. Umaasang mapapansin nila ako. Lumingon-lingon din si Samuel sa mga nakapila. Ilang sandali lang ay natanaw niya ako. Napaturo siya sa akin at napaturo din ako sa kaniya.

Nag-chat kami sa Idiot Council at sinabing nagkakakitaan na kami sa venue ng bakunahan.

Umusad na kami sa pila hanggang sa makarating na kami sa unang process ng vaccination. Tumambad ako sa harap ng teacher ko sa ICT noong grade nine, at si Ma'am Azul na siyang in-charge sa process na iyon.

Nagulat sila dahil huling kita nila sa akin, mahaba ang buhok ko. Ngunit kailangan kong maging mukhang presentable kaya nagpagupit ako.

Pagkatapos no'n ay lumakad na kami papunta ng Astrodome. Pagpasok namin sa loob ay nadatnan ko ang dami ng mga teenager na magpapabakuna din.

Tumingin na lang ako sa GC ng Idiot Council para malaman kung ano nang updates sa kanila. Mukhang ako pa lang yata ang member ng Idiot Council na nasa loob.

Buhay Hayskul: HirayaWhere stories live. Discover now