Performance Task 2

14 0 0
                                    

"Good communication is the bridge between confusion and clarity."

-Nat Turner

RAY'S P.O.V.

Ikalawang linggo ng Oktubre. Patapos na ang klase namin sa EsP. Bago kami i-dismiss, may in-announce muna si Ma'am Nicolas sa amin.

"Matagal naman nang nasabi sa inyo na ngayong grade ten ay magkakaroon kayo ng tinatawag na 'unified performance task' kung saan more than one subject ang nagpapagawa sa inyo ng iisang performance task. Ngayon, magkakaroon kayo ng performance task sa EsP, AP, at Filipino.

"Gagawa kayo ng photo essay tungkol sa mga sakunang pangkalikasan. Limang larawan ang kailangan sa isang photo essay. Bawat larawan ay isang uri ng natural disaster ang ipapakita. At dapat sa bawat larawan ay may limang pangungusap na description." Binigay niya rin ang rubrics ng performance task namin. "Para sa karagdagang impormasyon, mangyari lamang na magpunta sa assignment tab niyo sa ESP 10."

***

Sumapit ang Huwebes. Sa time ng Filipino ay nabanggit rin ni Ma'am Salinas ang tungkol sa Unified Performance Task namin. 

"Alam kong nabanggit na sa inyo sa iba pang mga asignatura ang PeTa niyo. Pero siyempre, uulitin ko pa rin dahil saklaw din ng asignatura ko ang magiging gawain ninyo. Gagawa kayo ng isang photo essay. Bale ang gagawin ninyo, maglalagay kayo ng limang litrato tungkol sa iisang sakunang pangkalikasan. Tapos sunod no'n ay gagawa kayo ng essay na naglalaman ng hindi bababa sa tatlong talata na may tiglimang pangungusap bawat talata."

Teka, bakit iba yata ang instructions na ibinigay ni Ma'am salinas kumpara kay Ma'am Nicolas?

Nagtanong si ma'am kung may katanungan kami. Pero kahit na nagtataka kami dahil hindi magkaparehas ang instructions, sinabi namin na wala na kaming tanong.

***

Kinabukasan, sa oras ng AP ay si Ma'am Manalastas naman ang nagpaliwanag ng unified performance task namin.

"Bale, ang gagawin niyo mga anak, kukuha kayo ng limang picture tungkol sa iisang sakunang pangkalikasan. Tapos sa bawat litrato ay maglalagay kayo ng description," paliwanag ni ma'am.

Ha? Bakit iba-iba ang nagiging panuto nila sa project? Sa ESP, limang iba-ibang sakuna na may 5 pangungusap na deskripsyon sa bawat litrato. Sa Filipino, 5 litrato ng iisang sakuna tapos isang essay na may 3 talata at 5 pangungusap bawat talata. Tapos sa AP, 5 litrato tungkol sa iisang sakuna na may deskripsyon bawat larawan.

Akala ko ba unified performance ito? Bakit magkakaiba sila ng panuto?

Pagkatapos ng klase ay nag-chat ako sa Idiot Council.

Ako:
gagi pre
tatlong teacher iba iba ung panuto

huwag na gumawa ng performance task hahahaha char

Lester:
lmao ka

Finn:
ang krazy talaga ng mga teachers
sabi ni mam hidalgo, 5 topics tas kay mam manalastas iisang topic lang

Barry:
dapat ba 5 magkakaiba na suliranin o 5 pics para sa isang suliranin

Finn:
HAHAHAHAHAHAH

Zion:
(replied to dapat ba ...) pangalawang statement

Finn:
di talaga magkasundo mga teachers namin

JJ:
ahh yes unified

Barry:
okay gets so bale wag muna gawin kasi sabado pa pasahan

Buhay Hayskul: HirayaWhere stories live. Discover now