𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟓

Start from the beginning
                                    

Napabuntong hininga na lang ako at sinuot yung damit, mukhang ibabandera ko ang aking abs sa lahat. Bahala si ma'am diyan.

Nang matapos lumabas na ako at nadatnan ko siyang nakatayo doon, nakaligo na siya at nakabihis na din.

Eh? Same clothes kami?

But bruh.. She looks so hot and sexy with those clothes, lalo na yung exposed tummy niya na may abs din pero hindi masyadong kita unlike mine.

"Done checking me out?" Tanong niya pero nagkibit balikat lang ako sabay ngiti.

"Matchy matchy pala ang gusto mo madame." Pangaasar ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay bago tinignan kabuoan ko, nastuck pa nga sa tiyan ko e.

"Enjoying the view ma'am?" Nakangisi kong tanong pero inismiran lang ako nito bago pumasok sa kwarto niya.

Paglabas nito may binato siyang jacket sa poganda kong mukha.

"Wear that, let's go." She said at nagsimula nang maglakad, takang tinignan ko yung jacket bago sinuot yon.

Gulo din ni ma'am eh no.

Agad ko siyang sinundan at nagulat ako ng makita ang number ng room na nasa harap lang ng room niya, 143, that's my room!

Napalingon ako sakaniya at tinuro yung kwarto pero inirapan niya lang ako saka iniwan ulit, napapailing akong sumunod sakaniya.

___

"Ow, matching clothes.." Bunganga agad ni Gav ang sumalubong samin kaya irap lang ang sagot ko sakaniya.

Andito silang lahat, ang squad at bbg ay nasa isang table, sa katabi naman nito sila mommy at ang kabilang side naman mga pinsan ko the rest na tables occupied ng mga ibang bisita.

Dumeretso muna ako kila mommy at hinalikan ang mga pisngi nila.

"Good morning mommies." Bati ko at nginitian sila.

"Good morning baby/hon." Sabay nilang bati at binigyan ako ng matamis na ngiti.

Cute cute nila. Sabaok po.

"How's your night hon?" Mommy Maxi asked, naalala ko naman ang nangyari kagabi pero pinilit kong ngumiti upang hindi sila magtaka.

"It's good mom, kahit na hangover ang bungad sa umaga." Sagot ko na ikinatawa nila.

"Sabi na nga ba't nalasing ka na naman." Iiling iling na sabi ni mommy Nics.

"Okay lang yan my, malakas ako e. Mana sayo." I proudly said but she just chuckled.

"Mana sa mommy Maxi mo kamo." Sabi niya kaya kinurot siya ni mommy Maxi sa tagiliran niya.

"Shut up." Masungit na sabi ni mommy Maxi pero hinalikan lang siya sa pisngi ni mommy Nics.

And that's my cue to leave, siyempre hayaan na natin ang sweet moments nila at masakit iyon sa mata.

Bumalik ako sa table at mga bunganga agad nila ang bumungad.

"Kaya naman pala nahihirapan ako lagi maghanap ng damit kailangan pala matching." Sabi ni Kev habang nakatingin kay Kai.

Pero obvious naman na kami pinaparinggan nun.

"Kaya nga eh, makahanap na nga ng kapartner." Sagot pa ni Kai kaya sinipa ko sila sa ilalim ng lamesa na ikinainda nila.

Sinamaan nila ako ng tingin pero inosente ko lamang silang tinignan at kinagat yung hatdog.

"Why? Gusto niyo?" Inosenteng tanong ko na ikinairap nila.

"Silly." Bulong ng katabi ko habang umiiling.

UnexpectedWhere stories live. Discover now