Pagpasok namin sa loob sobrang daming tao, andito na ang lahat kasama yung mga propesor na inimbitahan nila nung event.

Hala! Andito din ang mga pinsan namin both sides!

"SENPAILEIGHHHHH HAPPY BIRTHDAYYYY!!" Sabay na sigaw ng mga alien kong pinsan.

Niyakap nila ako ng sabay sabay at mabuti na lang nahila agad ako ni Navi bago pa ako matumba sa sahig. Itong si Fionne naman kasi kung makayakap gusto na ata akong patayin.

Navi, Fionne, Evo, Alxer, Yana, Lyle mga cousin's ko na mga Monteverde.

Jian, Allya, Calix, Roui, Sol, Stefanie sa Gulliver side naman.

"Grabe 23 ka palang pero mukha kang mas matanda sakin." Turan ni Evo.

"Bro, mas matangkad kamo ako sayo. Duh." Sagot ko dito at inikutan siya ng mata.

Nagsitawanan naman ang iba naming pinsan, nagkwentuhan pa kami at maya maya nakisali yung mga kaibigan ko at nakipagbiruan din sakanila.

Close din kasi silang lahat, kaya sobrang ingay na dito dahil nagsama sama ang mga hayop.

Nasa zoo na pala ako.

"Baby, happy birthday." Si mommy Nics na kakalapit pa lang at niyakap ako.

"Happy birthday, hon." Bati din ni mommy Maxi at niyakap kami ni mommy.

Niyakap ko sila ng mahigpit bilang pasasalamat, ramdam kong paluha na ang mata ko kaya humiwalay na ako sa yakap at nginitian sila.

"Ate." Tawag ni Archie na nakangiting lumapit sakin. "Happy birthday." Niyakap niya ako na tinugunan ko din.

"Please..  Stop blaming yourself." Bulong nito bago humiwalay kaya nginitian ko na lang siya bilang sagot.

I can't help it..

Nilapitan na din ako ng mga tita, tito ko para batiin at tanging ngiti lamang ang naisasagot ko sakanila. I can't thank them if I'm not really thankful for today.

Sa kabilang parte, Nakita ko sina Ryeo na kasama ang ibang propesor at ang mas nakakagulat ay magkatabi sila ni ma'am Zane at tila ba nagkakatuwaan sa kung anong pinaguusapan nila.

So close na sila ngayon? Itong si ma'am naman kung makipagusap kay Ryeo parang hindi niya tinawag na ghost last month.

"Sup Ryeo, Hello proffesors." Bati ko sakanila kaya naman agad na napunta sakin ang kanilang mga atensyon.

"Happy birthday, Ms. Maxileigh." Bati nila sakin na nginitian ko.

"Maxileigh na lang po." Kamot ulong sagot ko saka sila nginitian, naiilang ako mga dre.

"Leigh, happy birthday!" Bati naman nitong liit at niyakap ako.

"You need to explain." Bulong ko dito bago humiwalay sa yakap, ngumiti na lamang siya at tumango.

"Happy birthday, Monteverde." Ayon, akala ko walang balak bumati.

Oo, inaantay ko talaga bati niya kahit ayoko ng binabati.

Tumingin ako sakaniya at tumango saka ngumiti, basta ngiti na lang ang pasalamat ko sakanila.

"I'm glad, dala mo yung sagot ko sa tanong mo ma'am." Sabi ko na nakapagpakunot sa kilay niya at takang tumingin sakin. "Yung gusto ko." Dugtong ko at naintindihan naman na siguro niya iyon dahil inirapan niya ako.

I just chuckled and excused myself to them for awhile, I want to go somewhere.

Nagtungo ako sa dulo ng bridge, medyo malayo na ito sa hotel ng resort. Ang dulo ng bridge ay kagubatan na ngunit sa gitna ng kagubatan may lawa doon, isang napakagandang lawa.

UnexpectedWhere stories live. Discover now