𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟑

Start from the beginning
                                    

"Look at your girl Leigh, I think she is about to kill someone." Bulong nito at lilingunin ko na sana yung taong tinutukoy niya nang biglang lumagabog yung pintuan ng cafeteria.

Ang daming nagulat pero itong katabi ko nagawa pang tumawa ng mahina, goodness.

Mula sa pinto ng cafeteria nilipat ko ang tingin ko sa pwesto nila Ma'am Zane kanina at wala na siya doon, confirmed guys siya nga yung nagbalibag ng pinto.

"Tangina Ryeo, lupet mo talaga HAHAHAHAHA." natatawang puri ni Gav habang yung isa may pa flipped hair pa.

Proud sa kagagahan.

Bumalik na ulit sa kaniya kaniyang mundo ang mga tao dito sa cafeteria, dahil na din siguro dun sa ginawa ni Miss Goddess of Mt. Everest.

"That's how you do the work, hon." May pa kindat pang nalalaman tong liit na'to.

"Lakas mo aydol!" Sabay pa talaga silang anim sabay tawa, nakitawa pa si Ryeo mga lintek.

Oo kumpleto kami ngayon, walang klase dahil may pinaghahandaan daw silang event nung isang araw pa nga nila pinaghahandaan yun.

Hindi nga ako updated e, ayaw din sabihin sakin ni tito secret daw. Parang di pamangkin.

"Rj, sabi ko naman sayo na itigil mo na yang kalokohan mo. Wala din naman yan patutunguhan." Singit ko pero tinaasan lang ako ng kilay nito. Wow ha.

"Leigh, sinabi ko na din sayo na itigil mo nang kakatawag ng Rj sakin, hindi na tayo bata. Isa pa, hayaan mo na lang ako, go with the flow just like what you did earlier. Trust me, there'll be a great outcome." Sagot naman niya at binigyan ako ng matamis na ngiti, bumuntong hininga na lang ako.

Wala na ako magagawa, kahit ang mga kaibigan ko tinutulungan na din siya e.

"Alam mo Max, para kang tanga. Matapos mong umamin iiwas ka, torpe ampota." Bigwasan ko kaya tong Khaiden na'to?

Alam na niya tungkol dun, dahil kinabukasan expect ko na talaga na maha-hot seat ako kasi alam na din ng iba na may gusto ako sa propesor namin. Kaya ayun di nila ako tinigilan hanggang sa magkwento ako.

Mga kupal hindi ba.

"Tigil tigilan mo'ko Kaleb ha, makasabi ka ng torpe kala mo umamin sa crush. Kapal mo." Sagot ko na ikinangiwi niya.

"Ew, wag mo'ko tawaging Kaleb. Naneto." Maarte na turan nito at may pairap pang nalalaman, inismiran ko na lang din siya.

She hates it when someone is calling her by her second name, ayaw na ayaw niya kasi yun. Ayoko muna sabihin totoong dahilan, pero clue lang..

May kinalaman tatay niya dun.

"Ms. President pinapatawag ka po ng dean." Sabay sabay kaming napalingon sa babaeng biglang sumulpot.

Pinapatawag ako ni tito? Ano naman kailangan nun?

"Okay. I'll go there, thank you." Sagot ko kaya tumango naman siya saka umalis na.

Nilingon kong muli ang mga kaibigan ko at sinenyasan sila na aalis na'ko, tumango naman sila at kumaway pa kaya umalis na ako.

____

Andito na ako ngayon sa harap ng Dean's office nang maaaninag ko si ma'am Zane na naglalakad papalapit sakin pero hindi ko na siya pinansin at hinawakan at bubuksan na sana ito nang may kamay din na humawak dito kaya agad akong napaatras sa gulat.

"Ma'am Zane? What are you doing?" I politely ask, thank goodness hindi ako nautal.

Gosh, kinakabahan na naman ako sa kadahilanang hindi ko na naman alam.

UnexpectedWhere stories live. Discover now