"Hub naman, please gusto ko lang siyang kausapin, sabihin sakanya na ikaw yung pinili ko."

He sighed.

"Fine.. pero sasama ako."

"Hub please."


"Sige na nga lang."

"Thanks hubby!" sabi ko at niyakap siya.

"On one condition."

Nanaman.

"Ano naman ba yun?" inis kong tanong.

Tinuro niya yung pisngi niya.

"Eh wala namang dumi ah."

I saw him frowned.

"Ako na nga lang." sabi niya at agad akong hinapit sa beywang para masuyong hinalikan ako.



---------

Matiyaga akong naghihintay dito sa rooftop ng school kay Dale. Mabuti na lang at pareho kami may vacant kaya masasabi ko sakanya lahat. Medyo kinakabahan ako sa mangyayari pagkatapos nito, he is important to me parang kapatid na din ang tingin ko sakanya kaya masasaktan ako pagnasaktan siya.

"Lexi!" lumingon ako ng dumating si Dale.

Agad niya akong niyakap kaya niyakap ko din siya pabalik.

"I miss you." Sabi niya.

Bahagya lang akong napangiti.

"A-ako din."

"May mga pasalubong akong dala, diba gusto mong dalhan kita ng strawberries kaya binilhan kita ng marami." Sabi niya at ibinigay ang dala niyang supot.

Halata sa mga mata niya ang saya. Parang ang hirap na sabihin sakanya.

"Oh tulala ka jan."

"A-ah Dale kasi..."

"Bakit?"

"Si Robbie... k-kami na."

Nakita kong nag iba yung expression ng mukha niya.

"Im sorry Dale, I didn't mean to hurt you. Simula pa noon si Robbie na yung mahal ko I tried to move on and forget about him pero siya parin Dale siya parin ang isinisigaw ng puso ko. Dale im really sorry." Sabi ko na halos umiyak.

Ngumiti siya ng mapait at ginulo ang buhok ko.

"Silly. Wag ka ngang umiyak." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Alam ko Lexi."


"W-what? But how?"

He sighed.

"Nakita ko kayo kanina ni Robbie, gusto na kasi kitang makita kaya hinanap kita."

"D-dale."

Pinunasan niya ang mga luha ko.

"Noon pa man alam ko nang hindi mo siya nakalimutan. Few months ago nung nalasing ka sa bar I heard you whispering his name countless times. Masakit sakin Lexi seeing you cry over him kaya sinabi ko sa sarili kong aalagaan at pasasayahin kita. Siguro tanga lang talaga ako at naglakas loob akong ligawan ka even I know na wala akong chance sayo."

"Im really sorry Dale."

Niyakap niya ako.

"Shhh. Don't cry Lexi baka mamaya pagalitan ako ni Robbie."

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Mahal kita Lexi and I want you to be happy that is why im letting you go." He said.

"Salamat Dale. Youre a good friend."

"Tara na. Hatid na kita kay Robbie."

"A-are you sure?"

"Yeah, I need to talk to him." Seryosong sabi niya.

Para mas dapat yata akong kabahan sa susunod na mangyayari.


---------



Tahimik kaming naglalakad ni Dale papunta sa Gym. Nandoon kasi si Robbie para sa basketball practice nila. Para yatang maiihi ako sa magiging kalalabasan ang pag uusapan nila.

Nang makarating kami sa Gym agad na lumapit sakin si Robbie at yumakap kahit basa ng pawis pero okay lang mabango naman eh ^______^.

"Hinatid ko lang dito si Lexi and also I want to say something." Dale.

"What is it?" tanong ni Robbie.

"I just want to say... alagaan mong mabuti si Lexi. Love her and make her happy all the time."

"Don't worry Dale im not gonna commit that same mistake again."

"Ill looking for. Remember im always here kaya kung sasaktan mo siya hindi ako magdadalawang isip na bawiin siya sayo." Seryosong sabi ni Dale and layed his hand.

"Maghihintay ka lang sa wala dude. But ill accept that." Robbie and thay shakehands.

"Not gonna commit that mistake again. Tss maniwala ako." Biro ko sakanya habang naghihintay sa Locker room ng basketball team. Kami na lang kasi ang naiwan dahil nagshower pa siya. Wag kayong mag alala dahil sanay na ako sakanyang nakatopless, 12 years eh.

"So hindi ka sakin naniniwala?" tanong niya habang nagsusuot ng bagong sando.

"Well ill think about it." Sabi ko at sumandal sa locker na nakacross arm.

"Ah ganun."

Lumapit siya sakin.

"Oo ganun."

Hinapit niya ako sa beywang at tiningnan sa mata.

Hahalikan niya sana ako nang biglang...



"Hoy porn!!!!!!!"


Sigaw ng mga co-basketball players niya na nakasilip sa bintana.

"Sh*t!!!!!" Robbie silently cursed.

Lihim naman akong napatawa.

Sarap talagang asarin ng hubby ko kahit kailan.

My Jealous PartnerWhere stories live. Discover now