Chapter 30

5.1K 149 5
                                    




"Happy birthday!!!!!"

Bati ng mga bata kay Erin. Worth it din pala yung pagod naming lahat kahapon sa pagorganize ng birthday party. Sarap sa feeling!

Nag eenjoy ang mga bata sa paglalaro ng games at panonood ng mga show habang ang ibang bisita naman nagkukwentuhan. Invited din pala yung mga parents ko at nag uusap sila ngayon kasama ang parents ni Robbie. Ngayon ko lang ulit sila nakitang masayang magkakasama.

"Huy!." Someone poked me. Sino pa ba?

"Alam mo asar ka talaga!" I hissed.

"Ano kasing tinitignan mo jan?" tanong niya.

"Yung mga parents natin. Ngayon ko lang kasi uli sila nakitang magkasama."

"Ang drama mo rin no, palagi kaya silang nag uusap." Sabi niya.

"Psh. Ewan sayo."

"Come, puntahan natin sila." He said at hinatak ako papunta sa mga parent naming.

Kahit kailan talaga walang modo to hatakin ba naman ako. Paano kung matapilok ako?! 5 inches pa naman tong stiletto ko.

"Hi Tita, hi Tito." Bati ni Robbie kina Mommy.

"Hi ijoh, oh magkasama pala kayo ni Alex eh." Daddy.

"Ah eh, hello po."

"Naku matagal na din since nakita ko ang dalawang to na magkasama." Sabi ni Tita.

"Oo nga eh, busy kasi si Alexis sa pag aaral." Sabi ni Mommy.

True yun noh, gusto ko kayang grumaduate na may medalya. Hindi na ko bitter!

"Naku eto ding si Robbie busy... sa girlfriend hahaha." Sabi ni Tito.

"Dad." Suway ni Robbie.

Ngayon ko lang napansin magkahawak parin pala kami ng kamay ni Robbie. Gosh!

"Pagpasensyahan mo yang Daddy mo anak huli yan sa balita." Tita.

"Atleast mukhang masaya ka naman ijoh." Mommy.

May mahal na yang iba Mom T______T.

"Syempre ng dami jan eh,diba Robbie?" biro ni Dad na ikinatawa naman naming.

"Tito kain lang po kami ni Lex sa loob." Sabi ni Robbie.

"Rob, sino ba talaga yung mahal mo?" tanong ko habang kumakain kami.

Lahat kasi ng mga tao nasa backyard kaya kami na lang an tao ditto sa Kusina. Mas maganda ditto noh maraming pagkain. Hahahaha PG alert!

"Bakit mo naman natanong?"

"Bakit masama?"

'dahil ipapasalvage ko yung babae' mind.

"Huwag na baka ipasalvage mo pa yun." Sabi niya at tumawa.

Abat! Paano niya yun nalaman?! Mindreader?

"Tse! Feeling mo."

"Mahal mo naman."

Naibuga ko naman yung ininom kong juice.TANG NA JUICE naman oh!

"Okay ka lang?" tanong niya at binigyan ako ng tissue.

Tumango lang ako. Balak niya yata akong patayin sa mga pinagsasabi niya eh.



--------



Gabi nang natapos ang party naunang umuwi sina Mommy dahil nagpaiwan ako para tumulong sa pagliligpit ng mga gamit. Halata na kasi pagod sina Ate Rina tapos umiyak pa kanina si Erin dahil na Seoul daw yung Papa niya may inasikasong trabaho kaya hindi siya nakarating. Nalulungkot ako para sakanya.

"Robbie." Tawag ko.

Kasalukyan kaming nagpapahinga dahil kakatapos pa lang naming iligpit ang mga kalat. Nandito kami ngayon sa isang sulok ng garden nakaupo sa swing (yung pwedeng higaan).

"Hmmm."

"Palagi bang hindi umuuwi yung Papa ni Erin?" tanong ko.

"I don't know, siguro minsan ko lang kasi siya nakikita dito."

"Ano bang trabaho niya?"

"I don't know." He blurted.

"Ha?! Bakit?" pinagloloko yata ako nito eh.

He sighed.

"Hindi tanggap ng pamilya ng Daddy ni Erin si Ate Rina."

"A-ano?"

"Kahit kasal sila ni Ate ayaw pa rin nila kaya palagi siyang wala dito dahil ipinagkasundo siya sa ibang babae doon sa Korea."

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni Robbie. Kawawa naman pala si Erin kung ganun.

"Kaya ganun na lang kalapit si Erin sakin. She treated me as a father dahil hindi niya yun naranasan sa totoo niyang daddy. That is why im always here for them."

"Eh diba may karapatan naman si Ate Rina bakit hindi niya ipinaglaban?"

"I don't know, siguro dahil ayaw niya lang na maipit si Erin sa sitwasyon."

I sighed.

Kung ako siguro ang nasa posisyon ni Ate Rina hindi rin ako makakapag isip ng mabuti. Ang hirap pala kung hindi ka kayang ipaglaban ng mahal mo.

"Robbie bakit hindi natin ipasyal si Erin. Makakatulong yun sakanya para naman kahit papano sumaya siya."

Ngumiti si Robbie.

"Good idea, sige bukas ipasyal natin siya sa Park."

My Jealous PartnerWhere stories live. Discover now