Chapter 14

5.3K 167 5
                                    








Kumurap ako ng ilang beses pero hindi siya nawawala sa paningin ko. He's really real!

Lihim kong kinurot ang sarili ko at agad akong nabalik sa realidad.

He's smiling at me. Na para bang walang nangyari.

Tss.

Umiwas na lang ako ng tingin. Napansin kong wala na sina Mommy at Ate Jazz sa bench.

"Nauna na silang magboard kaya sumunod na lang tayo." Sabi niya pero hindi ko yun pinansin.

Kinuha ko na lang ang small backpack ko at dinaan siya sa gilid ng hindi siya tinitingnan. Naramdaman ko naman nakasunod siya sakin. Bakit pa kasi siya sumama eh?! Akala ko ba wala siya ditto?!

"Hey hintayin mo naman ako." Sabi niya habang pilit akong hinahabol.

Eh sino ba kasi ang nagsabi sakanyang hintayin niya ako?! Pwede naming iwan na lang nila akong tulog kanina siguro mas ikatutuwa ko pa yun.


Nakarating kami sa loob ng eroplano na hindi nagpapansinan. Agad akong umupo sa upuang nakaassign sakin at sinalpak ulit ang earphones sa tenga ko. Si Ate Jazz kasi yung katabi ko kaya alam kong magiging komportable ang buong byahe ko.


Habang nakatingin sa labas ng bintana ay naramdaman kong nakaupo na si Ate Jazz sa tabi ko. Nilingon ko siya at magtatanong sana pero iba an bumungad sa mukha ko.

"Anong ginagawa mo dito?!" hindi ko sadyang sigaw.

Napatingin naman samin ang ibang pasahero kaya nag peace sign na lang ako. Binalik ko ang tingin ko sa katabi kong unggoy at pinaningkitan siya.

"Nasaan si Ate Jazz?" matalim kong tanong.

Agad naman siyang napakamot sa batok niya at nag iwas ng tingin.

"Naku Baby sorry ha sabi ko kasi kay surot nap alit na lang kami kasi gusto kong katabi si Clade." Nakanginting sabi ni Ate Jazz.

Tumingin naman ulit ako sakanya. Nakikita ko sa mga mata niya na parang nagsasabing 'please'.


I sighed.


Sumandal na lang ako sa upuan at umiwas ng tingin. Akala ko magiging maayos ang byahe ko yung pala kabaliktaran ang mangyayari. Natulog na lang muna ako sa byahe para kahit papano hindi ako istorbohin ng unggoy kong katabi. Alam ko naman kasing gusto niya akong kausapin kaya tutulugan ko na lang siya.








@Caticlan International Airport






Nang makarating kami ng airport agad kaming dumiretso sa port kung saan kami sasakay ng Bangka papunta sa Boracay. Medyo mahaba ang pila kaya natagalan kami sa pagsakay. Papunta sa bangkang sasakyan naming aalayan sana ako ni Robbie pero agad kong nilayo ang kamay ko.

"Kaya ko." Sabi ko nalang at naunang pumasok sa Bangka. Umupo ako sa pinakadulo kung saan meron akong ibang katabi. Nakita ko naming napabuntong hininga si Robbie at naupo na lang sa tabi nina Tito.

"Oh Jazz bale 4 rooms yung nakareserve para sa atin ha, kami nina Glenn ang kukuha sa dalawang kwarto kaya ikaw na ang bahalang magdeisyon sa kwato ninyong apat." Narinig kong sabi ni Tita Rhian kay Ate Jazz sa lobby ng tutuluyan naming ditto sa Station 2 sa 'Mandarin Boracay Hotel'.

Malapit siya s beach at napakaganda ng ambiance. Makikita mo ang luxury sa buong paligid at halos lahat ng nakacheck in ay puro foreigner.

Nakita kong lumapit si Ate Jazz kay Robbie at binigay yung susi ng kwarto. Siguro si Ate yung kasama ko sa kwarto. Lumapit ako kay Ate at nagtanong.

"Saan po yung kwarto natin Ate?"

"Naku Baby hindi tayo yung magkasama sa kwarto eh."

Kumunot naman ang noo ko.

"Lets go Jazz." Biglang sabi ni Kuya Clade at agad silang umalis.







So ibig sabihin...














"Punta na tayo sa kwarto NATIN."








OH NO!!!!!!!!!!





WHY?!?!?!?!?!?!

My Jealous PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon