Chapter 33

4.8K 141 13
                                    



"Salamat Bes ha sinamahan mo ko mamasyal." Sabi ko.

Nagpasama kasi ako kay Ysa dito sa Mall. Para naman makalayo din ako Robbie dahil kong mangungulit na naman yun sakin. Gumugulo pa rin sa isip ko yung mga nangyayari. Takot pa rin akong magmahal lalo na kung tungkol kay Robbie.

"Talagang dapat magpasalamat ka. Alam mo bang nagexcuse lang ako kay Drew na mag aaral ako ngayon kaya hindi kami makakapagdate. Hmp!" inis niyang sabi.

"Eh sana sinabi mo na lang na may iba kang date. Hahaha." Biro ko.

Naningkit naman ang mga niya sa inis.

"Heh! Porket maayos lovelife mo sisirain mo naman yung akin."

"Huy hindi ah!"

"Atsaka kaya nga ako nagpasama dito diba para makatakas kay Robbie. Siguro dapat time out muna ako sa pakikipagkita sa kanya."

"Ang sabihin mo nagpapahard to get ka lang. Sa mga pinagagawa mong yan baka mamaya mapunta pa yun sa iba sige ka." Pananakot niya.

Para namang mangyayari yun at kahit mangyari yun edi ibig sabihin talagang hindi siya seryoso sakin.

"Edi dun na siya, wala akong pakealam."

"Ewan ko sayo! Pabitter ka pa jan. Punta na nga tayong Dept. Store."

"Alin ang mas bagay blue or pink?" tanong ni Ysa sakin habang pumipili ng sundress.

"Yung pink na lang mas bagay." Sabi ko.

"Pero bes mas maganda yata yung Yellow, pwede mo bang kunin dun malapit sa pinagkuhan ko."

"SIge."

Habang hinahanap ko ang sinasabing damit ni Ysa may napansin akong babae at lalaking nakaleather jacket na makatayo sa kabilang shelf. Nakatalikod sila kaya hindi ko makilala pero halatang maganda at sophisticated ang babae, yung lalaki naman halatang hunk infernes. Hindi ko na lang sila pinansin at hinanap na lang yung damit.

"You think bagay to sakin?" narinig kong tanong ng babae.

"Yeah it suites you."

Natigilan ako nung yung lalaki na yung nagsalita. I know him!

Dahan dahan akong lumingon sa kanila at hindi nga ako nagkamali. Kahit kailan talaga!!!

"Oh nahanap mo na yung sundress?" bungad sakin ni Ysa pero hindi ko siya pinansin dahil nakatingin lang ako unggoy.

"Huy! Anyare say--" natigilan di si Ysa nang Makita niyang papunta si Drew palapit sakanila na may kasamang babae.

Mga walang hiya talaga!

"Abat-" akmang susgod si Ysa pero pinigilan ko siya.

"Wag na Bes." Sabi ko.

"Anong hindi?! Kita mo namang pinagloloko na tayo dito eh!" pasigaw niyang sabi.

Hindi na siya nagpapigil at sumugod.

"Wow! Nandito din pala kayo." Ysa.

Halatang nagulat silang dalawa. Dapat lang.

"H-hon."

"L-lex."

=______________= me and Ysa.

Yan! Manigas kayo!

"Uhmm. Sino sila?" inosenteng tanong ng babae.

"Oh Drew tinatanong ka oh, sino daw kami." Matigas niyang sabi.

My Jealous PartnerWhere stories live. Discover now