On the way na ang mga kapatid niya dahil s'yempre, hindi naman magpapahuli si Mil. Talagang tinawagan niya ang boyfriend niya para pumunta dahil ang lagay raw ba ay siya lang ang walang lalaki tapos kami meron?

Napaka-unfair naman daw yata.

"Wala naman," sagot ko sa kaniya saka tipid na ngumiti.

"You sure?"

This time, I smiled at him fully. "Oo naman. Don't worry about me."

Ngumiti siya sa akin. "Just tell me when there's a problem."

Tumango ako sa kaniya saka nag-iwas ng tingin. Dumalo ako sa kaibigang abala sa kusina. Nagluluto siya ng chicken popcorn. Hindi na ako nagtataka na marunong siyang magluto kahit nuknukan siya ng arte. Mag-isa lang naman pala kasi siya. But I wonder nasaan ang daddy niya? And kung wala ba siyang kapatid.

"Where's your dad, Raya?" I can't help but ask her.

"Wala akong daddy," simple niyang sagot. "May kapatid ako pero kinuha sa akin."

"Pa'nong kinuha? Sinong kumuha?"

"'Yong walang kwenta kong tatay." She laughed sarcastically while shaking her head. "Babawiin ko si Hira . . . at ipapakulong ko silang dalawa ng kabit niya."

"You can do that to your father?"

"My father died long ago. He's not my father. He killed my father."

Napansin kong humihigpit ang hawak niya sa tong at nag-aalala na ako. Kasalanan ko yata dahil masyado akong naging matanong. Hindi ko siya maintindihan.

Zai rushed in and held her hand to calm her. Lumuwang ang hawak niya sa tong at naibagsak iyon sa sahig. Umiyak na naman siya at napatingin sa akin ang mga kasama na kapapasok lang din sa kusina.

"Anong nangyari?" tanong ni Mil.

"Well, I-I asked her about her dad kasi tapos . . ."

Hindi ko na nagawang tapusin ang sinasabi ko nang makita ang pag-iling ni Cai. "Kahit anong tanong na ang itanong ninyo sa kaniya, h'wag lang tungkol sa tatay niya, sa kapatid niya, at sa aksidenteng nangyari sa kaniya."

Natahimik ako dahil kasalanan ako. Hindi ko naman kasi alam, at kung alam ko man, pipiliin ko namang hindi na lang magtanong. I triggered her. I made her cry and I'm guilty for that.

Inilabas na ni Zairus sa kusina si Raya at dinala sa living room para patahanin. Naiwan kaming apat dito.

"I'm sorry . . ." mahina kong sabi.

"Next time be careful," said Cai. Hinawakan naman siya sa braso ni Mil para siguro hindi na niya dagdagan pa ang sasabihin.

"She's not aware of it. Hindi naman natin masisisi si Ky if she was curious about Raya's family. She doesn't know what she's been through, and if she knows it, I'm sure that asking Raya about it would be the least thing she will do," Jai mumbled. "Now that they know about it, sure naman akong hindi na 'to mauulit kaya h'wag mo nang sisihin si Kylei. Wala rin naman 'yang magagawa, Kuya. Kaibigan niya si Raya and she's worried about her, too. Pare-parehas lang tayong nag-aalala sa kaniya."

I bit my lower lip when I felt the rapid beating of my heart. Bakit pakiramdam ko'y ipinagtatanggol niya ako sa kuya niya?

"Alam ko, I'm just reminding her. Ang dami mo masyadong sinabi," natatawang sabi ni Cai. "Sorry, Ky. I didn't mean to make you feel like it was your fault."

"Kasalanan ko naman talaga, e." I sighed. "I'm really sorry."

Tumango lang si Cai pagkatapos ay inaya na si Mil na sumunod na sa living room. Naiwan kaming dalawa ni Jai rito kasama ang mga sunog na chicken popcorn na hindi na namin napansin.

Natatawang binalingan ni Jai iyon saka pinatay ang stove. "Kaya pala may naaamoy akong sunog, ito pala 'yon! Kawawa naman 'tong pulutan, mukhang walang choice kundi idiretso sa basurahan."

Hindi ko nagawang tumawa sa biro niya. Iniisip ko par rin ang pagkakamaling nagawa ko kanina. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya ngayon. Nnag maitapon niya ang nasunog na pagkain sa basurahan ay muli niya akong binalingan.

Bumuntonghininga siya saka inabot ang kanang kamay ko upang haplusin 'yon. "Naiintindihan ka ni Raya, h'wag kang mag-alala. Hindi naman 'yon magagalit sa 'yo dahil sa pagtatanong mo tungkol sa pamilya niya. Wala ka namang alam, e. She just can't stop herself sometimes. Bigla na lang talaga siyang umiiyak. You don't know it because when she's with you, she acts tough. Alam mo kung bakit?"

"Bakit?" kuryoso kong tanong.

"Para 'di n'yo isiping mahina siya. Ayaw niyang ipakita sa inyo ang mga kahinaan niya."

"But she's our friend. Maiintindihan naman namin siya."

"Patuloy n'yo na lang muna siyang intindihin ngayon at kapag kaya niya na, kusa naman siyang lalapit sa inyo." Hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko at parang naging komportable na rin ako sa paghaplos na ginagawa niya roon. "Don't think about it too much."

He looked at my eyes intently and smiled. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay namin. Daha-dahan niya iyong pinagsalikop at hindi ko na nagawang tumutol dahil parang wala namang parte sa akin na gusto siyang pigilan.

"Our hands look good together when they're intertwined, as if they were perfectly made for each other," he said while smiling.

I couldn't agree more. His hand on my hand looks majestic and it feels magical—like I'm holding the hand of the right man for me.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now