Chapter Thirteen

Mulai dari awal
                                    

"Hindi ba dangerous?" tanong ko habang nakakunot ang noo. "Wala nang masyadong bahay rito tapos mag-isa ka lang?"

"That's what I keep on telling her," ani Jai. "Sadyang ayaw niyang makinig. Noong nandiyan pa ang best friend niyang si Carla ay okay pa sana pero nang umalis, I'm always worried about her safety. That's why as long as possible we monitor her. Lalo na si Mommy na palaging nag-aalala sa kaniya."

Si Carla ang bestie niyang bakla na kasama niyang nagma-manage din ng agency pero umuwi iyon ng probinsya para alagaan ang lola niyang may sakit. Ilang buwan na rin simula nang umuwi siya. That means ilang buwan na siyang mag-isa rito.

"Zairus offered he could be here to check on her, ayaw naman niya. Tsk!" dagdag pa ni Jairus na mukhang stressed sa kaibigan.

"Bakit naman ayaw mo, teh? Paano kayo uusad ni Papi Zai mo kung puro ka pag-iinarte d'yan? Gagi ka ba?" histerikal na tanong ni Mil kaya naman natawa na lang ako.

Nanatiling tahimik si Raya hanggang sa makarating kami sa bahay niya. Una kong napansin pagbaba ko ang sports car na nasa garahe.

Maserati MC20 . . . na may yupi sa harap at scratches na hindi nakatakas sa paningin ko.

"Kotse mo, sis? Anong nangyari?" curious na tanong ni Mil habang hinahawakan ang yupi roon nang madaanan namin.

"Accident," tipid niyang sagot.

"Don't ask her about that," Jai interfered while looking at the car.

Naunang pumasok ang babaeng pinag-uusapan para buksan ang wooden double-door niya. Tumingin pa muna si Jai sa kaniya bago ibinalik sa amin ang tingin.

"Magkekwento rin naman siya sa inyo kapag kaya niya na. Sa ngayon, hayaan n'yo na muna siya. May trauma siya sa nangyari kaya hindi niya pa kayang balikan 'yon."

Bakas ang matinding pag-aalala sa mukha niya . . . at hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako nakaramdam ng kirot sa puso ko . . . at ng kaunting inggit sa babaeng walang kamalay-malay.

Hindi 'to tama.

Napatitig ako kay Jairus. I stared at him without him knowing . . . and just by that, I've known that it's not hard to fall in love with him. In fact, it was too easy. Falling for him is like the easiest subject I could take in college.

Hindi ako mangangamote dahil kaya kong sisiwin.

Nagawa ko lang mag-iwas ng tingin nang maramdaman ko ang kurot ni Mil sa bewang ko at nang lingunin ko siya, mapang-asar na ngiti ang bumungad sa 'kin.

"Ano 'yan ha?" bulong niya sa tenga ko. "Nahuhulog ka na ba sa brother-in-law ko?"

I rolled my eyes at her. "Iyan ang no!" defensive kong sagot saka sumunod sa dalawa.

Tatawa-tawa naman siya sa likuran ko. Alam kong hindi siya naniwala sa sagot ko pero ni hindi ko nga rin alam ang sagot doon.

Hindi ko alam kasi hindi ako sigurado at nakakatakot makasiguro.

Dala na ni Jai sa loob ang mga binili naming alak kanina. Light lang naman ang iinumin at hindi rin ganoon karami. Si Raya na rin ang bahala sa mga pulutan dahil kaya niya namang magluto.

While she's in the kitchen, Jai is talking to Zairus para papuntahin dito. Dinig ang pag-aalala sa lalaking nasa kabilang linya and I didn't expect him to be like that. Buong akala ko wala siyang pakealam sa kaibigan ko pero mukhang mali ako.

I guess I was wrong with my assumptions about them. Masyado akong nagging judgemental at napapahiya ako sa sarili ko.

"You're silent. Anong iniisip mo?" tanong sa akin ng lalaki matapos maupo sa tabi ko.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang