Chapter 38: Forever?

Start from the beginning
                                    

Isang linggo na rin naman ang nakakaraan at wala pa namang engkantong napapadpad dito sa lugar namin. Araw-araw kong pinapanalangin na sana mapagod na sila sa paghahanap kay Pio at tuluyan nang tumigil. Wala na rin naman balita mula kay Lady V kaya sana ang ibig sabihin no'n ay magiging tahimik na ang buhay namin.

Nagluto na ako nang agahan at chopsuey naman para sa tanghalian niya mamaya. Lately kasi masyado akong conscious sa kinakain ko kaya pati si Pio ay nahawa na rin. Natakot siguro nang sabihin ko na masama at nakakataba ang pagkain ng sobrang karne. 'Ayun, ni ayaw na ngang kumain ng burger kahit dati sobrang paborito niya 'yon. Nakakatuwa siya. Parang bata na ang daling impluwensyahan kaya naman maingat ako sa kung anong tinuturo ko sa kanya.

Nakaligo na ako at nakakain pero tulog pa rin si Pio. Mag-aalas singko pa lang naman kasi nang umaga pero kailangan ko nang umalis. Pumasok ako sa kwarto niya at dahan-dahan siyang ginising. Ayoko sana siyang istorbohin dahil mahimbing pa ang tulog niya kaso baka mag-alala siya kapag hindi ako nag-paalam sa kanya.

"Pio, alis na 'ko." Marahan kong sabi na kanya dahilan para magising siya.

"Hmm?"

"Magpapaalam lang ako. Aalis na 'ko." Ulit ko at hinalikan ko siya sa pisngi.

"Sandali.." Sabi niya at agad siyang bumangon. "Ihahatid kita sa labas." Dugtong niya pa.

"'Wag na, matulog ka na lang ulit. Kaya ko 'na to. Tsaka dadaanan na lang naman nila ako dito eh." Pigil ko sa kanya.

"Kahit na, ihahatid kita." Sagot niya and it sounded final kaya hinayaan ko na lang siya. Mabilis siyang naghilamos pagkatapos ay nagbihis at saka kinuha sa akin ang dala-dala kong bag kahit na magaan lang naman ito.

"Oh, tingnan mo, madilim pa tapos ayaw mo magpasama." Marahang sermon niya.

"Oo na po, mahal na Prinsipe." Pagsang-ayon ko sa kanya. Minsan may pagka-over-protective siya kaya naman laging #feelingsafe ako dahil ngayon ko lang 'to nararanasan.

"Mag-ingat ka doon ha?" Bilin niya sa akin at saka umakbay sa balikat ko.

"Opo.. Ikaw din. Tumawag ka sa 'kin kung may problema. Alam mo naman ang mga numero na tatawagan 'di ba?" Paalala ko sa kanya. Meron kasi akong dinikit na hot-line numbers sa pader sa pagitan ng kwarto namin.

Tumango lang siya bilang sagot. Nakasablay sa kaliwang balikat niya ang backpack ko at naghihintay lang kaming dumating ang service na maghahatid sa amin papunta sa port. It's such a wonderful feeling being around Pio. I feel so warm and safe when I'm with him. Sayang lang at hindi ko siya makakasama sa loob ng isa't kalahating araw. Ugh! Mami-miss ko siya.

Makalipas ang sa tingin ko ay halos sampung minuto ay may pumarada ng van sa harap ng kinatatayuan namin. Ang aga naman, parang ayoko pang magpaalam kay Pio. Bumukas ang bintana sa tabi ng driver at kumaway sa akin si Simon.

"Alex, tara na!" Tawag niya mula sa van. "Good morning pare!" Bati niya kay Pio at nakita kong naningkit ang mata ni Pio. Selos ba 'yon?

"'Wag kang mag-alala." I reassured him at kinuha ko na ang bag ko sa kanya.

"May tiwala naman ako sa 'yo." Sagot niya sabay halik sa noo ko.

"Good. Sige. Alis na 'ko. Ba-bye na. Love you!" Paalam ko sa kanya.

"Sige. Paalam mahal kong Prinsesa." Ngumiti siya sa akin at dumiretso na ako sa van para sumakay dala ang pabaon niyang ngiti. Naks! Siguradong pang-aasar na naman ang aabutin ko nito kay Simon. Pero hindi ko maiwasang kiligin. Kasi naman..

Tumabi ako kay Simon sa front seat at saka kumaway kay Pio bago pa tuluyang makalayo ang van. He smiled at me and I miss him already.

"Alex, ang dami mong langgam!" Panimula sa akin ni Simon at nagtawanan ang mga katrabaho kong nakaupo sa likod na nakarinig ng pang-aasar niya. Kaya naman hinampas ko siya sa braso gamit ang dala kong water bottle.

"Tse. Inggit ka lang." Ganti ko sa pang-aasar niya.

"Inggit? Ako? Hindi 'noh! Meron din kaya akong Janet." Bawi naman niya nang may pagmamalaki.

"Whatever." Pangbabara ko naman para matigil na siya. I settled on my seat.

"Hmm. 'Yon pala ang boyfriend mo." Sabi niya habang paulit-ulit na hinahaplos ang imaginary bigote niya.

"Bakit? Mas gwapo sa 'yo?" Ako naman ngayon ang nang-alaska sa kanya. Hindi pa rin kasi tumitigil.

"Infairness, oo!" Sagot niya na may kasamang ngisi.

"Salamat naman at inamin mo! Haha." Sagot ko.

"Anong pangalan no'n Alex?" Singit ni Renz, isa sa mga katrabaho kong bakla na nakaupo sa likod namin.

"Uhm. Pio Zamora." Sagot ko.

"May facebook ba siya? Pwede kong i-add? Haha."

"Wala! Tsaka hindi pwede. Akin lang siya. Haha." Biro ko. "Si Simon na lang sa 'yo!" Dagdag ko pa at tumawa ako nang malakas dahilan para tingnan ako nang masama ni Simon.

"Uy, ayoko nga! Loyal ako kay Janet." Balik niya.

"Sino naman 'yang Janet na panget 'yan?" Pang-lalait ni Renz kay Simon kaya nag-irapan silang dalawa. Syempre talo si Simon sa bakla kaya tiningnan niya na lang ito nang masama. Nakakatawa nga ang itsura ni Simon. Nainis yata. "Hmp. Damot naman ni Alex!" Komento ni Renz sa akin. "Balitaan mo na lang ako 'pag nag-break na kayo." Pang-aasar niya pa.

"Gaga! Hindi kami magbi-break no'n!" Sagot ko at natawa ako.

"Asus! Sinasabi mo bang may Forever? Walang forever! Kahit nga 'yong Forevermore nag-wakas eh." Balik sa 'kin ni Renz. "Uy, napanuod niyo 'yong ending?" Tanong niya sa mga katabi niya at sila-sila na ang nagkwentuhan. Buti na lang at nawala na ako sa eksena dahil hindi ko na rin alam kung pa'no ko pa siya sasakyan. Tinamaan ako do'n ha!

Natanong ko na lang sa sarili ko.

Hindi nga ba talaga kami maghihiwalay?

Hindi. Hindi!

But, how sure am I?



***

Ikaw, naniniwala ka ba sa forever?

As always, vote, comment and recommend!

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Where stories live. Discover now