May dala ba siyang maganda o masamang balita? Hindi na naman tuloy ako mapakali.

Nagtulungan kami ni Pio sa paglinis ng apartment dahil nakakahiya naman sa tiyahin niya. Alam ko kasing sosyal at maselan 'yon at ayokong mapintasan niya ang tinitirahan ng pamangkin niyang Prinsipe. Namili kami ng ilang gamit at nag-grocery din ng ihahanda para kay Lady V.

Alas diyes y medya na nang umaga nang makarating sina Lady V kasama dalawa niyang bodyguards na naiwan sa labas upang magbantay. Sinalubong namin siya ni Pio at nagbeso ako sa kanya. I always admire her beauty. Ang ganda niya kasi kahit may edad na siya. Siya ang pinakamagandang halimbawa ng 'aging with grace'. Nakasuot siya ng ternong rose-colored na damit na parang tulad ng mga sinusuot ni Queen Elizabeth. It suits her very well. She's also a royalty after all.

Pagkapasok pa lang ni Lady V ay kinilatis na niya agad ang loob ng apartment habang ako naman ay naghihintay ng feedback niya na parang isa siyang quality inspector. Tsk. Nakalimutan nga pala naming bumili ng place mat para sa dining table.

"Hmm.. This place is o-kay. Just a bit small, don't you think?" Komento niya pagkatapos libutin ng mata niya ang loob ng apartment namin.

"Ay uhm, opo.." I mumbled. I knew she'd say that. "Medyo, mahal po kasi ang renta 'pag mas malaki." Sagot ko.

"Still, you should get a bigger one." Deklara niya at muling inilibot ng isa pang beses ang mga mata niya sa loob ng apartment.

"Ah, eh.. opo." Nakakahiya tuloy. Baka sabihin nito tinitipid ko si Pio. Tsaka okay naman ang laki nitong apartment para sa amin ni Pio. Tamang-tama lang 'to para sa aming dalawa. Mataas lang talaga siguro ang standards ni Lady V.

"Upo ho kayo." I ushered her to the couch. Baka naman pati 'yong sofa pintasan pa niya. Bagong bili kaya namin 'yan ni Pio.

Surprisingly, naupo siya without further comments at naupo na rin kami ni Pio. She looked at Pio first and I know she noticed his new haircut. After that she landed her eyes on me.

"You look well, iha." She complimented and smiled at me. I look good kasi nag-make-up ako today but without concealer sa undereye circles ko, I bet I look like hell. Hindi kasi ako nakakatulog nang maayos lately gawa ng, you know, may epal. Hmp. "You look good too, Procopio. Nice haircut. Your idea?" Tanong niya sa akin. I should probably tell her that he has a better sounding nickname now instead of calling him Procopio.

"Ay hindi po, siya po ang nakaisip ng ganyang gupit." Sagot ko. I decided to glance at Pio and true enough, he looks good. No, more than good, but great! Parang hindi man lang siya nai-stress sa mga pangyayari. Kainis! Ako tuloy parang haggardo Versoza kung minsan.

"Bagay sa iyo." Puri ni Lady V sa pamangkin niya.


"Maraming salamat." Sabi ni Pio. Then, he lightly ran his fingers through his hair and flashed me his boyish grin. Waah! Ang gwapo niya.

"So, how are you two doing?" Tanong niya sa amin. Hmm. Pumunta lang ba talaga siya dito para kumustahin kami?

"Okay naman po kami." Sagot ko. Mas minabuti kong paunahin muna siya sa kung anong pakay niya.

"Good. Okay. I know you're probably wondering why I'm here." She started to say, her face is now serious, then she crossed her legs in a regal manner.

"Yes po." I readily answered, waiting for her to drop the bomb or whatever bad news she's about to tell us. Napahinga siya nang malalim at do'n ko nakumpirma na bad news nga ang dala niya.

"Hinahanap nila kayo." She finally said with a frown.

"Uhm. Alam na po namin 'yan." Mahinahong sagot ko. But still, the news brought the same effect as if I heard it for the first time. Nalungkot ako dahil hanggang ngayon pala ay hindi pa rin sila tumitigil sa paghahanap kay Pio.

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα