"Baby. . ."

Hinawakan n'ya ang kamay ko pero hindi ako pumayag na mahawakan ng matagal, agad kong iniwas ang kamay ko.

Napatingin ako sa mukha n'ya. Bakit parang iiyak na sya? Namumula na gilid ng mga mata n'ya.

Ay dahil malapit lang sakin, nalanghap ko ang amoy nya. Ang bango n'ya tapos, mukhang bago ligo ata. Fresh na fresh ang ante n'yo. Bigla tuloy akong naging conscious kung ano na ang hitsura ko.

"Pangit ba ako?" Tanong ko sakanya. "Ang lagkit ko na."

Umiling naman s'ya. "You have comparable beauty."

"Haha, thanks. Nasaan nga pala tayo?"

"Aguas residence, my parents' house."

"Hala?!" Bigla akong nataranta.

"Calm down."

Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa pisngi. Natawa pa sya sa reaksyon ko. May nakakatawa ba sa mukha ko? Kinalma ko muna ang sarili ko bago nag salitang muli.

"Bakit nandito ako? Nasa bahay pa ako kagabi ah?"

"You're parents are here. . . Nasa ibaba sila."

"Huh?! Bakit?! Sinundo na ako? Ayan kasi bakit mo pa ako dinala dito."

Napailing s'ya at may kaunting ngisi sa labi.

Gulong-gulo ako sa pinagsasabi n'ya. "Nandito kana kagabi pa. I bring you here with me. Lasing na lasing ka kagabi. Baby, what you did last time will only embarrassed you. Wanna know?" Pang-aasar n'ya sakin.

"Hala, ano bang ginawa ko?! Jusko. Kaunti lang naman ininom ko ah. Naalala ko lahat nangyari kagabi no!"

"Last night is your first time, am I right?" Nahihiyang tumango ako. "After you kissed you me infront of your Mom, you fainted in my arms. I was about to put you on your bed, you suddenly woke up. Then, you started crying because you misses me. . . You longed me that much, baby."

Puno nang pagyayabang ang boses na. Para bang isang napakalaking bagay na iniyakan ko sya dahil na miss ko sya.

". . . You were also mad at me for not being with you yesterday. I am sorry for that, baby. . . By the way, you only calmed down when I say, I'll bring you with me. Ayaw mo pa ngang bumitaw sakin—"

"Ayoko marinig!" Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa kahihiyan. "Stop na."

"You clung like a monkey—"

Agad kong tinakpan ang bibig n'ya. "Hoy, manahimik ka!"

Kasing pula na ata ng kamatis ang mukha ko! "Baka gawa-gawa mo lang 'yan! Hindi ko magagawa 'yan, no!"

"Do I look like I'm lying?"

"E-close mo nalang ang iyong mouth. May proof ka?" Hamon ko.

"On your Dad's phone. He was filming last night."

"Hoy, gaga, parang hindi family! Si Vezenco nga naman. Nag-video pa talaga."  Lagot sakin si Papa mamaya.

Sobrang nahihiya ako sa nangyari. Jusko. Napasimangot ako at pilit paring pinoproseso ang mga nalaman ko.

"So alam nila Mama, kasabwat mo sila?" Tumango sya. "Tapos nandito sila? . . . bakit?"

"I invited them."

"Para saan?"

"You totally forgot, mag-tatampo naba ako?"

"Anong meron?"

Natahimik sya at tumitig lang sakin. Naiilang ako kaya nag-iwas ako ng tingin. Para syang binabasa ang buo kong kaluluwa!

Sabay kaming napatingin ni Sir Wrath ng umilaw phone n'ya. Napatingin ako sa oras.

Fire Burning Where stories live. Discover now