Chapter 14

2.4K 118 51
                                    

14

Dali-dali akong sumakay sa taxi dahil nag text sakin si Sir Wrath na ihahatid n'ya ako. Ayoko na magpahatid sakanya baka may makakita samin, baka ma trending pa ako sa chismis.

Sugarbunch: I'll drive you home, let's talk.

Ako: Nasa bahay na ako. Bukas nalang siguro. :)

Hindi nya nabasa ang huling message ko kaya tinago ko nalang ang phone ko sa bag.

"Hija, wag kang mag boypren-boypren ha. Aral muna."

Tumango ako sa sinabi Manong. Nakigpag-chismisan ako kay manong driver. Kahit saan talaga ako ilagay ay madaldal talaga ako.

"Manong, anong thoughts mo sa mga mag-jowa may malaking age gap?" Tanong ko sakanya.

Sya nalang siguro tatanungin ko dahil mukhang marami nang experience si Manong.

"Wala naman 'yon sa edad, 'nak, eh..." Age doesn't matter! "Kung nag-mamahalan talaga kayo, hindi kayo papaapekto sa mga sinasabi ng iba. Wala sa edad ang pag-mamahal, 'nak. Kami nga ng asawa ko, 12 years ang gap pero hindi iyon naging hadlang sa pag-mamahalan namin."

Namangha ako sa sinabi nya. "12 years gap po kayo? Talaga?"

Tumango naman si Manong at ngumiti. Ang ganda ng ngiting iyon, para bang mahal na mahal n'ya ang asawa niya. Kung hindi ganito mapapangasawa ko huwag nalang.

"Nag-hihintay na 'yon sakin ngayon," sabi n'ya.

"Ilan ba anak n'yo manong?"

"Dalawa lang... Wala na sila sa bahay, malalaki na kasi."

Tumango naman ako. Kitang-kita ko sa mukha ni manong na mahal na mahal n'ya ang pamilya n'ya. "Ganoon po ba, grabi no. Ilang taon kayo noong naging kayo ng asawa mo po, manong?"

"30 na ako, 18 palang sya." Medyo natatawang sabi ni manong. "Pero nanliligaw ako sakanya ng mahigit tatlong taon."

Ibig sabihin ay 15 palang ang asawa nya ay niligawan na n'ya ito?! Hala, gago.

"Wow! Buti pumayag magulang ng asawa mo po ligawan ito kahit bata pa sya."

"Oo naman, sinong hindi. Ka pogi ko ba naman." Mayabang na sabi ni Manong.

Sabagay, pogi talaga naman tong si Manong. May maipagmamayabang naman talaga.

"Secret lang natin 'to ha pero nagmamasada ako pag nabobored ako. Ako ang may-ari ng kompayang Taxi Corporation."

"Weh hindi nga?"

"Oo nga. Tiningnan mo ito oh," may kinuha sa cardboard ng sasakyan at binigay sakin.

Nanlaki ang mata ko. Ownership card iyon!  Pangalan n'ya ang naroon tapos picture sa itaas. Gregor Clegane, 'yan ang pangalan n'ya. Mangha ako dahil doon. Naks naman. Ang humble ni manong Gregor.

"Sa lahat ng sumakay sa taxi ko, ikaw lang ang kumausap sakin. Napakabuti mo hija," sabi n'ya sakin.

"Ay hindi naman po. Mabait ako pero very slight lang, madaldal lang talaga ako."

"Nakikita ko panganay ko sayo, madaldal ang isang 'yon." Natatawang sabi ni Manong Gregor.

"Taga saan po ba kayo Manong?"

"Ferwell Subdivision kami nakatira hija." Nanlaki ang mata ko.

So may chance pang mag-kita kami ni Manong?! "Manong may bahay din ako doon!"

"Saan ba banda bahay n'yo doon?"

"Isang beses palang ako doon eh, actually binigay lang sakin ni ano sakin 'yon. Pero hindi talaga ako doon nakatira."

Fire Burning Where stories live. Discover now