Chapter 11

2.7K 119 38
                                    

11

MAKALIPAS ANG ILANG linggo ay walang ibang nangyari sa kundi ganoon parin. Patuloy parin ang kalandian sa buhay!

Nandito ako sa mall kasama si Wrena, nag-aya ang gaga dahil na bored ito. Medyo nahihirapan akong mag-salita pero kunti nalang masasanay narin ako sa brace ko. Noong mga nakaraang mga linggo pa ito at sinasanay ko pa ang sarili ko.

"Bitch I think you look good this one, try this."

"Pagod na ako! Ikaw nalang kaya, kanina mo pa ako pinapasukat ng kung anu-ano."

Sinamaan n'ya ako ng tingin kaya ganon rin ang ginawa ko. Hindi ko alam paano ko naging kaibigan ang isang 'to!

"Dali na. Try this one na. I'll buy it for you."

Agad n'ya akong tinulak sa comfort room kaya wala akong magawa kundi isukat iyon.

Mukha akong naka-hubad ako sa ikli non. Ganito taste sa damit si Wrena. Basta ako mas gusto ko mag baggy pants. 'Yong simple lang.

Lumabas ako at hinarap si Wrena. Pumalakpak ito at tuwang-tuwa.

"I'll buy it for you!"

At binayaran nga n'ya iyon. Napailing ako dahil ang mahal ng damit na iyon e wala naman akong mapag-gagamitan.

Pinag-titinginan kami ng mga tao sa mall dahil talaga namang nakaka-agaw pansin itong si kasama ko. Kung alam lang nila na isang Aguas ang isang 'to, baka kanina pa ito pinag-kakaguluhan.

"Gusto ko rin ng braces, para pareha tayo. Bestfriend goals ganon," sabi n'ya.

Pambihirang babaeng 'to kung anu-ano nalang talaga ang ginagawa sa buhay.

"Tanga. Ang ganda na kaya ng ngipin mo, nag-sasayang kalang ng pera. Sabagay marami kayo non, hindi problema sayo iyon."

"Hindi ko naman pera ito, kaya hindi sayang sayangin."

"Kanino ba galing 'yan?"

"Kay tita Glenda. Spoiled ako sakanya kahit na hindi n'ya ako totoong anak."

"Baka gusto n'ya ng babaeng anak." Tumango naman si Wrena.

Napangiti ako dahil doon. Akala ko talaga ay nag-hihirap sya sa kamay ng Mommy ni Sir Wrath kasi anak ito sa labas ni Mr. Warren Aguas sa ibang babae.

Mukhang mabait nga ang Mommy ni Sir Wrath. Sobrang ganda rin nito, nakikita ko sa pictures o interview. Hindi mukhang 40s kasi ang bata tingnan. Halatang mahal na mahal ni Mr. Aguas ang asawa sa klase ng tingin nito.

Ganon din ako titigan ni Sir Wrath pero isinawalang bahala ko ito... Kahit na gusto kong mag-assume. Assumera pa naman ako!

"Hey! You're spacing out, si Tita Alona ba 'yon?"

Nabalik ako sa katinuan nang marinig ko ang boses ni Wrena. Tiningnan ko ang tinuro n'ya. Si Mama nga. Oy small world. May seminar sila Mama kasama mga ibang teachers.

"Samahan mo ako, hingi ako pera. Wala akong pamasahe uuwi ngayon."

"Who told you na mag co-commute ka? Hatid kana namin," sabi n'ya.

Tumango nalang ako. Libre na 'yon. Pero bago paman kami maka-lapit kay Mama ay natigilan si Wrena. Sinundan ko ito ng tingin... ayown! Si Razrence may kasamang ibang babae!

Tiningnan ko ang mukha ni Wrena at hindi mapigilang matawa. Mukha syang mag-wawala ng wala sa oras.

Hindi ko pa sya kinausap tungkol doon dahil gusto sya mismo mag-sabi sakin. Pero hanggang ngayon wala pa syang sinasabi. Mukhang it's the right time!

Fire Burning Where stories live. Discover now