Chapter 19

2.1K 86 5
                                    

19

"I love you, take care." Hinalikan n'ya ako sa noo bago tuluyang binitawan. "I know you can do it, baby. I love you so much."

"Oo nga, paulit-ulit ka naman eh." Tumawa ako ng mahina. Ang clingy!

Patakbo akong bumalik sa room. Tamang-tama ang dating ko dahil patapos narin sila.

"Ilang balde ba inihi mo, Alzera?" Napatalon ako sa bumungad sakin.

Wala sa sariling hinampas ko si Clifford. "Ano ba! Parang tanga naman oh, nang gugulat!"

"Tinatanong kita."

"Hindi ako umihi."

"Hoy, bruha! Ang landi! Ayoko pa maging ninang ha," natatawang sabi n'ya sakin. "Galing ka sa bebe mo? Dapat sinama mo ako! Curious ako sa office n'ya be, haba ng hair ah. Sama mo ko next time— bastos hindi pa ako tapos! Balik ka here!"

"Tumahimik ka nga, baka may makarinig sayo!" Suyaw ko.

"Dapat proud ka be, tamo, agawin ko sayo!"

"Kung maagaw mo."

"Ang confident ah, sana landiin bebe mo tapos madala sya sa tukso." Sinamaan ko sya ng tingin. "Peace hehe."

"Anong chismis? Pabulong naman." Chismosong usad ni Joseph.

"Chismoso ka, tapos kana ba?" Tanong ko sakanya.

Napakamot sya sa ulo n'ya at umiling. "Hindi ko tinapos, walang silbi kung tatapusin ko tapos hindi ko naman alam."

My competitive ass can't relate. Low-key uhaw ako sa academic validation pero hindi naman ako humantong na e pressure ko na talaga ang sarili ko.

Pagod na pagod akong napasandal sa arm chair ko nang matapos na ang last subject namin. Finally! Makakatulog na ako ng maayos mamaya! Hindi ko alam kailan isasauli ang papers namin pero kinakabahan na ako. Tangina.

Nagpaalam agad kay Clifford na mauna na ako dahil hindi ko na keri. Insar n'ya pa ako na kikitain ko na naman si Sir Wrath ayon tinawanan ko nalang sya.

Syempre chinat ko si Sir Wrath na pauwi na ako, nag presinta pa syang ihatid ako pero tumanggi ako dahil alam ko namang busy sya.

Pagkauwi ko sa bahay ay wala pang tao. Pumunta agad ako sa kwarto at hihiga na sana pero laking gulat ko ng may makita akong tatlong bouquet flowers. May isang blue teddy bear na malaki tapos mga chocolates at iba pang foods.

Mukha ng flower shop ang bahay namin. Minsan ay binibigyan n'ya rin si Mama ko ng flowers. Pati ang parents ko nililigawan n'ya. I'm so lucky to have him.

Nilapitan ko iyon a hinawakan. Tanggal lahat ng pagod ko sa katawan. Minsan nahihiya na nga rin ako sakanya. Hindi ko alam paano ako makakabawi sakanya. What if, bigyan ko sya ng love letter?! Tama!

Wala kasi akong maisip na ibibigay sakanya kasi feeling ko meron na sya lahat sa lahat ng bagay dito sa mundo. Mayaman moments nga naman.

Pinicturan ko ang pinadala nya at nilagay sa day ko. Tapos ay dinagdag sa features ko sa facebook. Yay. May tatahol na naman nito for sure. Lalo na mga kaklase ko. Palagi nila akong tinatanong kung sino ba daw 'yong manliligaw ko! Syempre, low-key lang ako. Tinatawanan lang namin ni Clifford. 'Yong iba nag-iimbistega sa Facebook, Instagram, at Twitter pero wala silang makita.

Ako: thankyouuu :)) i really appreciate it po huhu

Ako: ang gandaaa ng flowers 😭❤️❤️

Hindi sya online kaya nag out na ako. Kinuha ko muna yong materials na gagamitin ko para igawa ng letters si Sir Wrath. Deserved n'ya gawan ng ganito kasi pogi sya. Char. So kung pag hindi pogi, hindi deserve? Eme.

Fire Burning Donde viven las historias. Descúbrelo ahora