Chapter 23

2.2K 78 28
                                    

Note: This story is full of kalandian lamang HAHAHAH light story lang'to kasi I don't feel like hurting my characters like hindi nila deserve HAHAHA kidding, but who knows, right? I might change my mind. So, ready yourselves.

Ps. I am sick since April 04 and I'm yet fully healed. . . However, I'm feeling better na compared these past days. Hintay-hintay lang po sa update. And also, for those who are taking their exams this month, goodluck, everyone! Aim high! 💗

________________

23

"What?!" Malakas na sigaw ni Wrena.

Napatakip ako sa tenga ko dahil sa lakas. Abot hanggang kapitbahay ata.

Pabalik-balik ang tingin n'ya samin ng kapatid n'ya. Para kaming akong tutang pinapagalitan, oo ako lang, kasi walang pake 'tong katabi ko. May pa hawak-hawak pa sa bewang ko. Agad ko namang tinampal kamay n'ya dahil bumaba ang tingin ni Wrena doon.

Kung wala lang siguro si Wrena dito ay kanina pa ako naka-kandong sa kandungan n'ya. Landi.

"Stop it, Wrena." Suyaw ni Sir Wrath sa kapatid.

"Kailan lang?! Does Tito and Tita knew about this, bitch?" Tumango ako. "Huh?! So, ako palang ang hindi nakakaalam?! I'm so disappointed."

Naupo sya sa harap namin. Sobrang sama ng mukha n'ya.

"Sorry naman, ikaw kasi eh, sabi mo dati kahit sino huwag lang s'ya." Sabay nguso kay Sir Wrath sa gilid ko na naka kunot na ang noo ngayon. "... Kaya natatakot akong sabihin sayo!"

"Kasi alam kong sasaktan ka lang n'yan, babaero 'yan beh, maraming babae ang pumupunta sa condo n'yan dati–"

"Wrena." Natahimik si Wrena doon at mukhang natakot sa Kuya n'ya.

Lumipad naman ang tingin ko sa katabi kong mukhang kinakabahan. Umiling agad ng mag-tama ang mga mata namin. Defensive masyado, wala pa naman akong sinasabi.

"Totoo naman ah! Sumbong kita sa Nanay mo—"

"Kilala na ako ni Mommy Glenda," sabi ko. Doon sya mas lalong nagulat.

"Tangina. . . I hate you! You're my bestfriend tapos ngayon ko lang nalaman. Friendship over!"

"Parang bata, amputa." Mahinang bulong ko.

"You should go home now, Wrena." Puno ng awtoridad ang boses n'ya. "Hinahanap ka ng Nanay mo, bakit hindi kana daw umuuwi sakanya? You two fight again?"

"Kaloka si Nanay, Kuya. Kung sino-sinong lalaki sa bahay, ayoko doon."

Nagulat ako doon. First time kong narinig nag Kuya si Wrena kay Sir Wrath. Pero  akit hindi ko alam 'yon na ganoon pala Nanay n'ya? For sure sasagutin

"Talk to her about your concerns. For now, stay in my pad. Hindi 'yong kung saan-saan ka natutulog. Don't scare your Mom like that again." He strictly said.

Nag-ikot naman ng mata ang bestfriend ko. Sama talaga ng ugali! "Wala namang pake sakin 'yon, duh, anyway, kay Wreck ako natutulog. Ang bastos ng nga noon eh! Ibat-ibang babae every night."

Napaungot ako dahil doon. "Baka ganon ka rin," pang-aakusa ko sa katabi ko.

Napalabi naman s'ya at agad umiling. "I'm not a cheater and will never be. I can't do that to you, okay?" Mahinahong sabi nya sakin.

Hinawakan n'ya pa mukha ko at akmang hahalik sa pisngi ko pero tinulak ko sya dahil nasa harapan namin si Wrena.

Nakakahiya!

"Hoy, mga devils, ang sakit n'yo sa mata!" Binato nya kami ng unan buti nalang nasalo ni Sir Wrath, tatama sana 'yon sa mukha ko. "Dito pa talaga sa harapan ko mag-landian! Nakakaloka mga tao ngayon," pinaypayan n'ya pa sarili nya.

Fire Burning Where stories live. Discover now