Umupo si Nez at umupo naman si Rowan sa tapat niya. Nagsimula na silang kumain. Sa totoo lang, masarap magluto si Rowan. Mas masarap ang mga niluluto nito kaysa sa mga niluluto niya. Hindi ito ang unang beses na ito ang nagluto. Actually, ito ang nagluluto sa mga pagkain nila at hindi siya nagluluto. Wala silang katulong at tanging silang dalawa lang ang nakatira sa bahay. Sometimes, pumupunta si Harry sa bahay ni Rowan at ito minsan ang nagluluto.

Nez hates cooking, though she could cook, so all she could do is to clean the house. Malaki ang bahay ni Rowan. Dalawang palapag ito pero nakakaya naman niyang linisan kahit pa sinasabihan siya ni Rowan na mag-hire na lang sila ng maglilinis pero hindi siya nakikinig rito. At the end, siya ang nanalo. And Rowan could only shut up his mouth and say nothing.

Magdadalawang linggo na silang magkasama sa bahay pero hanggang ngayon hindi pa rin sanay si Nez sa buhay ng may asawa. Rowan told her the last week that she will change her surname. Papalitan rin lang daw niya ito pagkana-annul ang kasal nila. Pumayag na lang siya dahil kailangan talaga.

She could say that Rowan has a lot of connection because just after a week, she already received an authentication that she could use Rowan's surname legally. Si Rowan actually ang nag-process nun. Minsan naiisip niya, kung seryoso ba si Rowan sa kasal na 'to? Kasi parang nararamdaman niya na nag-e-effort ito. Hindi niya maintindihan.

Napabuntong hininga na lang si Nez habang kumakain.

"May problema ba?" Tanong ni Rowan. "Hindi ba maganda ang lasa ng pagkain?"

"May iniisip lang ako." Sabi ni Nez. "Don't mind me."

"Are you sure?" Masuyong tanong ni Rowan.

Nez couldn't help but to stare at Rowan. We are only married by paper, right? Why do I feel like we are really a couple?

Gustong sampalin ni Nez ang sarili upang mawala ang mga iniisip niya. Kasi napaka-imposible namang mangyari ang mga iniisip niya. Sa loob ng dalawang linggo na magkasama sila ni Rowan sa iisang bubong at kahit pa hindi niya ito masyado pang kilala, masasabi niyang maganda ang pagpapalaki rito ng mga magulang nito.

Rowan is a real gentleman, she could say. Napailing si Nez sa sarili. Kung magpapatuloy ang kakaisip niya sa lalaki, walang patutunguhan 'to. Pero aaminin niya na habang kasama niya si Rowan, hindi niya masyadong naiisip si Tommy, which was a good thing. Yeah, a good thing indeed.

So, what is Rowan? A rebound? Tanong ng konsensiya niya.

Kumunot ang nuo ni Nez at muli na namang napatigil sa pagkain. No, he's not. Sagot niya sa kaniyang sarili.

Pero mukhang ganun na nga.

Nez rolled her eyes. Kinumbinsi niya ang sarili dahil hindi naman niya talaga rebound si Rowan. She didn't force him and he is the one who's wanted a wife. Rowan wanted a wife because his parents was rushing him to get married.

After eating, Nez volunteered to wash the dishes. Ayaw sana ni Rowan pero syempre hindi siya nagpatlo rito. Rowan just sighed and agreed to her. So, she washed the dishes and when she's done, she went back to her room, and took her bag and her things.

Nagulat siya nang makalabas siya ng bahay at nakita niya si Rowan na nakasandal sa kotse nito.

"Let's go?"

"Ah?"

"Ihahatid kita." Sabi ni Rowan. Hindi na niya binigyan ng pagkakataon na hindi pumayag si Nez sa gusto niya. Kinuha niya rito ang hawak nitong bag at laptop saka inilagay sa backseat then he opened the car's door for her. "Get in. Baka malate ka pa."

Nez doesn't want to be late on her first day of teaching so she got in Rowan's car. Naipikit niya ang mata nang maamoy ang amoy ni Rowan sa loob ng kotse. It's a manly scent. A scent that couldn't get off her mind when she smelled it first time. Hindi niya alam pero may kung anong mayroon sa amoy ni Rowan na nagpapatigil sa kaniya. Parang gustong-gusto niya itong amuyin.

Alpha Rowan (COMPLETED)Where stories live. Discover now