Chapter 65

4K 80 17
                                    

Chapter 65 || Bakit?

Mikkaella's POV

You are beautiful inside and out...

From: Secret Admirer

May bouquet na naman akong natanggap. Ano kayang trip ng secret admirer na 'to? Hindi naman siguro siya masamang tao 'no? Kasi kung masama siya baka maraming tinik 'yung roses tapos may lason 'di ba? Anyway, pinaayos ko ulit sa vase 'yon. Ang ganda kasi...

Kakatapos ko lang maglunch nang makatanggap ako ng tawag galing sa isang unregistered number. Tiningnan kong maigi at narealize ko kung sino ang caller dahil sa pamilyar ito sa akin. Muntikan na nga niyang malaman na memoryado ko ang kanyang numero... Ayun at dahil sa tampo ko kay Tyron ay naisip kong pumayag na lang sa gusto ni Kailer. May importante raw siyang sasabihin e. Edi pagbigyan.

Sa totoo lang ay nalulungkot ako ngayon dahil kay Tyron. Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko? Ang dami kong gustong itanong sa kanya tungkol kay Celestine pero wala naman akong pagkakataon. One week pa siya roon e. Hay... Gusto ko na siyang bumalik dito. Ayokong maisip na may kasama siyang iba. Hindi ko alam kung nagseselos ba ako o ano pero ayoko lang talaga. Nakakalungkot lang.

Parang ako 'to noon kay Cyrish at Kailer...

Mabilis umusad ang oras at malapit nang maggabi. Lumabas na ako ng boutique para magantay kay Kailer. Susunduin daw niya ako rito e.

Habang nagiintay ako sa pagdating ng kotse ni Kailer, may natanaw akong pamilyar na kotse. Hindi ako sigurado nung una pero nang huminto ito sa harapan ko ay nalaman kong tama nga ako ng hinala. "Tyron?" I exclaimed nang makita ko siyang bumaba. Lumapit siya sa akin at nakita ko ang malamig niyang titig. Bakas din ang pagod sa kanyang mukha.

"Mikkaella Louise Villaroel... you made me so frustrated." Hinawakan niya ang mukha ko ng marahan gamit ang dalawang kamay niya at ginawa niyang magkalebel ang mga mukha namin. "Now tell me, are you with Kailer this past few days? Yes or No?" malumanay niyang tanong.

"Ty-"

"Answer me Mikka."

Itinikom ko ang bibig ko.

"Tinapos ko ng mabilis ang lahat ng dapat kong gawin sa France just to be here with you. Para na akong mababaliw doon kakaisip sa 'yo. Sa inyong dalawa." Bakit ako naiiyak ngayon? He's at fault too dahil kay Celestine!

"Yes nakasama ko si Kailer pero-" Bumitaw siya sa akin at tumalikod na ikinagulat ko. He looked so disappointed. Agad ko siyang niyakap. Iyon ang kanina ko pa gustong gawin.

"You said you want me to fight, then why are you pointing your gun on me?" Bumagsak ang balikat ko sa narinig ko mula sa kanya. Am I doing that to him?

***

"Stop the car please!" sigaw ko kay Kailer pero parang wala siyang naririnig. Kinuha niya ako mula kay Tyron kahit na ayaw ko at ngayon saan niya ako balak dalhin?

"Can you please try to relax? You said yes to me and you can't just cancel it. Pinaghandaan ko 'to..." Natahimik ako nang makita ko ang seryoso niyang mukha na may bahid ng kalungkutan.

Tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Tyron sa akin. Sasagutin ko na sana nang inagaw 'yon ni Kailer at pinatay. "What the hell Kailer?!"

"When you're with me, don't have conversation with other guys." Tiningnan niya ako at nanghina ako dahil sa maluha-luha niyang mga mata. Bakit ganito pa rin ang epekto niya sa akin? Bakit hindi ko maatim na makita siyang ganito?

Hindi ko namalayan na huminto na pala ang sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pagbaba, nakita kong nasa harap kami ng Lexa's Kitchen.


The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon