Chapter 61

4.5K 73 27
                                    

Chapter 61 || Without Him

Mikkaella's POV

Hindi ba dapat maging masaya ako ng todo ngayong wala nang Kailer na nanggugulo sa akin? Ngayong tahimik at normal na ang buhay ko kasama ng mga taong totoong nagmamahal sa akin? Pero bakit ganun... parang hindi naman ganun ang nangyari... Oo masaya naman ako pero iba ang saya ko noon... Nakakapanibago lang siguro. Sana ay makasanayan ko rin ang saya na 'to.

Ang naisip kong tama ay ang pagpapatawad. Dahil ngayong nilabas ko na lahat ng sama ng loob ko at natutunan ko nang mas maging positive ay lumuwag na ang loob ko.

Kahahatid lang ni Tyron sa akin sa bahay ko. Nakita kong malungkot siya dahil aalis siya pabalik ng France na hindi ako kasama. Sinabi ko naman sa kanya na kailangan ako sa boutique. Isa pa ay babalik din naman siya kaya okay lang. Para naman sa trabaho niya kaya walang problema sa akin. Ako rin pala ang napakiusapan niyang pumalit sa kanya sa isang company auction kaya may dapat talaga akong gawin dito sa kanyang pagalis.

"Will you be fine on your own?" tanong niya at sinabi ko naman sa kanya na magiging okay lang ako at malaki na naman ako. Natawa na lang kami. Ganito kami kung magusap ni Kailer noon.

Sa pagpunta ko sa auction ay hindi ko inasahan na makikita ko si Kailer sa stage. Ito ang una naming pagkikita namin matapos ang halos isang buwan. Aminin ko man sa hindi ay mas gumanda ang katawan niya at mas naging mapangakit ang mukha niya. Halos magpatayan na lahat ng nagbi-bid sa kanya. I'm actually amazed.

Medyo kinabahan lang ako para sa kanya nang may baklang halos ilabas na ang kayamanan niya makadate lang si Kailer. Alam kong takot si Kailer sa mga bakla kaya nakita kong hindi maipintang mukha niya sa stage habang pinagaagawan siya nung bakla at isang babaeng balyena. Natawa na ako dahil hindi ko na mapigilan. Para kasing madudumi si Kailer sa pinapakita niyang ekspresyon!

Napatitig siya sa akin nang magsabi 'yung bakla ng 50,000 pesos. Alam ko naman ang tingin niyang 'yon pero hindi ko maiwasang asarin siya.

Awtomatikong lumabas sa bibig ko ang mas mataas na bid at nagsunod-sunod na iyon. Hindi ako 'yung tipong nagpapatalo! Lalo na sa mukha ni Kailer?

"100,000!"

Sa katapusan ng auction ay ang 100,000 ko ang naging last bid para sa kanya. Ang sakit sa bulsa 'non sa totoo lang pero inisip ko na lang kung saan iyon mapupunta. Gusto kong makatulong at hindi lang si Kailer ang natulungan ko sa pera na 'yon.

***

Sa naging date namin ay marami siyang naging tanong na nagpainis na rin sa akin. Kasi sinabi ko na sa kanyang magkalimutan na kami pero eto siya at parang cool lang ang lahat... Ang mas nagpainis pa lalo sa akin ay ang sarili ko na nagpadala sa agos... sinagot ko naman ang mga tanong niya na mas nagpagaan pa sa loob ko. I'm really surprised. Nawala na ba talaga ang sakit? Nakakahinga na ako ng maayos ngayong kasama ko siya...

Hindi ako ganito bago ko siya makita. Alcohol ba talaga ang isang 'to? Did his presence suddenly healed me?

"It's alright to fall if I'm here...because I'm more than willing to catch you over and over again."

Pauli-ulit sa isip ko ang sinabi niya. Alam kong dalawa ang kahulugan 'non pero pilit kong sinasabi sa sarili ko na maling magtiwala sa kanya...

***

"Salamat sa paghatid." sabi ko kay Kailer nang makita kong nasa tapat na kami ng bahay namin. Oo at inihatid niya ako. Hinayaan ko na lang siya dahil ayokong isipin niyang may galit pa ako sa kanya. Sa totoo lang ay wala na... naiilang lang ako sa kanya. Hindi na ako ganun kakomportable gaya noon. Para ngang hindi kami naging magkaibigan ng sampung taon e. It feels like we are two different persons again meeting for the first time.

"You're welcome. I hope to see you again." sabi niya at napalayo ako sa paglapit niya sa akin. Nakatitig siya sa mga mata ko dahilan para kabahan ako. Sobrang lapit na niya na parang hindi ako makahinga ng maayos.

Rumehistro sa isip ko ang pagnanakaw niya ng halik nung huli naming pagkikita!

"B-Bakit?!" tanong ko kasi palapit siya ng palapit!

"Seatbelt." At ngumisi siya. Kainis! Tssk! Ako na ang kusang nagtanggal."Wait!" Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi na dahil ng paginit nito. Nagmamadali akong bumaba ng kotse niya. Hindi ko na siya nilingon pa at pumasok na ako sa loob ng bahay. Letse siya! Nakakahiya ako! Magnanakaw siya ng halik! At ako naman itong baliw na namula?!

"O nagaalburoto ka?" tanong ni Joshua pagkapasok ko. Nasa may sala siya at nanunuod ng TV. Tulog na siguro si Mama at Papa sa kanilang kwarto.

"Wala. Matulog ka na rin." sabi ko at tyaka umakyat sa kwarto.

Balak ko sanang matulog kaso hindi ko alam kung bakit ganito at hindi ako dinadalaw ng antok. Nakaligo na naman ako at nakapambahay na...

Bumangon na lang ako para maghanap ng pampaantok kasi alam kong useless ang pagikot ko sa kama. Napagdesisyunan kong galawin na lang ang mga gamit ko at ayusin dahil medyo magulo pa ang kwarto ko. Matagal ko rin kasing hindi nagalaw ito lalo na at ilang taon na ang nakalipas.

Sa pagaayos ko ng gamit ay bumungad sa akin ang album namin ni Kailer. Binuklat ko ito at hindi ko maiwasang mapangiti sa mga alaala roon sa picture lalo na nung bungal pa kami pareho. Kadiri lang talaga!

***

"Anak? Gising- oww... your pictures with him?" Nabigla ako kay Mama at pagtingin ko sa sarili ko ay nakasandal ako sa kama habang hawak ang album namin ni Kailer. Nakatulog yata ako habang tumitingin ng pictures! Agad ko itong niligpit habang papasok naman si Mama. Naupo siya sa dulo ng kama at ganun din ang ginawa ko. "Do you still love him?"

Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa tanong na 'yon. I'm scared? Saan? Sa salitang pag-ibig ba?

Imbes na makasagot ako ay pinangunahan na niya ako. "Alam mo naman na we want what's best for you 'nak noon pa man and we also want you to be happy. Kung kami ang tatanungin ng papa mo ngayon? We want Tyron for you. Aren't you old enough to marry someone? Why not choose him and finally settle down?" Bakit ba hindi pa rin kami ni Tyron kahit na may nararamdaman naman ako sa kanya? Bakit ba kahit na siya 'yung nagpapasaya sa akin at si Kailer ang may dala ng lahat ng sakit ay hindi ko pa rin siya mapili?

I hate this feeling... I am really bothered. I don't want to lose Tyron but still I don't know if my feelings are enough to be with him for a lifetime.


***

FOLLOW ME ON TWITTER! :) - @snoopyqueenwp

Who's your bet love team? #KaiMi or #TyMi

In love with Dashiell? #DashiellClydeRamirez

#TheGirlHeNeverLoved

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon