Chapter 46

5.9K 127 17
                                    

Chapter 46 || What I Feel

Kailer's POV

Umuwi ako sa bahay na hilong-hilo dahil sa naparami ang inom ko sa bar. Inihatid lang ako ng isa sa mga modelong lalaki kaya nakarating ako ng ligtas. Cyrish doesn't want me to drive my car.

Well, after everything that happened to us, she remained acting as my friend. Why did I forgive her? Well, she asked for my forgiveness. She was very sincere and I learned why she's acting that way. Alam kong napakalaki ng kasalanan niya kaya matagal bago ko siya napatawad. Ngayong buwan nga lang ako pumayag na tumulong sa kanila sa agency. Since it's purely business, ayokong masayang ang perang ipinasok ko para maging posible ang pagpapatayo roon.

Nagpunta ako sa may kusina imbes na umakyat na sa kwarto. Gabing-gabi na kaya alam kong tulog na si Ate at ang parents namin.

Iniyukyok ko ang mukha ko sa lamesa nang dumiretso ako sa dining room. Kumuha rin ako ng tubig at uminom para mahimasmasan. Parang may nakabara sa loob ng lalamunan ko na ang hirap maalis. I don't know what's wrong with me pero ang makita si Mikka na lumalayo sa akin ay masakit. Sobrang sakit na pakiramdam ko kanina gusto kong inumin lahat ng alak para makalimot. Gusto kong manuntok nang kahit na sino nang makita kong may sinamahan siyang lalaki. I really want to follow her but realization struck me...

She hates me. I don't own her. I am a jerk who accused her. I caused her so much pain. We lost our child because of me. I should be in hell.

Who am I to beg her? Who am I to ask her not to be with that man and rather stay with me? I know everyone hates me because of what I did in the past and I hate myself too.

Sh*t... Why am I like this?!

"Hindi e. I have to talk to your brother Danica!" Narinig ko na naman ang boses ni Mama. Kausap niya si Ate malamang... They've been acting like this since Mikka left. They said I'm acting strange since then. Alam ko pero hindi ko maintindihan ang dahilan. Nung una akala ko dahil kay Cyrish, I got hurt because I did love her but I really don't care about her now... That's so weird.

"Shh Mama, hayaan mo na lang si Kailer. He's already old enough to take care of himself."

"But Dashiell will be here for one week! Gosh! He should think straight! He's always crying, drinking at masakit sa akin 'yon!" I forgave everyone around me except myself. I still blame myself every day. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nila akong dinala sa ospital sa nakalipas na tatlong taon. Kung hindi dahil sa napaaway ay nasasaktan ko ang sarili ko lalo na kapag lasing.

Wala na akong narinig pa mula sa usapan nila pero narinig ko ang pagkalabog ng pinto. Maya-maya ay may tumabi na sa akin. Si Ate.

"What happened?" nakita ko ang mga mata niya na awang-awa sa akin. Yes I know they'll look at me like this. Para na akong baliw. I'm not myself anymore. I'm not who I used to be. "Stop crying!" pinunasan ko ang lumandas na luha sa pisngi ko at pinasadahan ko ng kamay ang buhok ko.

Tapat ako kay Ate noon pa man kaya hindi ko balak itago ang nangyari sa bar. "I saw Mikka." Nakita ko ang nanlalaki niyang mga mata. Uminom siya ng tubig bago nagsalita.

"What?! Where? What did you say?" sunod-sunod na tanong niya sa akin na halatang hindi makapaniwala. Ako man ay hindi makapaniwala kaya alam kong ito ang kanyang magiging reaksyon.

"Sa bar..."

"Nagkausap na ba kayo?"

"I can't even remember what I said." Huminto ako at huminga ng malalim. "I just want to ask you Ate..." Nagintay siya sa sasabihin ko. "Why do I miss her so bad? Why do I want to make her stay, hug her, own her... why do I badly want her in my life? Is it because she's my friend or-"

"You love her Kailer. You love her."

Tumikhim ako sandali.

"Pero hindi ba si Cyrish-"

"You thought you love Cyrish for 10 years and wow, nagkamali ka Kailer. I know because you look at Mikka in a different way. In a very special way. Maybe you did love Cyrish but not as much as you love Mikka. There are sudden changes that happened. You got fooled by your own self. You choose Cyrish all the time because your mind said so but you never actually want to follow your heart..."

"Pero-"

"Kailangan pa bang mawala ng tao para malaman mo kung gaano siya kahalaga sa 'yo?"

"But don't you think I'm just guilty... or I just miss our friendship... or-"

"Stop thinking about reasons Kailer. It's time you open your heart. Ikaw lang ang makakasagot sa tanong mo. Hindi ako ikaw e. Ask yourself, kaya mo bang makita si Mikka na nasasaktan? Umiiyak? Kaya mo bang makita siya na inaakap at hinahalikan ng iba? Kaya mo ba siyang makita sa harap ng altar kasama ang ibang lalaki... kinakasal? Kaya mo ba siyang makita na masaya sa sarili niyang pamilya?" I frowned. NO. No way. I can't take seeing her in all those situations. Maybe I let her date other guys but actually deep inside, for me no one is good enough to own her. Nabalik ang atensyon ko kay Ate dahil sa pagngiti niya. "If you love her, alam mo naman na boto kaming lahat sa kanya. She's your girl who got away huh? Ikaw na bahala sa mga the moves mo. Man up Mr. Ramirez."

I love her. I love Mikka. She's not just a friend. She's the girl I truly love...

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon