Chapter 29

5.1K 99 10
                                    

Chapter 29 || Make Him

Mikkaella's POV

I had a really nice dream at ngayon paggising ko, I must say it's better than staying asleep. Ang lapit kasi ng mukha ni Kailer sa akin. Ang amo ng mukha niya. Tulog naman siya kaya marahan kong idinikit ang labi ko sa mapula niyang labi. Mabilis lang dahil baka magising ko siya. Pinigilan kong makagawa ng ingay kahit na kinikilig na talaga ako ng sobra at lahat yata ng laman loob ko nagwawala na.

Parang nakulangan ako kaya napanguso ako at napahawak sa labi ko. Isa na lang. Hindi naman siguro masama? Lumapit ulit ako at mas tinagalan ko ang paghagkan sa kanya. Hihi.

Nang mapansin ko ang paggalaw ng mata niya na parang didilat na siya ay pumikit ako ulit. Nagkunwari akong tulog tapos ilang saglit lang naramdaman ko ang paghaplos niya sa mukha ko. Parang may alupihan ata sa tyan ko. Hay! Aalis na yata siya dahil naramdaman kong inaalis niya ang braso na hinihigaan ko pero ayoko pa!

Inakap ko siya nang nakapikit pa rin. Akala naman niya tulog ako 'diba? Hinigpitan ko at pinagmukha ko siyang unan. Damang-dama ko 'yung abdominal muscles niya kahit na may T-shirt pa siyang suot. Nag-init tuloy ang pinsgi ko.

"M-Mikka?" Stuttering? Hinigpitan ko pa lalo. Please, I want to make him love me too. Not as a friend but as his future wife. "Mikka uhmm wake-up?" Ramdam ko 'yung panginginig sa boses niya. Ang bango niya!

Ang sarap magkasakit lalo na at ganito. Noon ay kahit na takot ako sa sakit ay nakakayanan ko lalo na't isa si kailer sa mga taong nananatili sa tabi ko.

"Kailer-oops!" Napadilat ako dahil sa ibang boses na narinig ko. Lumabas agad ang ate ni Kailer! I'm sure pulang-pula ako gaya ni Kailer ngayon. Hay! Nung una Mama niya at ngayon Ate naman niya!

Nagakatinginan kami tapos nakita kong nakayakap pa rin pala ako sa kanya. Ngumisi ako then he smirked bago ako nahihiyang humiwalay.

"Bad girl. Sabi ko na nga ba pinagnanasaan mo ako e." He joked at tumawa siya. Napangiti na lang ako dahil totoo! Haha. Kung alam mo lang Kailer. Kung alam mo lang talaga! Napanaginipan kita kagabi tapos super cheesy talaga natin doon! HAHA! Buti pa sa panaginip ay may perfect date tayo!

Bumangon na kami tapos bumaba. Sinalubong kami ng nakakalokong tingin ng Ate ni Kailer tapos mukhang may alam din si Tita at Tito kasi iba rin 'yung ngiti nila.

"Goodmorning iha, uhmm breakfast muna bago ka ihatid ni Kailer ok?" malambing na sabi ni Tita at tumango ako.

"Tikman mo ang pandesal ni Kai este pandesal sa lamesa." sabi ng Ate ni Kailer habang natatawa. Nahiya tuloy ako lalo! Kung pwede lang ate! Haha!

"Kamusta na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Kailer nang makaupo kami.

"O-Okay na naman." Nailang ako sa titig niya pero hindi ako makaiwas ng tingin. Parang may gayuma siyang ginamit sa akin at ganito ako sa kanya. Pakiramdam ko tumigil ang oras... napatitig ako sa labi niya.

"Ehem.. Ehem..." Si Tito 'yun tapos mahinang tumawa ang ibang nasa lamesa. Parang kamatis na siguro ang pisngi ko! "Mas matamis pa kayo sa pancake sa lamesa." biro ni Tito at napangisi na lang ako. Natahimik lang si Kailer. Siya na lang kasi talaga ang kulang at solve na solve na ang lahat.

Maayos na naman ang pakiramdam ko. Mabuti hindi na nagtagal ang lagnat ko. Nakatulong ata ang pagyakap niya sa akin kagabi. Hay! Sana may sakit na lang ako lagi 'diba? Hehe. Kaso ang bad ko naman sa sarili ko nun at magagalit ang parents ko sa 'kin.

Nang makapagumagahan na kami, nagpaalam kami tapos sumakay na ng kotse ni Kailer para maihatid niya ako.

Tahimik lang kami sa buong byahe pero bago ako bumaba ay may naisip ako. "Uy mamayang gabi busy ka ba? Let's have some fun?" aya ko sabay ngiti. Pinalitaw ko talaga ang cheekbones ko para hindi niya ako matanggihan.

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon