Chapter 27

4.7K 94 11
                                    

Chapter 27 || Still Fighting

Mikkaella's POV

I didn't know there'll be a day like this for us. Akala ko nang hindi naging perfect ang trip namin sa Tagaytay ay wala na akong pag-asa pero mukhang mali ako.

After eating at their restaurant ay sa kanila kami dumiretso para magswimming. I can't believe nagboxer na naman siya sa harapan ko! Oo dati nung mga bata kami ay ganyan na siya pero sa Tagaytay at ngayon? Shocks! Hindi ba niya makita na I'm shy about it? Hindi ko naman ito natingnan nung may mangyari sa amin... Ang init tuloy ng pisngi ko. Lalo na at masasabi ko talagang walang binatbat ang mga katawan ng modelong lalaking nakita ko sa katawan ni Kailer. I can't believe I get to see it this close!

"Paano kung may babaeng matagal na palang may gusto sa 'yo? Kasingtagal ng pagkakagusto mo kay Cyrish, may pag-asa ba siya sa 'yo?" I seriously asked him. I want to know if I have a chance. Kahit maliit lang.

"Sino naman siya?"

"I asked you first e! Paano nga?"

"Hmmm." Nakita ko na parang nagisip siya pero biglang dumating ang twalya at bathrobe namin. "Lapit ka dali." Lumapit nga ako at pinunasan niya ang buhok ko. Gaya dati ay mabilis na naman ang pintig ng puso ko. He's so close to me and I can feel him breathing.

"A-Ano?" tanong ko ulit bago napalunok dahil sa ginagawa niya.

"Yes, may chance naman pero kaunti lang. Kasi mas gusto ko 'yung mahal ko kaysa ako ang mahal e." sagot niya kaya medyo nalungkot ako. Well, at least I have a chance right?

***

Napaisip tuloy ako. Ako ba? Gusto ko ba talaga na ang piliin 'yung mahal ko? O 'yung mahal ako? Ngayon kasi ang pinili ko ay 'yung mahal ko. Tama ba ako ng pinili or mas deserving 'yung lalaking magmamahal sa akin kung darating man ang panahon na 'yon?

Napalingon ako sa likod ko bigla at nagulat talaga dahil sa lapit ng mukha namin ni Kailer. Magkadikit ang labi namin and... and... Ugh! I don't know what I was thinking just a while ago. Sino ako? Nasaan ako? Binura niya sa isip ko! What did he just do?

Imbes na makita niya na naapektuhan ako sa nangyari ay nakipagharutan na lang ako sa kanya at nakipaghabulan. Maybe I'm just really happy dahil parang nakikita ko na may epekto ako sa kanya and he's starting to see me as girl. Alam ko dahil nababasa ko sa mga tingin at kilos niya lately.

"Galing mo." sabi niya at nasa ibabaw niya ako. Naghuhurumentado na ang puso ko dahil sa itsura namin ngayon. We're wet look!

"May tanong ako sa 'yo." hinihingal na sinabi ko. Wag naman sana akong atakihin ng hika ngayon.

"What?" He looked amused at me. Pero pilit niya itong pinalitan ng ngiti lang.

"Don't you ever think that you might be falling for me?" umangat ang magkabilang gilid ng labi ko. Napaawang ang labi niya sa tanong ko.

"B-Bakit mo naman natanong?" Hindi pa rin ako umaalis sa ibabaw niya. Maybe it's awkward for him pero iyon ang dapat talaga niyang maramdaman. He has to feel my presence.

"Kasi gusto kong malaman."

"If I say yes?"

"Edi wow." natatawang sagot ko kahit na parang lalabas na sa dibdib ko ang puso ko para magtatatalon at magsasasayaw kung sakaling sabihin niyang nahuhulog na nga siya.

"If I say no?" nagtaas siya ng kilay na parang naghahamon. "You know your cousin and-"

"I'll make you fall?" patanong na sagot ko, not minding what he was about to say regarding my b*tch cousin.

Natawa siya na parang nagbibiro ako kaya nilapit ko ang mukha ko sa kanya. He gulped. "M-Mikka..." I like the sound of his voice...

"H-Hmmm?" mapangakit ko siyang tiningnan. Shocks! I don't know what I'm doing right now on top of him. Do I look seductive? Am I doing it right? Is this enough?

"Mabigat ka." sabi niya pero hindi ako nagpatinag. Paraan niya lang 'to para umalis ako sa ibabaw niya at matakasan niya ako!

"Really?" Hinayaan ko ang sarili ko sa ibabaw niya. Inihiga ko ang ulo ko sa dibdib niya. Mas mabigat ako ngayon malamang dahil nakahiga na talaga ako sa ibabaw niya. I heard his heartbeat. Bakit kagaya ng akin ay mabilis din ito? I smiled at the realization. Baka nga nahuhulog na siya sa akin.

"Si Cyrish-"

"Paano kung wala siya?" mabilis na tanong ko. "Ako ba ang babaeng mahal mo ngayon?"

"What about the guy you like? Mikka this is not right-"

"This is right." Tiningnan ko ulit siya sa mata at nakita ko na naguguluhan na siya. Hinalikan ko siya sa pisngi... slowly planting small kisses hanggang sa baba niya pero hindi ko pa hinahalikan ang labi niya. I really want to tease him. Balak ko siyang tingnan muli pero hindi na ako nakapagangat ng tingin dahil sa bigla niyang pinagpalit ang pusisyon namin. Now he's on top of me at nakatitig siya sa labi ko like he's mad or something.

"What are you trying to do to me?" He asked huskily bago niya inangkin ang labi ko na kanina pa nagaantay sa kanya. He deepen our kiss na para bang ayaw na niyang tumigil pa. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya habang ang kamay niya ay kung saan-saan napupunta. Grabe ang sensasyong nararamdaman ko ngayon lalo na nang pinadausdos niya ang kanyang kamay sa loob ng bathrobe ko.

"Uhmm.. Kailer..." I want to ask him if he's already in love with me... "K-Kailer-"

"Anak-oops!" Halos itulak ko si Kailer dahil sa boses ni Tita na narinig ko nang bumukas ang pintuan. Inayos ko ang suot ko at nanlaki ang mga mata ko sa sobrang hiya. "Ay sorry nakakaistorbo ata ako." Nagpeace sign ang Mama niya at hindi na ako nakatinging muli kay Kailer kahit na iniwan na kami nito. Dammit! Nakakahiya kay Tita kung ano man ang naabutan niya sa amin ni Kailer!

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon