Chapter 52

5K 95 26
                                    

Chapter 52 || I Love You

Kailer's POV

Pakiramdam ko gumuho na naman ang mundong pilit kong binubuo. Ako ang may kasalanan dahil hinayaan ko. Binaliwala ko si Mikka noon kaya nasaktan ko siya ng sobra. Alam kong hindi magagawa ng simpleng sorry na mapatawad niya ako pero hindi ako susuko...

Nandito pa rin ako sa resort hanggang ngayon. Hindi ko sinasagot ang mga text at tawag sa agency dahil may mas mahalaga akong iniintindi rito. Pakiramdam ko buhay ko ang nakataya kaya kailangan kong ibigay ang lahat-lahat.

"May fireworks display daw 'diba?" Nandito ako sa may lobby at narinig kong nagsalita si Mikka. Nagbabasa ako ng dyaryo kaya iniharang ko ito sa akin at sinilip ko lang siya. Sinigurado kong hindi niya ako makikita dahil ayokong lumayo siya.

Kasama niya 'yung tatlong lalaki. Si Tyron ang pinakatumatak sa akin lalo na at nakita ko kung gaano sila kalapit ni Mikka. Sila na kaya? Sana hindi. Sana close lang talaga sila kaya ganun sila.

Umakbay bigla 'yung isang lalaki sa kanya at inamoy pa ang kanyang buhok habang hawak naman ni Tyron ang kamay niya. Tumikhim ako. Bakit ganun sila kay Mikka?!

"Nood tayo ng sabay-sabay mamaya." sabi ni Tyron at aba ngumiti pa. Tanggalin ko lahat ng ngipin mo e. Tss.

Naglakad na sila papunta sa dining hall dahil tanghalian na. Kanina ko pa sila inaantay kaya baka natagalan sila sa paggising. Sumunod na rin ako at tiningnan ko kung saan sila pumwesto.

Nang makita ko na sila ay sumabay ako kay Mikka nang pumunta siya sa food section. Sinabayan ko ang pagkuha niya ng pagkain kahit na nasa unahan niya 'yung tatlong lalaki.

Abala si Mikka sa pagkuha ng pagkain kaya naman hindi niya ako pansin. Nagtaka ako dahil sa puro gulay ang kinukuha niya. Mahilig siya sa taba dati a? Ayaw nga niya ng gulay noon pero ano ngayon 'to? Naging kambing na ba siya bigla at puro damo ang kinukuha niya?

Hindi na ako nakatiis at nilagyan ko ng grilled porkchop ang plato niya. Naagaw ko ang pansin niya at napatingin siya sa akin. Agad kumunot ang noo niya. Binalik niya sa pinagkuhanan ko 'yung nilagay ko.

Nilagay ko ulit. Dalawa pa. "What are you doing?" iritadong tanong niya. Nauna na tuloy sa kanya ang mga kasama niya. Good. Ngayon masosolo ko siya.

"I know you love eating meat." sabi ko at nagtaas siya ng kilay.

"I loved eating meat. Mr. Ramirez, change is constant." At tinanggal niya ulit ang mga nilagay ko. Natigilan ulit siya dahil sa binalik ko ang mga 'yon.

"Bakit ayaw mo na ngayon?" Tinitigan ko siya at hindi makafocus ang mga mata niya. Is she intimidated or something?

"It's bad for me." malamig na sagot niya. There she stared at me.

Natahimik ako at parang sinampal ng malakas. Hinayaan ko siyang alisin na ang mga nilagay ko at nagpatuloy siya sa pagkuha ng pagkain.

Am I bad for her too?

Sh*t... It's not as if I'm a meat.

***

Hindi na ako muling nakalapit kay Mikka dahil bantay sarado siya nung tatlong lalaking kasama niya. Ang tanging nagawa ko ay maupo sa buhangin, pagmasdan sila at magngitngit sa inis.

Ngayon nakita ko at naging malinaw sa akin na sobrang close ni Mikka sa tatlong lalaking 'yon. Kahit ang FB account niya ay puno ng posts tungkol sa kanila. Nabasa ko pa ang mga comment

OMG! Boys mo? HAHAHA Share!

Love them!

Geez! Kainggit ka Mikka haba ng hair!

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon