Chapter 37

5.6K 118 11
                                    

Chapter 37 || Tyron Han

Mikkaella's POV

Nang imulat ko ang mga mata ko ay naamoy ko na naman ang amoy ng ospital. Akala ko pa nung una ay wala na ako rito sa mundo at kung nasaang malayo na dahil sa puti ang unang kulay na nakita ko. I guess I'm wrong. May tumulak sa akin kaya siguro hindi pa ako nagkapira-piraso ngayon.

"Mikka?" That same voice I heard last night. Tiningnan ko ng mabuti ang lalaking nakaupo sa tabi ng higaan ko.

"T-Tyron?" medyo hirap pa akong magsalita. Masakit ang buong katawan ko. Pakiramdam ko para akong binugbog. "You.. you saved me?" He showed up again.

Tumango siya. "I'm glad I was there. Nakita kitang nakasalampak sa kalsada at malapit ka nang masagasaan." sabi niya at napansin kong may kaunti siyang galos sa braso. Siguro ay dahil iyon sa pagligtas niya sa akin.

"T-Thank you... pero sana hinayaan mo na lang." malamig na sagot ko. I thought it's my fate to die anyway.

"No! Ano bang nangyari sa 'yo at ganyan ka mag-isip? Don't you care about your baby?!" Aniya at galit siya. Nagsalubong ang kilay niya at umigting ang kanyang panga. Mas lalong nadepina ang mukha niya.

Baby? Wait. Yes... Anong nangyari sa baby ko?

Napahawak ako sa tyan ko at tumulo ang luha sa gilid ng mga mata ko. "Nandito pa ba siya?" tanong ko. I gasped in fear. I don't care about myself but I care about my baby so much.

"I heard from the doctor that you have a baby. The baby's struggling too. Humina raw ang kapit nito and so you need to stay strong kung ayaw mong may mangyaring masama sa anak mo. Stop being too emotional. Now tell me anything, everything. I can keep secrets." sabi niya at nakita ko sa mga mata niya ang sinseridad. Siya naman ang nagbigay ng pag-asa sa akin na magkaroon ng pangalawang buhay kaya palagay ko hindi naman masama kung malalaman niya ang tungkol sa pinagdadaanan ko. I think we're no strangers after all. Ilang ulit na kaming nagkita and finally ay mas gumaan ang loob ko sa kanya. Isa pa ay palagay ko kailangan kong mailabas 'to...

"You okay?"

"You know I'm not."

I slowly told him my story. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa nararamdaman ko para kay Kailer at ang nararamdaman naman nito para sa pinsan kong si Cyrish. Tahimik lang siya habang nakikinig na parang inaabsorb niya bawat salitang lumalabas sa bibig ko. Nasabi ko sa kanya ang rason ko na may iba ngang lalaki si Cyrish.

"He's stupid because he doesn't realize how you genuinely love him." Hinaplos niya ang buhok ko. I felt secured for no reason.

"And guess what? You'll think I'm crazy kung itutuloy ko pa ang kwento ko." I want to tell him about my past life. I really do. Pero nakakatakot dahil baka hindi niya ako paniwalaan at pagtawanan lang niya.

"Then go on. Try me." sabi niya at ngumisi.

Well, itinuloy ko ang pagkukwento ko tungkol kay Cristina, Fernando at Rosa. Sinabi ko rin ang mga panaginip ko. Hindi siya tumawa o nagpakita na gusto na niyang umalis at wag makinig sa akin. Tahimik pa rin siya at para bang mas ninanamnam bawat salitang binibitawan ko.

Itinuloy ko pa ang pagkukwento hanggang sa marating namin ang nangyari kagabi. Muntikan na naman akong maiyak...

"So?" tanong ko pagkatapos huminga ng malalim.

"So..." He smiled before he continued. "Kahit naman saan natin tingnan, all I can see is that you deserve someone who can love you back. You're not supposed to beg for it. Ang isang gaya mo, dapat minamahal ng walang kahati, walang pagaalinlangan. But if you really want his love, get it. Pero wag naman sana sa puntong makakalimutan mo nang mahalin ang sarili mo." He's so mature. Hindi ko alam na ganito siyang mag-isip. Just like my parents. "Learn to love yourself first before wanting the idea of other people loving you."

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon