Chapter 32: Narda n'yo nambabakod

Start bij het begin
                                    

Hinuli n'ya ang kamay nito and intertwined it with hers.

"I'm ready, love. Matagal na. Papatunayan ko sa inyo ni Dare na karapat-dapat akong maging daddy ng pamilyang 'to. Sa lahat ng aspeto ha? Hindi lang sa kama." Bulong n'ya dito.

"Narda!" Kita n'ya ang pamumula nito.

"Ang bilis naman pakiligin ng misis ko. Mukhang nagugustuhan ko na ang bakasyong 'to wala pa man."

"Heh! Magcheck-in ka na nga. Kung ano-ano pa ang pinagsasabi mo d'yan."

_____________

Wala namang naging aberya sa 3 and half hours nilang byahe mula Manila hangang Hanoi.

They then took a bus from the airport and ride a train hanggang sa makarating sa rural community na sabi ni Regina ay doon ipinanganak at lumaki si Dare.

"Halos walang pinagkaiba sa probinsya sa Pinas." Nilanghap ni Narda ang sariwa at banayad na hangin na dumadampi sa balat n'ya.

"Yeah. But I have to leave Dare most of the time kay tita Mai habang nagtatrabaho ako sa restobar sa umaga bilang cashier/waitress at lounge singer naman sa gabi."

"Halos hindi ka na nagpapahinga, love." Naawa naman s'ya dito.

Umiling lang si Regina at ngumiti. "For Dare walang mahirap, walang nakakapagod. Everything is worth it."

"Dada, please put me down." Untag ni Dare na kanina pa pala n'ya karga-karga dahil nakatulog na sa byahe. Nagising na pala ito ng hindi nila namamalayan.

Kaagad itong tumakbo papunta sa isang bungalow hindi kalayuan sa gilid ng daan.

"Hali ka na, Narda."

Hinawakan nito ang free hand n'ya habang kapwa nila hila ang kanya-kanyang maleta sa kabilang kamay.

"I'm glad I can hold your hand freely here."

Napatingin s'ya dito pero ni hindi manlang s'ya nito nilingon at diretso lang naglalakad papunta sa bahay.

Mas hinigpitan n'ya pa ang pagkakahawak sa kamay nito. "Ako rin, love. Ako rin."

Maya-maya ay sinalubong sila ng dalawang tao. Isang lalaking nasa 20's palang yata ang edad at isang babaeng nasa mid-50's na rin yata.

"Regina, bumalik nga talaga kayo! Akala ko sa guni-guni ko lang naririnig ang boses ni Dare. Andito nga talaga kayo."

Bago pa man makasagot ni Regina sa matandang babae ay kaagad na itong niyakap ng lalaking katabi nito na inilang hakbang lang ang pagitan nito at ni Regina.

Nakamasid lang si Narda sa dalawa habang pinag-aaralan ang lalaki.

"Hmmm! Gwapo sana, may dimples pa, matangkad rin, epal nga lang."

Tumikhim s'ya. Nakita naman n'yang bahagya itong itinulak ni Regina.

Curious din s'ya na tinitigan ng lalaki.

"Ah, tita Mai, Jameson, si Narda nga pala."

"Asawa ni Regina." Pakilala n'ya sabay hapit sa bewang nito palapit sa kanya.

Nakangiti n'yang inilahad ang kamay sa dalawa.

Inabot din agad ito ni tita Mai habang nakangiti. "Tita Mai nalang din ang itawag mo sa akin, Narda. Natutuwa akong makilala ka."

"A-asawa?" Confused na tanong ng lalaki na wala yatang balak abutin ang kamay n'ya.

"Yeah! She's my dada, tito Jameson." Sabad ni Dare sabay yakap sa legs n'ya. Ginulo naman n'ya ang buhok nito.

"Oh s'ya ituloy nalang natin ang kwentuhan sa loob. Sigurado akong pagod kayo sa byahe. Magpahinga muna kayo at ihahanda ko lang ang hapunan."

"Akin na ang maleta n'yo, Regina."

Aabutin din sana ng lalaki pati ang maleta n'ya ng pigilan n'ya ito. "I can manage. Jameson, right?"

Tumango naman ito. "Ihahanda ko rin ba ang kabilang kwarto, 'Nay?"

Tanong nito sa papasok na ng bahay na si tita Mai.

"No, James. Narda is staying in my room."

Nakita n'ya ang pagkalukot ng mukha ng binata sa narinig.

Binulungan n'ya si Regina. "Parang ayaw pa tayong pagtabihin sa pagtulog ah. May gusto ba sa'yo 'yan?"

"Sira! Parang kapatid ko lang 'yang si Jameson, love. Huwag ka ngang malisyosa. Saka baka naninibago lang sa presence mo. Sanay kasi 'yan na kami lang ni Dare ang umuupa sa extra room dito sa bahay nila."

"As I can see it, may gusto s'ya sa'yo. Mukhang ikaw lang ang hindi nakakapansin."

"Are you jealous?" Regina grinned.

"What if I am?"

"Stop it, love. Wala lang talaga 'yan. Don't mind Jameson na. Ayokong masira ang bakasyon natin dahil d'yan sa pagseselos mo na 'yan."

Inakbayan n'ya si Regina saka hinalikan sa punong-tenga. Nakita naman n'yang napatingin si Jameson sa dako nila.

"May karapatan naman siguro akong magselos kasi girlfriend naman kita. Soon to be asawa na rin, 'di ba? Prepare yourself to scream and moan my name later. I want that Jameson to realize na akin ka lang, Regina. Hindi ka n'ya maaagaw sa akin, love. Hindi ako papayag."

"Narda?!"

AFTER THE MOVIEWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu