CHAPTER 25

134 9 0
                                    

***

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko sa kama, nang marinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Pinilit ko ang sarili kong tumayo mula sa pagkakahiga ko, kahit tinatamad pa akong tumayo. Mukha tuloy akong zombie maglakad. Psh!

"Baby? Tara na sa baba, naghanda na ako ng pagkain natin." pambungad agad ni mommy sakin.

"Mamaya na ako kakain mommy, inaantok pa kasi ako eh." nakanguso kong turan sa kanya.

"Per---" pigil niya.

"Sige po, mamaya na lang mommy." putol ko sa sasabihin pa sana niya. Naglakad na ulit ako pabalik sa kama ko, at nahiga muli. Alam kong nagulat si mommy sa inasal ko pero hindi ko na kinayang magsorry pa sa kanya, dahil nakatulog na ako ulit.

[After a few minutes]

*KRIIIIINNNGGGG*

"HELLO?! SINO 'TO?!" angil ko agad sa kausap ko sa phone. Nakakainis kasi! Eksena sa tulog ko! Nandun pa naman na ako sa part ng panaginip ko na sasabihin na ni Jungkook... na mahal niya na ako. Hihihi. Oo na, kahit sa panaginip kinikilig pa din talaga ako. Ganito ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig? Hmm... kailan kaya sasabihin ni boyfie ko na... mahal na niya ako? Psh!

[Why are you shouting?] tanong ng kausap ko mula sa kabilang linya. Kaboses niya si Jungkook... WAIT! Jungkook?! Jungkook?! Jungkook?! Jung---- Pagkarehistro ng pangalan niya sa utak ko, automatic na napaupo agad ako sa kama. Feeling ko nagising ang buong diwa ko...

[May kaaway ka ba?] tanong ulit nito mula sa kabilang linya. Halatang kagigising lang din nito, ang husky kasi ng boses nito... OMG! HUSKY? Saan ko ba nakuha yang word na 'yan? Psh...

"W-wala! Kakagising ko lang kasi." dahilan ko nalang.

[Ok.] maikling sagot nito. Mukhang hindi ito naniniwala sa dahilan ko.

"Bakit ka pala napatawag?" tanong ko sa kanya habang kinakagat kagat ko ang kuko ko sa daliri ko.

[Let's have a date.] sabi nito.

Halos manlaki naman ang mata ko sa narinig ko, dahilan para makagat ko ang daliri ko.

"OUCH!" malakas na daing ko.

Fvckingshit! Ang sakit! Kagagahan men!

[Fvck! What happen? Are you ok?] tanong nito sa malakas na tono pero alam kong nag-aalala lang siya sakin dahil ramdam ko 'yun Kikiligin na sana ako sa sinabi niya, kaso nang marealize ko lahat ng sinabi niya...

"Wag ka ngang magmura!" bulyaw ko sa kanya.

[Tss! Ano ba kasing nangyari at napaouch ka diyan?] mataray na tanong niya.

"Nakagat ko kasi yung daliri ko." nakapout kong sagot.

[And why the fvcking hell did you do that?] may bahid ng inis ang pagsasalita nito.

"Wag ka nga sabing magmura eh! Tss!" naiinis ko rin na turan sa kanya.

[Ok, let's have a deal.] mahinahon na ang boses nito.

"Ano naman deal 'yan?" curious na tanong ko.

[Let's say na pipilitin kong hindi na magmumura, kung hindi ka na makikipag-away at magsusungit... kahit kanino.] sabi niya.

"Nye? Hindi ko kaya..." mabilis kong tutol.

[Ok. Hindi ko din kayang hindi magmura.] turan nito.

The Bangtan Maknae Tears  [BTS-Jungkook]Onde histórias criam vida. Descubra agora