CHAPTER 12

164 14 3
                                    

** BTS Manager POV **

"Bangtan! Nabalitaan niyo na ba?" tanong ko sa kanilang pito nang makapasok ako ng dorm nila.

Tumingin naman sila sakin gamit ang inosente nilang mga mata.

"Bakit manager?" nagtatakang tanong ni Jungkook.

Umupo muna ko sa harapan nila bago nagsalita ulit.

"Balitang balita kasi sa social media ang ginawang pagsampal sayo ng isang babae sa CNA." paliwanag ko kau Jungkook.

"ANOOOOOO?" gulat na sigaw nilang lahat.

Kinuha ko ang tablet ko, at binuksan ang twitter ng BTS. May nakalagay kasing article na nakatag sa twitter account ng BTS.

Get revenge to the slut, bitch and whore who slap our hubby Jungkook.
~ Jungkookie's wives.

"Inupload mo ba yung video?" tanong ni Rap Mon habang nakatingin kay 4D.

"Hindi Leader. Promise!" sagot ni 4D habang nakataas pa ang kaliwang kamay nito, na para bang nagpapanatang makabayan lang siya.

"Kung hindi ikaw ang nag-upload nung video? Sino ang gumawa 'nun?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

Mukhang hindi din nila alam dahil hindi sila makasagot sa tanong ko.

Hmm... siguro may ibang nakakita nang sinampal nung babae si Jungkook, maliban sa kanila. Pero ito talaga ang gumugulo sa isip ko, 'bakit kaya sinampal nung babae si Jungkook?' Hindi naman kasi marunong gumawa ng masama 'yan si Jungkook, lalo na sa mga babae.

"Hindi kaya... may iba pang tao maliban sa atin doon? Tapos kumuha ng video para ipagkalat na sinampal nung babae ang Maknae natin?" hula ni J-Hobi.

"Maaaring ganun nga. Baka hindi niyo lang napansin na may iba pang taong nakakita sa inyo." pagsang-ayon ko kay J-Hobi.

Napansin kong napatiim-bagang ang Maknae habang hinahawakan nito ang kamao nito. Siguro nagagalit na ito dahil sa nangyayari.

"Fvck! Paano yan? Kawawa yung babae kapag nakita ng ARMYs yung video." naiinis na sabat naman ni Suga.

I know Suga, ayaw niyang nakakakita ng babaeng nasasaktan kahit na halatang playboy ito.

"Paniguradong susugurin talaga siya ng mga ARMY." nag-aalalang sabat naman ni Jin.

"Anong gagawin natin manager? Hyung?" tanong naman ni Jimin sakin at sa iba pa.

"Sa tingin ko kailangang tulungan mo Jungkook yung babae." suhestiyon ko.

Napatingin naman silang lahat sakin at sa Maknae nila.

"Bakit ako... manager?" naguguluhang tanong ni Jungkook.

"Gusto mo bang maulit yung nangyari kay Charlotte sa babaeng yun?" tanong ko sa kanya.

Natameme naman si Jungkook pati na din ang iba pang Bangtan, lalo na siya....... si 4D.

"Manager, anong tulong naman ang gagawin ni Jungkook para dun sa babae?" naguguluhan din na tanong ni Jin sakin.

Napansin ko naman na umalis si Jimin at pumuntang kusina.

"Si Rap Monster ang tanungin niyo." utos ko sa kanila sabay tingin sa Leader nila na prenteng nakaupo lang sa tabi ni Suga.

Alam kong kaya ni Rap Monster na gumawa at mag-isip ng paraan, para masolusyunan ang problema nila. Ano pa't ginawa ko siyang Leader ng grupo nila?!

Nag-isip nga ito, habang kami naman ay naghihintay lang ng sasabihin niya.

Bumalik naman na si Jimin habang may dalang baso at binigay nito sakin iyon. Nang tignan ko ang baso, may laman itong juice. Sa kanilang lahat, si Jimin ang pinakasweet at pinakamabait kahit hindi talaga halata sa kilos nito.

"Salamat Jiminie." turan ko.

Tumango lang si Jimin saka umupo ulit ito sa tabi ni Jungkook.

Nang sa wakas ay nagsimula ng magsalita si Rap Monster.

"Kelangan mo Jungkook na magkunwaring may relasyon kayo nung babae." simula ni Rap Mon habang seryosong nakatingin kay Jungkook.

Lahat naman sila ay nagulat, lalo na ang Maknae.

"Whaaattt? Ayoko Leader!" tutol ni Jungkook.

"Ako din! Tumututol!" tutol rin ni Jimin.

"At bakit ka naman tumututol Jiminie?" tanong ko kay Jimin.

"Manager, hindi pwedeng magkagirlfriend ang Maknae. Paano na kaming dalawa? Hindi ko kayang makitang may ibang kasama bukod sakin ang Maknae." madramang sabi nito habang nakahawak pa sa braso ni Jungkook.

"Nababakla ka na naman Jimin!" hiyaw ni 4D kay Jimin.

Gusto kong matawa sa kanila, kaso nagsalita ulit ang Leader nila.

"Mamaya na nga yang kalokohan niyo Jimin at V. Ano Jungkook papayag ka ba?" seryosong tanong ni Rap Mon.

"Per----" sabat ni Jungkook.

"Gawin mo na Jungkook." putol ko sa sasabihin nito.

Napatungo nalang si Jungkook. Dahil alam na alam nilang lahat na kapag ako nagsalita ay final na agad wala ng paligoy ligoy.

"So Rap Mon, bakit 'yun ng naisip mong paraan?" tanong ko ulit sa Leader nila.

"Dahil hindi natin mapipigilan ang mga fans mo Jungkook... ang maaaring gawin nalang natin ay kelangan niyong magpanggap nung babaeng sumampal sayo na may relasyon kayo, para kahit papaano ay umunti ang maaring mang-away doon sa babae." paliwanag ni Rap Mon.

"Leader... anong connect? Bakit kelangan nilang magpanggap? Tss. Baka nga mas awayin pa nila yung babae... kapag nalaman nilang may relasyon sila ng Maknae." tanong ni Jimin.

"Patapusin niyo muna ako Bangtan.... pag nalaman ng lahat na may relasyon silang dalawa, maaaring sabihin ni Jungkook na kaya lang siya nasampal nung babae ay dahil nagkaroon sila ng LQ dahil nga mag-on sila." paliwanag nito.

Napangiti naman ako sa mga paliwanag na sinabi nito. Hindi nga talaga ako nagkamali na piliin siyang maging Leader nila.

Hindi naman sa ayoko sa 'iba na sila ang maging Leader. Sadya lang talaga na pag nagsalita si Rap Monster, makukuha agad niya ang atensyon ng lahat.

"Leader, saan mo nalaman yung salitang LQ at mag-on?" inosenteng tanong ni 4D.

Tinignan lang siya ng masama ni Rap Monster.

"Hyung, paano kung ayaw pumayag nung babae sa pagpapanggap nilang may relasyon sila ni Jungkookie?" tanong ni Jimin.

"May tanong muna ko Bangtan." putol ko sa kanila.

"Bakit ka nga pala nasampal nung babae?" tanong ko kay Jungkook.

Napansin kong malalim na nag-isip si Jungkook bago nagsalita.

"Hindi ko din alam." sabi nito sa mahinang boses habang nakayuko lang ito.

Ininom ko muna ang juice sa baso na binigay sakin ni Jimin, bago ako nagsalita.

"Aalis na ko Bangtan! Pag-isipan mo Jungkook kung paano mo kakausapin yung babae para matulungan siya. Pero kung ayaw niyang pumayag na magkunwaring may relasyon kayo, edi hayaan mo na lang. Atleast nag-offer ka ng tulong na tinanggihan lang niya, kaya hindi na masama." nakangiti kong paalam sa kanila.

Hinatid naman nila kong lahat hanggang sa labas ng dorm nila.

"Ingat manager." sabay-sabay nilang sabi.

Tinanguan ko lang sila saka ako sumakay sa kotse ko.

The Bangtan Maknae Tears  [BTS-Jungkook]Where stories live. Discover now