CHAPTER 7

192 14 2
                                    

Author: Sixth, the oldest but the most handsome member of BTS . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . the Pink Princessssssssssssss JIN! ^_^ He is the perfect guy for everyone.

Jimin: Tss. Ms. Ateya, perfect din kaya ako. >.>

Suga & Heal: *Ehemmm!*

Jimin: Joke! Si Suga hyung talaga ang perfect guy for everyone at ako nam----

Author: For everyone? Tss. Sabi na nga ba nambabae pa din siya hanggang ngayon. Tss.

Suga: Hindi na kaya ba---

Jin: Mamaya niyo na nga ipagpatuloy ang paglalambingan niyo. Inip na inip na ko magkwento. ~.~

Author: Aye! Aye! Captain! ^_^7

** Kim Seok Jin Point of View **

*BAAAGGGG* *KABOOM* *BLAG* *BLAG* *BOOOGGGSSSHHHHH*

"GO BANGTAN!" sigaw ng mga tao sa paligid namin habang binubugbog namin yung limang lalaki na binubugbog kanina ng Maknae namin.

Four VS. Five /e Jin&Jimin&J-Hope&RapMonster VS. Five.

Tig-isa kami ng kalaban ni J-Hope at Jimin, samantalang dalawa naman ang kalaban ni Rap Mon.

Hindi na namin binalak na isali pa si V sa away dahil baka kung anu-ano na naman paggagawin nito sa binubugbog nito. Katulad nalang dati... halos mamatay na yung lalaking binugbog nito, hindi dahil sa sapak at suntok niya kundi dahil sa kakatawa. -_-"

"Hyung! Try this!" seryosong sabi ni V habang inaabot ang bote ng beer sakin.

Tss. Ako na naman ang kinulit ng Alien na 'to.

"Anong gagawin ko dito?" nagtatakang tanong ko sa kanya sabay suntok ulit sa lalaking binubugbog ko.

"Try mo lunukin hyung. Masarap yan, promise." sarkastikong sabi nito.

Aabutin ko na sana yung boteng inaabot nito upang ibato, hindi dito sa lalaking binubugbog ko kundi kay V kaso biglang nagsalita na si Rap Mon.

"Tama na yan Bangtan!" sigaw ni Rap Mon kaya naman huminto na kami.

"Hyung! Hindi pa ko namamawis eh." nanghihinayang na sabi ni Jimin samin.

Naglabas lang ng lilibuhing pera si Leader sa wallet nito sabay tapon sa mukha ng limang lalaking binugbog namin.

"Walang makakalabas tungkol sa nangyari ngayon kundi... alam niyo na ang mangyayari sa inyo." seryosong sabi ni Leader sa mga lalaking binugbog namin.

Psh. Pag nalaman ni omma na nakipagbasag-ulo ako paniguradong papauwiin agad ako nun sa Bangtan Residence.

"ANO! NAGKAKAINTINDIHAN BA TAYO?" naiinis na sigaw ni Rap Monster nang hindi sila sumagot.

Kinilabutan naman ako sa paraan ng pagsigaw ni Rap Mon, ganundin siguro ang naramdaman nila J-Hope dahil nagulat din sila. Tapos si V naman ay todo kapit sa braso ko.

"O-opo." natatakot na sagot nung mga lalaki.

"Good. Tara na Bangtan!" aya ni Leader.

"Thanks sa warm-up. Sa uulitin huh?" nakangising sabi ni Jimin sa lima bago naglakad.

"KYAAAAHHH! ANG HOT TALAGA NILA!" tili nung apat na babae mula sa gilid namin.

Nginitian lang namin sila bago kami naglakad paalis, kaya naman halos mangisay sila sa kilig. Psh.

Nang nasa may exit door na kami ng bar....

"Hyung nasan si V?" nagtatakang tanong ni Jimin samin.

"Diba kasunod lang natin?" tanong ko rin.

"Oo nga." sang-ayon ni Jimin.

"Fvck! Ayon si V ohh!" sigaw ni J-Hope kaya tinignan naman namin kung saan ito nakatingin.

Nakita kong nandun pa din si V sa lugar kung saan naiwan yung limang binugbog namin. Binalikan 'ata nito yung binubugbog ko kanina.

At alam niyo ba kung ano pang ginagawa niya dun? Tss. Dinudutdot lang naman niya yung bote ng beer sa bunganga nung lalaki.

Bigla tuloy kaming napabalik baka kasi pagtulungan siya ng limang lalaki dahil nakakatayo na yung iba sa kanila.

"Ano pang ginagawa mo diyan V? Tapos na. Tara na." sigaw ko habang lumalapit sa kanya.

"Hindi hyung! Hindi pa tapos." iiling-iling na sabi nito.

"At bakit naman?" nagtatakang tanong ni Rap Mon.

"Ipapalunok ko pa tong bote, Leader." sagot nito.

"DALI! LUNOK NA!" sigaw nito sa lalaki sabay dutdot ng bote sa bibig nito. Umiiling-iling yung lalaki pero halatang natatakot na ito.

"AYAW MO HUH?!" tanong nito sa nakakatakot na tono pero umiling-iling lang ulit yung lalaki.

Akala ko nga ibabato na nito yung bote dun sa lalaki pero.......

"EDI WAG!" galit na sigaw ni V sabay baba ng bote sa tabi nung lalaki.

Tumayo na ito pero biglang huminto ulit at humarap ulit sa lalaki.

"AYAW MO BA TALAGANG LUNUKIN HUH?!" tanong nito sa mas nakakatakot na boses pero umiling lang yung lalaki ulit nang ipilit niyang idutdot ulit ang bote ng beer sa nguso ng lalaki.

"Tss. Wag pilitin ang ayaw baka pumayag." sabi ni V sabay lakad paalis.

Me&Jimin&J-Hope&Leader: >_

"Tara na hyung! Ano pa hinihintay niyo!? Pasko o Bagong taon?" tanong nito sabay lakad na ulit.

Napabuntong hininga nalang kami apat habang sinusundan siya maglakad.

[Fast Forward]

At Bangtan Dorm.

"Suga, anong bang nangyari? Bakit naging ganun ang Maknae natin kanina?" tanong ko kay Suga nang makarating kami sa dorm namin.

"I think naungkat na naman yung aksidenteng nangyari dati." naiiritang sagot nito. Knowing Suga, ayaw na ayaw niyang tinatanong ng kung ano-ano dahil hindi ito magaling magdahilan kaya naman laging iritado ito kapag tinatanong.

"Dapat kasi binantayan natin si Jungkook." galit na saad ni J-Hope.

"Wag na tayong magalit Bangtan, dahil nangyari na. Ang mabuti pa ay wag niyo ng ikwento ang nangyari ngayon kay Jungkook bukas para hindi na ito magwala ulit. Maliwanag ba Bangtan?" tanong ni Rap Monster.

Lahat naman kami ay nagsisang-ayon, dahil wala rin naman kaming mapapala kung mag-aaway-away lang kaming anim.

** End of Jin's POV **

Author's note: Ok. Kunting kembot nalang, magsisimula na ang tunay na konsepto ng aking kwento. Makata ba ang peg? Choooriii po! ^_^V

The Bangtan Maknae Tears  [BTS-Jungkook]Where stories live. Discover now