CHAPTER 9.1

163 14 1
                                    

** Jimin POV **

*Jimin's Ringtone*

il nyeoni gago

il nyeoni wado

neowa nan gateun i seonyul wireul tto geotgetji

i bami wado

i bami gado

deo naeun sarmeul wihan yeonjuneun gyesokdoegetji

"Fvck! Whos this?" naiiritang tanong ko.

Istorbo sa tulog ko! Tss. Ang aga-aga pa, pero nambubulabog na? 'Yan tuloy, naudlot yung pogi rest ko. Baka magkapimples at wrinkles pa ko sa mukha nito, paniguradong aasarin na naman ako ni V. Tss.

"Did you cuss my little brother?!" nagbabantang tanong ng kausap ko sa phone.

Fvck! Si noona Carmela pala ang kausap ko. Hays! Nabadtrip na tuloy agad yung umaga ko.

"Noona, bakit ka pala tumawag?" pag-iiba ko ng usapan dahil baka pagbantaan na naman ako nito.

"Gusto ko lang na-iremind ka na papasok ka na sa school ko, ngayon din." masiglang sabi nito.

Tss. Ngayon na nga pala ang araw ng paglipat namin sa school niya. Psh. Marami kayang magagandang chikababes dun?

"Ok." sagot ko nalang bago binaba na ang phone ko.

[After 1 hour]

Lumabas na ko ng kwarto ko at dumiretso na sa pagbaba, papuntang sala. Pagkababa ko palang ay nakita kong lahat sila ay naghihintay na sakin.

Mahahalatang sa kanilang inip na inip na sila dahil puro mga nakakunot lang ang noo nila. Haha. Nakakatawa sila, mga mukha silang unggoy. Psh.

"Buti naman naisipan mong bumaba." inip na inip na sabi ni Suga hyung.

"May isip ba 'yan?" narinig kong bulong ni V na katabi ngayon ni Leader sa upuan.

Inirapan ko lang si V saka tumingin muna ko sa relo ko, bago tumingin ulit sa kanilang anim.

"8:30 na, late na tayo." saad ko sa kanila.

"Malamang, ang tagal mo..." narinig kong bulong ulit ni V habang nakakapit na kay Leader.

Hindi na ko nakatiis kaya lumapit na ako kay V at sinapok ito sa braso nito. Sapok pang kaibigan lang 'yun.

"Aray! Bakit ka nanapok diyan huh?" daing nito saka hinimas-himas pa niya ang braso niyang sinapok ko.

"Para ka kasing bubuyog! Kanina ka pa bulong ng bulong diyan!" singhal ko sa kanya.

"Ay, akala ko hindi mo narinig." sabi nito saka nagkamot ng ulo.

Pasimple kong sinipa sa tuhod si V bago bumalik ulit sa pwesto ko, dahil nakatingin na ng masama si Leader samin.

"Since, kumpleto na tayo. Tara na!" aya agad ni Leader saka tumayo ito.

Tinignan ko ulit sila, parang kasing mga tinatamad pa silang tumayo. Halatang hindi talaga nila gusto ang paglipat namin ng school. Tss. Kahit ako din naman, ayokong lumipat.

Nagsisunod na kami kay Leader, na palabas na ng dorm.

"Sana naman masasarap ang pagkain dun sa canteen nila." narinig kong bulong ni Jungkookie habang sumasakay na kami sa van na maghahatid sa'min sa school ng CNA.

The Bangtan Maknae Tears  [BTS-Jungkook]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon