CHAPTER 20

157 11 2
                                    

***

Kakaparada ko palang ng kotse ko sa parking lot ng school. Syempre lumabas na ako ng kotse, alangan naman sa sasakyan ako mag-aaral. Psh!

Pagpasok ko sa gate ng school... agad kong nakita si Jungkook, na mukhang may iniintay sa gate? Sino naman kaya? Tse! Ano bang pakielam ko! Duhhhhh!

Napansin kong nakatitig kay Jungkook ang lahat ng tao sa corridor at hallway. May mga babae na halatang mga kinikilig, at may mga lalaki naman na masama ang tingin kay Jungkook. Psh! Tuloy tuloy na akong pumasok ng gate, at nilagpasan ko lang si Jungkook. Pero nagulat ako ng bigla niyang hatakin ang braso ko.

"Bakit?" nakataas ang isa kong kilay na tanong sa kanya. Psh! Lagi nalang kasi niya hinahatak ang braso ko. Pwede naman kasing sa kamay ko nalang, diba?

"Pasabay..." sagot niya, saka ako hinila palakad.

Ito na naman po siya sa kaladkad 'portion' niya. At ito na naman yung feeling na parang naeewan ako. Hays!

Dahil sa kakaisip ko, hindi ko namalayan na nasa harapan na pala kami ng building ko. Lumingon agad ako kay Jungkook, at nakita kong nakangiti siya habang tinititigan ako.

"Bye!" nakangiting paalam niya bago naglakad palayo sakin.

Pumasok na agad ako sa building ko, pero hindi ko na namalayan na nakangiti na din pala ako habang naglalakad ako paakyat sa room ko. As usual, lahat ng babaeng madadaanan ko ay nakatingin sila sakin at... mukhang nagtataka din sila. Tss! Ang weird!

"Hi ate Jeila!" bati sakin ng babaeng mukhang espasol ang mukha dahil sa kapal ng make-up sa mukha nito. Psh!

Hindi ko siya pinansin bagkus nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Madami pang bumati sakin pero deadma lang ako. Narinig ko kasing kaya lang madaming bumabati sakin ngayon ay para maging kaibigan nila ko, at para maging kaibigan din daw nila ang buong member ng BTS. Tss! Desperada much?

Malapit na ako sa floor ng room ko, nang may bigla akong nabangga na babae.

"Sorry." nakayukong wika ng isang mahinhin na boses.

Tinitigan ko yung babae, medyo nakayuko kasi siya. Hmm... parang kilala ko siya...

"C-charlotte?" tawag ko sa pangalan niya nang makilala ko nga siya. Napatingin naman siya sakin...

"Ate ganda, ikaw pala..." nakangiti niyang sambit saka ako niyakap.

Napabuga naman ako ng hangin nang bigla niya na lang akong yakapin.

"Girl! Halika na! Malapit ng pumasok si Ma'am!" narinig kong sigaw ng isang babae mula sa isang room.

"Oo. Ito na. Sige bye ate!" nakangiti niyang sabi saka tinanggal yung pagkakayakap sakin bago naglakad na paalis.

Psh! May something talaga sa babaeng 'yon. Hindi ko nga lang maexplain kung ano ba, basta ang alam ko may pagkaloka-loka siya. Psh!

Naglakad na ulit ako...

Nang nasa loob na ako ng room, wala pa din pinagbago. Lahat pa din sila ay nagbubulungan sa tuwing makikita nila ako. Tss!

Napatingin ako kay Mariel Jung, na nasa tabi ni Yhen. Simula kasi ng sinabihan niya akong 'walang kwentang kaibigan ako', dun na siya umuupo sa tabi ni Yhen. Ako nalang tuloy mag-isa dito sa dulo. Tss!

Buti naman at pumasok na agad sa room si Ma'am Sanchez. Nakinig lang ako sa magdamag na lecture niya. Nang matapos siya, hindi na ako nag-abalang kumain pa sa canteen. Tinatamad kasi akong bumaba pa at tsaka may baon naman ako, kaya ok lang. Sakto din naman kasi maagang pumasok sa room namin ang next teacher, at agad na nagturo.

The Bangtan Maknae Tears  [BTS-Jungkook]Where stories live. Discover now