CHAPTER 27

2.1K 43 0
                                    

Chapter 27: Goodbye

PORTIA SOLACE SEVIERRA

Sabi nila sa buhay, dalawang salita ang madalas sabihin, bitawan o gawin ng isang tao.

"Hello," at "Goodbye."

Kung gaano ka kadalas makakita ng bagong tao, ganun din kadalas na may aalis o mawawala sa buhay mo.

It became a natural thing for us, like how we breathe.

"People come and go." Kapag may dumating, may aalis. Kapag may aalis, may darating. Kung may itim, may puti. Kung may puti, may itim.

That's life at wala ka nang magagawa do'n.

"Shang, apo, sigurado ka na ba rito?" naiiyak na tanong ni Manang sa akin habang nakatayo ako at nakahawak sa maleta ko. Halata sa tono nang kaniyang boses ang kagustuhang baguhin ko ang desisyon kong ito.

Inilibot ko ang tingin sa silid na nagsilbi kong kwarto sa loob ng ilang buwan kong pamamalagi rito. Isa ito sa naging saksi ng lahat ng pinagdaanan ko sa loob ng pamilyang ito. Malungkot man o masaya lahat ay nakita ng apat na sulok na kwartong ito.

Tumango ako at nilingon siya. Nginitian ko siya ngunit alam kong hindi ito umabot sa aking mga mata. Hinila ko ang maleta palabas ng aming kwarto. Hindi ko na kaya pang manatili rito, baka hindi ko ituloy ang balak ko.

"Pasensiya na po kayo, ha? Kapag po nagkapera ako, bibisitahin ko po kayo rito. Kung papayagan ako."

"Ano ba kasing problema? Si Eldrich ay hindi rin nagsasalita. Baka pwede pang maayos 'yan," pakikiusap pa sa akin ni Manang habang naglalakad sa aking likuran.

Huminga ako ng malalim. Pinangako ko sa sarili na aalis ako rito ng may ngiti sa mga labi. Ayokong maalala nila ang araw ng pag-alis ko bilang isang malungkot na pangyayari, na tila kailanman ay hindi na kami magkikita. Dahil sisiguraduhin kong magkikita pa kaming muli.

"Kaya nga po ako aalis, para maayos ang problema... Mag-iingat po kayo, ha?" Nagpatuloy ako sa paglalakad hila-hila ang maleta.

Hindi na nagsalita si Manang pero rinig ko ang mahinang singhot niya. Umiiyak ang Ginang.

Nakarating akong sala at nandoon ang dalawang bata. Nakayuko si Khaki habang hawak ang kamay ng Kuya. Umaangat ang balikat ni Khaki kaya nasisiguro kong umiiyak ito. Pati si Kaimeer ay may namumuo na ring luha sa mga mata pero matatag nitong pinapatahan ang kapatid.

Parang may kung anong pumipiga sa puso ko sa nakikita ko kaya saglit akong tumingala para pigilan ang sariling umiyak. Takte! Iyakin na talaga ako ngayon.

Basta ko na lamang na binitawan ang maleta at dahan-dahang naglakad papalapit sa kanila.

Lumuhod ako sa harapan ng dalawang bata at pareho silang niyakap. Hinahaplos-haplos ko ang likod nila, pinapatahan ngunit mas lumakas lang ang iyak ni Khaki at kumapit ng mariin sa akin si Kaimeer.

"H-Huwag na kayong umiyak. Mas masasaktan ako kapag ganiyan kayo, e."

Mas niyakap ako ng dalawang bata at ramdam ko ang pagkabasa ng balikat ko.

Sumiksik sa akin si Khaki habang tahimik lamang si Kaimeer ngunit ramdam ko ang patak ng luha sa kaliwang balikat ko.

"T-Tita, why are you leaving u-us? Pasaway na po ba kami? A-Ayaw niyo na po ba sa a-amin?" mahinang bulong ng batang babae na mas dumurog sa puso ko. Iniisip niyang sila ang dahilan kung bakit ako aalis.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanila at tinitigan sila. Pati si Kaimeer ay tahimik na nakatingin sa akin. Mamuo-muo ang luha sa mga mata. Basa rin ang pisngi ng bata. Mariin din ang pagkakasara ng kaniyang bibig hudyat na pinipigilan niya ang sariling humikbi.

Forced to Conceal (COMPLETED)Where stories live. Discover now