"Sana kahit isang beses nagpakita ka. Ang sakit. Akala ko galit ka sa akin," I said try to suppress my emotions. I don't want her to think that I hold a grudge on her. 

"Hindi ako kailanman magagalit. Hindi naman ako nawala. I'm always there. Lagi niyo akong kasama. Lagi ko kayong binabantayan. I witnessed it all. I saw everything you did for our kids. And I saw how you slowly fell for her..." I tried to hold back my tears on what she said. My heart clenched in pain.

It means... She witnessed it all.

"W-Why did you..." I can't form what I wanted to say. I can't imagine her seeing me become happy because of someone else. I can't imagine her seeing someone take care of our children, seeing someone fill the spaces you once in. It must have broken her heart. 

"I told you, I want you to find someone who can love not only you but also our kids as if it was her own... And you already found her. Masaya ako dahil alam kong nasa mabuting kamay na kayo. Masaya ako dahil alam kong masaya na kayo..." She smiled. There's no hint of sadness in her eyes. She said she was happy. And I can totally see it. How does she do it?

Then again, she smiled one last time while the light got stronger again. "Kaya ngayon, kailangan ko nang umalis. Mahal na mahal kita. Hanggang sa muli, mahal ko..." 

"Kaila... Love... Sandali," sigaw ko at hinabol siya pero para siyang nauupos na ilaw. Unti-unti siyang naglaho. 

I slowly kneeled while sobbing. She's always been there. 

"I'm sorry... Love, I'm sorry. Sorry... Love... Kaila..."

******

PORTIA SOLACE SEVIERRA

Pinag-isipan kong mabuti kung ano bang dapat kong gawin, kung ano bang tamang gawin. At sa tingin ko ito 'yon.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago kumatok sa kwarto niya. Kailangan kong gawin 'to ngayon dahil kung hindi, baka mawalan na ako ng lakas ng loob.

Bumukas ang pinto at bumungad siya sa akin. Nakangiti ang mukha.

"Hi, Sol! Come in," he exclaimed which is unusual, dahil lagi siyang masungit.

Hindi ko pinansin ang bati niya at tahimik na pumasok sa loob. Mahigpit ang hawak ko sa papel na dala at tinatatagan ang loob.

Hindi ka pwedeng manghina, Portia.

"I was wondering where are you because when I woke up, wala ka na." Hindi ko siya sinagot at nanatili ang seryosong mukha habang nakatingin sa kaniya.

"Ah, did I do something wrong? W-Why are you so serious?" tanong niya na tila ninenerbyos. Tinitigan ko siya mata sa mata at inabot sa kaniya ang papel na hawak.

"What is this?" Takot. Iyan ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Basahin mo," walang emosyon kong wika. Labag sa loob niya itong kinuha sa kamay ko at binasa. Kita ko ang pagsalubong ng kaniyang kilay at ang unti-unting paglukot ng papel.

"W-Why? Is it..." Pinikit niya ang mga mata. "Is it because of what happened last night?"

Huminga ako nang malalim bago binalik ang tingin sa kaniya.

"Hindi po, Sir. Hindi naman po ako ganun kababaw. At iyong nangyari kagabi, ginusto ko po 'yon," sagot ko na parang wala lang. Nakatingin siya sa akin na parang tinatanya at pinag-aaralan ang emosyon ko.

"Then why? What's the problem, Sol?" ang boses ay nagmamakaawa, nakikiusap.

"Ako. Ako ang problema," ngumiti ako ng bahagya at iniwas ang tingin sa kaniya.

Forced to Conceal (COMPLETED)Where stories live. Discover now